20

26.9K 1.1K 456
                                    

• 🏐 •

"Chocolate ice cream for Kai," nakangiting sabi ni number eleven nang bumalik na siya sa table namin dala iyong mga in-order niyang ice cream.

"Thank you," ngumiti rin ako sa kaniya.

Dinala ako ni number eleven dito sa isang ice cream shop hindi kalayuan sa Creston. Akala ko no'ng una, e, dirty ice cream lang sa Luneta Park ang bibilhin namin. Nakalimutan kong rich kid nga pala itong si MVP at wala sa vocabulary at taste buds niya ang dirty ice cream ni manong sorbetero.

At nakakatuwa nga, e. Alam na agad niya kung anong flavor ang pipiliin ko. Naalala niya siguro no'ng nagkita kami sa convenience store dati. Tapos syempre matcha flavor naman ang kaniya.

"Magkano 'to?" Tanong ko pagkaupo niya.

Grabe. Ang fresh talaga ng isang ito. Parang hindi student-athlete, e. Ba't gano'n? Ang unfair. Partida, engineering student pa siya sa lagay na iyan, a. Akala mo, e, manok siya na nakatira sa isang stress-free environment.

Samantalang ako, parang eyebags na tinubuan ng ulo at katawan.

Ang linis niya pa tignan. White na white iyong uniform niya. Tapos clean cut pa ang gupit niya na para bang every week ay nagkikita sila ng barbero niya. At naka-glasses pa siya! Nerd-looking pero bagay sa kaniya. Parang gusto ko tuloy magpa-tutor ng chemistry. May gano'n kasi siyang vibe ngayon.

Tapos ang bango pa niya. Amoy fabric conditioner! Pero hindi ko naman sinasadyang amuyin siya, 'no. Alangan namang takpan ko ang ilong ko kapag medyo malapit siya sa 'kin?

Pero nag-a-adjust pa rin ako.

Pinipilit kong ikalma ang lahat sa 'kin.

Dapat chill lang. Na mukhang kinakaya ko naman. Malapit na nga akong ma-convince na may talent ako sa pagiging hindi halata kapag nasa harap ang crush, e.

Ang epal kasi nitong dibdib ko. Kabog nang kabog. Paano kung marinig iyon ni number eleven? Kung siya iyong tipo na madaling maka-gets ng mga bagay-bagay, e, 'di nabuko na ako?

E, 'di nalaman na niyang gusto ko siya?

I knew that the possibility of him hearing my heartbeat is low... but never zero. Lalo na kapag nadikit iyong tenga niya sa dibdib ko! Hindi ko alam kung mangyayari nga ba iyon pero mabuti nang sigurado, 'no.

Kasi hindi pa ako ready para ro'n.

Actually, hindi ko alam kung kailan ako magiging ready.

Baka nga... hindi na dumating ang araw na iyon kasi sure na akong isa 'to sa mga sikreto kong ibabaon ko hanggang sa hukay.

Tama na iyong ginagawa ko siyang... motivation. Ang corny pero hanggang do'n lang talaga, e. Pero bahala na. Ayoko lang talagang i-overthink kasi mas marami pang bagay ang dapat kong isipin sa ngayon gaya ng pag-aaral, volleyball, at ang future.

Nakita kong umiling si number eleven. "It's my treat."

"Iyan ka na naman, MVP, e. Magkano nga?"

"Don't worry about it, Kai."

"Tss," sabay labas ko ng 500 mula sa wallet ko.

"I won't accept that."

"Babayaran ko nga," pero umiling lang ulit siya. "Akala ko ba manlilibre ka lang kapag nanalo kami? Talo kami, 'di ba?"

"I don't remember saying that," sabay ngisi niya.

Napaawang ang labi ko. "Hoy! May sinabi kang gano'n! Gusto mo ng screenshot?"

"Go ahead," mayabang ang tono niya.

"Ang kulit mo, MVP," kumunot ang noo ko.

Natawa naman siya. Saglit akong natulala sa kaniya at agad na inabala ang sarili sa pagkain ng ice cream. Grabe. Iba pa rin talaga kapag sa personal kong naririnig ang tawa niya. Sarap sa ears.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now