42

27.6K 1K 407
                                    

• 🏐 •

It's the last day of round 1 of the elimination round. At ano pa nga ba ang inaabangan ng mga fans kapag ganito? It's the battle between the reigning champions and the silver medalists last season a.k.a. Westmore versus Easton.

Kinakabahan ako na nae-excite. Nakakakaba kasi siguradong gigil makabawi ang Easton sa Westmore pero nakaka-excite kasi alam kong hindi hahayaan nina number eleven na matalo sila. Pero syempre, ang fans at supporters pa rin naman ang totoong panalo kasi for sure, e, quality volleyball naman ang mapapanood nila ngayon.

Pero bukod do'n ay medyo distracted din ako.

Hindi pa rin mawala sa isip ko iyong tungkol kay mama. Kagabi pagkaalis ni number eleven sa dorm, nag-iisip na ako kung kailan ang tamang timing para sabihin ko na sa nanay ko ang tungkol sa 'min ni Roen.

Tinanong pa nga ako no'ng isa kung may problema raw ba ako pero hindi ko sinabi sa kaniya. May game siya ngayon, e. Okay nang ako na lang ang distracted kaysa siya.

Importante itong game na 'to kaya ayokong matalo sila.

"Guys, kanino pusta n'yo?" Tanong ni Vince.

Nandito na kami sa arena para manood nang live. Kasama ko sina Jerome, Vince, Kiko, Paul, at Drew. Ang dami na ngang tao, e. At halos dalawang kulay lang ang makikita.

Navy blue para sa Westmore.

Green para sa Easton.

Nag-navy blue akong t-shirt.

Syempre, support ko iyong isa. Wala na akong pakialam kung gawan ng issue ng mga tao. Magugustuhan pa nga ni number eleven na ma-issue kami, e. Kaya nagpagupit siya kanina para raw gwapo siya sa mga picture kung sakaling gawan daw kami ng video edit sa Tiktok.

Para namang makikita niya, e, wala naman siyang Tiktok.

Sina Jerome naman ay nag-white para raw mukhang neutral at walang kinikilingan. Mukha tuloy silang sasayaw. Pero blue naman daw ang briefs ni Kiko para raw support kina number eleven. Loko-loko talaga.

"Westmore iyan. Inspired ang Alejo kasi nandito ang bebe niya," si Jerome sabay abot ng bente kay Vince.

"Westmore din ako. Para saan pa't nag-blue akong briefs kung hindi sila ang gusto kong manalo?" Si Kiko at nag-abot din ng bente.

"Tama iyan. Team Westmore tayo," si Vince ulit at gano'n din ang ginawa niya. Naglabas din ng bente. "Hoy, Drew, sumali ka. Akin na bente mo."

"Westmore," sagot ni Drew at walang nagawa kundi sumali sa kalokohan nina Vince.

Napatingin kami kay Paul na naglalabas na rin ng bente niya. "Sorry, Kai. Para maiba lang. Easton ako."

"Sige lang," sagot ko. "Libre mo kami kapag nanalo ka ha?"

Tumawa siya saka tumango.

"Kai, ano? Akala mo, makakatakas ka kahit boyfriend mo ang maglalaro? Akin na rin bente mo," sabi ni Vince kaya napilitan akong maglabas ng pera.

"Uy, nasa camera tayo, o!" Sabi ni Kiko kaya napatingala kaming lahat sa screen sa itaas.

Kumaway at nagpapogi ang mga kasama ko pero mabilis lang akong tumingin do'n. Iyan na naman ang screentime na iyan, e. Tapos mamaya, may kakalat na namang video.

Nag-vibrate ang phone ko kaya sinilip ko iyon. May text si number eleven.

'Are you already here in the arena?'

'Yep. Good luck sa inyo. Go Westmore!"

'Thank you, baby,' reply niya. 'Who are you with?'

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now