Epilogue 01

30K 997 121
                                    

Hello! This is the first part of the epilogue. Thank you for reading!

• 🏐 •

Hindi ko alam kung ilang minuto rin kaming nag-iiyakan do'n nila mama. Paano ba naman kasi ako tatahan kung kada maiisip kong tanggap nila kung sino ako ay walang tigil sa pagtulo iyong mga luha ko? Ang OA na siguro pero wala, e. Hindi lang talaga ako makapaniwala.

Hindi ko rin alam kung ano bang ginawa ko sa past life ko at ganito ako ka-swerte sa mga magulang ko. Actually, doon ko lang din na-realize na sobrang swerte ko sa halos lahat ng tao sa paligid ko. Mula sa mga coaches at teammates kong grabe kung sumoporta... hanggang sa mga kaibigan ko... tapos ito, iyong family ko.

Pero syempre hindi rin pahuhuli si number eleven.

Kaya sobrang thankful ako na napalilibutan ako ng mga tao na bukas ang pag-iisip at hindi ako hinusgahan. At sana ay dumating din ang araw na lahat ng mga lalabas at tatanggapin ang mga sarili nila ay makatanggap din ng suporta mula sa mga mahal nila sa buhay.

Kasi iyon ang isa sa mga pinakamasarap na pakiramdam.

Walang tao ang deserved na mahusgahan sa kung sino sila at sa kung sino ang pipiliin nilang magustuhan o mahalin.

"Baby, did something happen?" Bungad ni number eleven nang mag-video call kami ng gabing iyon.

Umalis na rin sina mama at tita pagkatapos akong patahanin. Ang original plan nila ay uuwi rin agad ngayon sa Baguio pagkatapos akong kausapin pero hindi ako pumayag. Kahit humihikbi pa kanina ay c-in-onvince ko silang mag-stay sa isang hotel para naman makapagpahinga sila sa byahe at para na rin may time akong makasama sila bukas. Balak ko kasing kumain muna kami bago sila umuwi ng hapon.

Tinignan ko si number eleven. Nakahiga na siya sa kama niya sa dorm nila habang nandito pa rin ako sa sofa sa lobby. Buti ay nakasuot siya ng sando at hindi na naka-topless kasi lamig na lamig talaga ako sa kwarto niya kahit hindi pa naman ako nakakapunta ro'n.

"Hm?" Sagot ko.

"Your eyes are red," sabi niya, nag-uumpisa nang kumalat sa mukha niya ang pag-aalala. "Why did you cry?"

"Namumula pa rin ba? Naghilamos na ako kanina, e."

"Would you like me to come over? Give me 15 minutes. Wait for me, okay?"

Tatayo na sana siya pero pinigilan ko. "Ay, okay lang ako. 'Wag ka na pumunta rito. Gabi na."

"You sure?"

Tumango ako saka ngumiti. "Yep."

"But why did you cry? What happened?"

"Ano kasi, uhm, dumating kanina rito sina mama at tita. Nag-usap na kami tapos iyon, nag-iyakan nang kaunti."

Kaunti ba iyon, Kai? Tulo na nga sipon mo kanina.

Nakita kong natigilan si number eleven. "What?"

"Sinabi ko na iyong... tungkol sa 'tin."

Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti ulit ako at tumingala para pigilan iyong mga luha kong tutulo na naman. Grabe... kapag naaalala ko talaga iyong mga sinabi kanina nina mama't papa, automatic na yatang iiyak ako.

Sino ba naman kasing anak ang hindi iiyak kapag gano'n ang maririnig mo mula sa parents mo, 'di ba?

Siguro para sa iba o baka sa mismong mga magulang natin ay wala lang iyon... pero sobrang laking bagay na ng mga salita ng pagsuporta at pagtanggap nila. At hindi lahat ng magulang ay gano'n. Hindi lahat ng may coming out story ay masaya. Kaya sobrang swerte ko na may mga magulang ako na tinanggap agad ako sa kung sino ako.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now