48

26.7K 937 163
                                    

• 🏐 •

Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang lumipas na nando'n lang kami ni number eleven na nakatayo habang pinagmamasdan ang tahimik na dagat. Walang nagsasalita sa 'min pero sobrang peaceful sa pakiramdam.

Ito talaga iyong mga gusto ko, e. Iyong tahimik at relaxing lang. Pwede kayang dito na lang kami palagi? Ang sarap siguro gumising kapag ang view mo ay kulay blue na dagat at mga bundok sa malayo tapos ang una mong maririnig ay iyong hangin at mga alon. Tapos meron ka pang mainit na kape. Parang tanggal lahat ng problema at iniisip mo kapag gano'n.

Ngayon pa lang ay nagso-sorry na ako sa hometown ko. Maganda sa Baguio pero iba talaga ang dagat.

Gusto kong magtayo rin ng bahay na malapit sa ganito. Magkano kaya iyon? Kahit maliit lang. Hindi naman kailangan na malaki at maganda tulad ng rest house nina number eleven. Gusto ko lang ng mapupuntahan kapag stressed na ako.

"Baby," tawag ni number eleven.

Tumingin ako sa kaniya. Naabutan ko siyang tumigil na sa paglalaro sa mga daliri ko at may kinukuha na sa bulsa ng shorts niya.

"Bakit?"

"I have a gift for you."

"Gift?" Na-excite ako.

May regalo ang number eleven sa 'kin!

Para akong bata na sobrang excited habang hinihintay siyang ilabas ang regalo niya para sa 'kin. At napaawang na lang ang labi ko nang may nilabas siyang square na kulay dark blue na box. Nagkatinginan kami at malaki agad ang ngiti niya sa 'kin.

Binuksan ni number eleven iyong box at kumabog nang malakas ang dibdib ko nang makita ang laman no'n.

Isang gold na kwintas na may pendant na volleyball.

"Happy birthday, Kai," bati niya ulit sa hindi ko na alam kung pang-ilang beses na ba iyon.

"Wow..." bulong ko habang titig na titig sa kwintas.

"You like it?"

"Ang ganda!" Sagot ko at natawa naman siya. "P-Para sa 'kin iyan?"

"Yes."

"Talaga?"

"Yes, baby. It's yours," sabay halik niya sa noo ko. "Let me put it on you."

Pumunta siya sa likuran ko at wala pang ilang segundo ay naramdaman ko agad iyong malamig na kwintas sa balat ko. Nang humarap na ulit ako sa kaniya ay hindi na mawala sa mukha ko ang ngiti at hindi na rin nilubayan ng mga mata ko ang regalo niya sa 'kin.

Shit... ang ganda talaga.

At nakakatuwa na naisip niyang volleyball ang gawing pendant na reason kung bakit kami nagkakilala.

Na-pressure tuloy ako lalo kung ano bang magandang regalo sa birthday niya. Parang hindi yata sasapat ang trip to Thailand, a? Bigyan ko rin ba siya ng kwintas? Para pareho kami? O bracelet? Mukhang mamahalin pa naman itong bigay niya. Ngayon pa lang, nanginginig na iyong savings ko.

"Looks good on you," sabi ni number eleven.

"Thank you," sagot ko saka siya niyakap.

Niyakap niya rin ako agad pabalik. "You're always welcome, baby."

Grabe... minsan talaga ay hindi ko ma-predict kung anong susunod na gagawin nitong isa. Mahilig siya sa mga surprises. Hindi ko nga alam kung aware ba siya ro'n o talagang gano'n lang siya pinanganak o sinasadya niya ba pero sino ba naman ako para magreklamo, 'di ba? Para namang hindi ako tuwang tuwa sa mga pakulo nitong malaking baby na 'to.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now