Epilogue 03

26K 1K 537
                                    

• 🏐 •

"Happy birthday, number eleven!"

Tawang-tawa ako sa hitsura niya no'ng pagbuksan niya ako ng pinto. Nakatayo lang siya ro'n, nakasuot ng sando at jersey shorts, gulo ang buhok, habang pupungas pungas pa at titig na titig sa 'kin. Iniisip siguro niya kung hologram ko lang ba itong nakikita niya ngayon o ano. Well, mukhang pareho kami na kapag naistorbo sa tulog ay hindi agad nagfa-function ang utak.

Hindi ko rin naman siya masisisi kung akala niya ay nananaginip pa siya. Ikaw ba naman ang i-surprise ng boyfriend mo sa condo mo ng 12 ng hatinggabi, ewan ko na lang din talaga.

"Surprise!" Sabi ko pa na may malaking ngiti.

"Baby?" Tanong niya no'ng mukhang nag-sink in na sa kaniya na nandito nga ako ngayon sa harapan niya. "How did you get here?" Namamaos pa ang boses.

Ang unfair talaga. Bakit hindi oily iyong mukha niya kapag bagong gising? Wala bang time na hindi siya masyadong gwapo? Pareho lang naman kaming may mata, ilong, at bibig pero ba't gano'n? Hay...

"Nagtanong ako kay Carlos," sagot ko na natatawa.

Actually, magkausap pa kami kaninang mga 9PM. Ang huling sinabi niya bago kami ako magpaalam na matutulog na ay susunduin niya raw ako bukas sa dorm para mag-date daw kami. Ang hindi niya alam ay may iba akong plano at ito na nga, successful naman kasi gulat na gulat siya sa pagsulpot ko rito sa labas ng condo unit niya.

Nakita kong nalipat ang tingin ni number eleven sa backpack na nakasukbit sa balikat ko. Hanggang doon sa maleta at sa box ng cake na bitbit ko. Umawang ang labi niya at namula ang mga tenga tapos ay tumingin ulit sa 'kin.

"Happy birthday, baby," bati ko ulit sa kaniya.

Ngumiti siya at hinapit ang bewang ko para yakapin ako. At inatake agad ang ilong ko ng pamilyar niyang bango. Grabe, sobrang relaxing talaga. Pwede bang ganito na lang kami palagi? Para bang ginawa ang mga braso niya para ikulong ako ro'n at ang dibdib niya para may masandalan ako kapag niyayakap niya ako.

Niyakap ko rin siya gamit ang isa kong kamay.

"Thank you, baby," bulong niya at naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Thank you."

"Wala iyon," sagot ko.

"But, baby," aniya saka humiwalay sa yakap. Malambing siyang nakatingin sa 'kin. "As much as possible, don't travel alone at this late hour, please. It's not safe. I mean, you can as long as you're with someone you trust or as long as you're with me."

Medyo natigilan naman ako. "Ay, sorry na. Gusto ko lang kasi na ako unang bumati sa 'yo. Hindi na mauulit."

"It's okay," sabay yakap niya sa 'kin ulit. "But thank you for the surprise. I really, really appreciate it."

"You're welcome. Gulat ka?"

"Yeah," bedroom voice pa rin siya.

"Sorry kung nagising kita. Pero happy ka naman?"

"Even if there's no surprise, I'm always happy whenever I'm with you, baby."

Natawa ako pero deep inside, kinikilig. Kainis din minsan itong si number eleven, e. Dapat siya ngayon ang kinikilig sa 'kin pero may mga ways talaga siya para baligtarin ang sitwasyon.

"Gusto mo ng birthday kiss?" Tanong ko nang humiwalay ulit sa yakap niya.

Nakita kong parang na-challenge siya sa sinabi ko pero agad din namang ngumisi at excited na tumango. Naku, parang nagsisi agad ako na in-offer ko iyon. Minsan pa naman, e, kapag nanggigil siya ay binibigyan niya ako ng, in his terms, thousand kisses.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now