38

27.3K 1K 301
                                    

• 🏐 •

Dumating ang araw ng operation ko na kinakabahan ako. Bukod sa first time kong ooperahan, e, natatakot din ako na baka hindi siya magiging successful. Buti na lang talaga ay nandito sina mama at tita para bigyan ako ng emotional support. Nando'n talaga sila hanggang sa matapos iyong operation.

Nando'n din sina coach pati iyong mga teammates ko. Palagi akong ina-update nila Jerome tungkol sa mga nangyayari sa trainings nila at sa actual games.

At syempre nando'n rin iyong boyfriend ko.

Naks naman, Kai. Feel na feel.

Pero nakakatawa nga iyong si number eleven, e. Bago iyong surgery, kung kabado na ako, mas kabado pa yata siya. Kita sa mukha niya kapag nagvi-video call kami kahit hindi niya aminin. Pero at the same time, e, nakakakilig din na may isa pang taong nandiyan para sa 'yo na susuportahan ka at ka-share mo sa kaba.

Buti na lang din ay successful iyong operation.

Ang next ko nang gagawin ngayon ay rehabilitation. Hindi ko alam kung ilang buwan ang itatagal o kung aabot ba ng taon. Depende raw iyon sa bigat ng injury. Depende rin kung kakayanin ko agad. Kaya magiging bestfriend ko sa mga susunod na araw iyong S&C coach at physical therapist namin. Sabi naman nila ay basta magkaro'n lang ako ng disiplina sa sarili at sumunod lang sa lahat ng ipapagawa sa 'kin ay magiging smooth lang ang lahat.

Sana nga makabalik ako agad.

Gusto ko na ulit mag-training at maglaro.

Kasi ewan ko pero kahit palagi namang sinasabi sa 'kin nila Jerome na aksidente iyong nangyari, e, hindi ko pa rin maiwasan na ma-guilty. Alam naman ng lahat na lone libero ako ng team. Iyong bagong recruit kasi namin ay next year pa papasok.

At sa tatlong games ng team na napanood ko, kitang kita ko iyong hirap nila sa depensa.

Hindi naman sa sinasabi kong falling apart sila no'ng wala ako. Actually, panalo nga sila at wala pang talo as of the moment.

Pero hindi easy wins ang mga iyon. Apat na magkakasunod na game ay umabot ng 5 sets. Wala halos katulong sa likod iyong mga sweepers namin na siyang role ko kaya kulang talaga ang depensa namin. Buti na lang din talaga ay wala halos problema pagdating sa atake kaya ro'n na lang kami bumabawi.

Tapos Westmore na iyong next na kalaban ng Creston.

Awa na lang talaga, Lord. Anong magagawa ng attacks namin sa isang team na magaling sumira ng defense pattern?

Ang lakas pa naman masyado ni number eleven!

At speaking of number eleven, nagre-request ng video call ang baby.

"Hello," bati ko sa kaniya nang sagutin iyon.

Nakita ko siyang nakaupo sa... saan ba 'to? Nasa Westmore ba siya? Alam ko, may pasok siya ngayon, e. Hindi pa ako nakakapasok sa Westmore pero mukhang iyong football field nila ang nasa background niya.

Two days na rin pala simula nang makalabas ako sa ospital. Pagkatapos nila akong ihatid sa dorm ay umuwi na rin agad sina mama at tita sa Baguio. Kinausap rin muna pala ni coach ang mama at in-assure na hindi ako pababayaan dito sa buong duration ng recovery ko.

Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto kong sa Baguio magpagaling. Naisip ko pa ngang isama na lang do'n iyong PT namin. Pwede naman siyang mag-stay ro'n sa isa pang kwarto sa bahay. Pero syempre, hindi iyon pwede.

Isa pa, hindi pa nga pala tapos ang sem.

Tsk. Parang ang dami nang nangyari pero iyong school year ay hindi man lang gumalaw. Nawala na nga sa isip ko iyong student part sa student-athlete, e.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now