24

24.1K 882 100
                                    

• 🏐 •

"Sorry sa abala," sabi ko kay number eleven pagbaba namin ng sasakyan niya.

"It's okay, Kai," ngumiti lang siya.

Ang bait naman nito ni MVP. Kung iba siguro iyon, nagalit na sa 'kin kasi natapunan ko ng sinigang iyong upuan ng sasakyan niya. Waterproof naman iyong seat cover at iyong shorts ko talaga iyong basang-basa pero nakakahiya pa rin. Mukha pa namang malinis sa mga gamit niya itong si number eleven.

Ang gusto ko pa nga sana, e, dumiretso na kami sa dorm pero napilit niya akong magpalit muna ng shorts sa malapit na coffee shop. Kinuha ni Jerome iyong duffel bag ko kanina pero boy scout nga talaga itong si number eleven. May emergency bag siya sa kotse niya tapos may extra training shorts siya ro'n.

Hindi ko nga ma-imagine iyong hiya ko kanina habang inaabot niya sa 'kin iyong shorts niya kung shorts bang matatawag iyon.

Sure kasi akong malaki sa 'kin iyon.

Pants ko na nga yata iyong shorts niya, e.

Pero ngayon pa ba ako aarte? Nagmagandang-loob na nga iyong tao.

"Saglit lang ako," sabi ko pagpasok namin sa coffee shop. Buti na lang at wala masyadong tao rito. Nakakahiya at amoy sinigang na salmon ako.

"Okay," tumango siya. "Do you want anything?"

"Ha?"

"I'll order while you change."

"Ay, hindi na-" natigilan ako agad kasi naisip kong nakakahiya rin sa mga barista at naki-CR lang talaga ako at hindi man lang um-order. "Wait, nakakita ka ng matcha sa menu, 'no?"

Unti-unti siyang ngumiti tapos tumango.

Shit talagang ngiti iyan. Nakakapanghina!

"Sige. Pero libre ko," sabi ko. Kumunot agad ang noo niya. Tignan mo 'to. May allergy yata talaga kapag ako ang manlilibre. "Sige na, number eleven. Ako na since pinagluto mo ako ng sinigang. Send ko na lang mamaya iyong bayad since hindi ko dala wallet ko."

"But-"

"Bawal na tumanggi!"

Hindi ko na siya hinayaan makapagsalita at mabilis na akong pumunta sa banyo nitong coffee shop. Buti na lang talaga at iyong shorts ko lang ang nabasa. Hindi umabot sa underwear ko.

Kasi hindi ko yata talaga kakayanin kapag pati underwear ni number eleven ay ipapahiram niya sa 'kin.

"Parang gago, Kai," umiling-iling ako nang makita iyong reflection ko sa salamin na namumula. Parang ewan! Ayoko na! Baka kung saan pa mapunta itong utak ko.

And as if namang ipapahiram niya iyon, 'di ba? Sino bang nagpapahiram ng underwear? Wala naman yata. Kahit pa sabihin niyang brand new iyon at hindi pa niya nagamit, hindi ko pa rin tatanggapin.

Bukod sa sobrang nakakahiya talaga, e, sure akong magkaiba kami ng... ano... size.

Size ng waistline kasi!

At tama nga ako, iyong training shorts na feeling ko ay hanggang hita lang ni number eleven ay medyo lagpas tuhod ko na. De garter naman siya kaya hindi maluwag sa bewang.

Lalabhan ko na lang 'to nang maigi.

Ano kayang fabcon ang gamit ni number eleven? Matanong nga sa kaniya mamaya.

Naghilamos na rin ako para fresh ulit. Nag-spray na rin ng alcohol na inabot din sa 'kin kanina ni number eleven. Pagkatapos ay lumabas na ako. Hinanap ko agad siya pero natigilan ako nang makita na may kausap siyang babae.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now