22

26.4K 1.2K 399
                                    

• 🏐 •

"Creston University's starting libero, number eleven, Kaizen Reyes!"

H-in-igh five ko iyong iba kong teammates pati ang coaching staff namin saka ako dumiretso sa court para sa huddle bago ang unang serve of the match.

Halos hindi na nga kami magkarinigan kasi ang lakas ng sigawan at cheer ng audience dito sa arena. Yep, game 3 of the semifinals between Creston and Westmore is underway. At ano pa nga ba? Basta may laro ang Westmore ay expected nang marami talagang nanonood pero nakakatuwa rin na hindi naman nagpatalo ang mga supporters ng Creston.

Nilibot ng tingin ko ang buong paligid at hindi ko mapigilan na mapangiti kasi parang pang-championship game na iyong vibe ngayon dito kahit semis pa lang naman. Grabe. Iba pa rin talaga kapag maraming nanonood sa game.

Ang sarap sa feeling.

At big deal talaga iyon para sa 'min kasi dito sa Philippines, e, mas malaki ang reach ng women's volleyball. Kaya nakakatuwa na unti-unti na ring nakikilala ang men's.

Pero... mas lalong okay sana kung nandito si number eleven.

Wala iyong motivation ng Kaizen.

Medyo nakakalungkot tuloy na hindi siya makakanood nang live. Nag-message siya kanina na may emergency raw siya. Hindi ko na nga napigilan na magtanong kung ano iyong emergency niya pero okay lang naman daw siya.

Mag-focus na lang daw ako sa game.

Tapos nag-good luck siya na sinamahan niya ng selfie niyang naka-fighting sign habang naka-signature smile.

At sino ba naman ako para hindi kiligin?

Muntik ko pa ngang masakal kanina si Jerome sa sobrang likot ng mga kung ano sa tiyan ko. Tao lang din naman kasi ako, 'no. Nanghihina rin kapag s-in-end-an ng picture ni crush.

One of these days talaga, e, tatanungin ko na si number eleven lalo na kapag may ginawa na naman siyang hindi mo naman normally ginagawa sa kaibigan mo. Tatanungin ko na siya kung may pinapahiwatig ba siya. Kung ano bang meron.

Kung... gusto niya rin ba ako.

Kasi kung oo, e, 'di... masaya.

Pero kung hindi, naku, sasabihan ko talaga siya na ikalma niya iyong sarili niya sa mga moves niyang ino-overthink ko na halos araw-araw. Magse-set na agad ako ng limitations.

Kahit pa sabihin niyang hindi siya aware sa mga ginagawa niya. Nakakatakot kasi. Sabi ko nga, masarap kiligin pero hindi naman pwedeng puro kilig lang ang mararamdaman mo.

Sooner or later, mamamalayan mo na lang, hulog na hulog ka na.

Kagaya ngayon.

"Shit!" Sabi ko nang lumapag sa court namin iyong dropball ng Westmore.

Nagkatinginan kaming lahat. Napailing si Jerome at mabilis ulit kaming nag-huddle habang nagse-celebrate naman ang kalaban kasi nakapuntos sila.

Kakaisip ko ng hulog, hindi ko na na-anticipate na ihuhulog lang pala ng outside spiker ng Westmore iyong bola sa rally na iyon. Nakakainis. Pangatlong beses na yata iyon na akala naming babarugin niya iyong palo pero biglang magbabago ang isip niya habang nasa ere at dropball ang gagawing atake.

Tapos ang masama pa no'n, wala pa ring adjustment sa side namin. Kanina pa nila kami hinuhulugan ng bola pero parang nakapako ang mga paa namin at walang kumukuha.

At nakaka-frustrate iyon sa part ko kasi dapat ako ang pinakamalikot sa loob ng court bilang libero.

16-12 ang score. Lamang ang kalaban. Tumunog ang buzzer para sa technical timeout. First set pa lang naman pero hindi gaya no'ng game 2, gising na gising ang mga players ngayon ng Westmore.

Jersey Number ElevenWo Geschichten leben. Entdecke jetzt