15

26.5K 1.1K 541
                                    

• 🏐 •

Confirmed.

Sa smile talaga ni number eleven nanggagaling iyong something.

Kaya naman sa buong duration ng pagkain at stay namin sa restaurant ay grabe iyong naging struggle ko para lang maiwasan kong makita ang signature smile niya. Minsan nga ay ina-anticipate ko kung kailan siya ngingiti tapos kapag nase-sense ko na iyon ay lilingon agad ako sa view.

Kunwari chill lang.

Kunwari hindi apektado.

Kunwari hindi kinakabahan.

Kunwari hindi nasusuka kasi dumarami na iyong malikot sa loob ng tiyan.

Parang tanga, Kai.

Umayos ako ng upo saka uminom doon sa fruit tea na nilibre sa 'kin ni number eleven bago kami nag-decide na bumalik na ng Manila. Akala ko nga ay uuwi na kami pagkatapos naming kumain pero nagyaya pa siya mag-coffee shop.

Tatanggi nga sana ako hindi dahil sa ayaw ko siyang ilibre pero 'di ba nag-kape na kasi ako kanina habang papunta kami. Hindi ko na nga naubos iyon, e. Nakakahiya nga pero natunaw na kasi iyong yelo kaya ang tabang na. Iyong iced coffee, e, naging coffee na lang.

Pero apparently, matcha lover pala 'tong si number eleven. Gusto niya raw matikman iyong matcha latte ng isang coffee shop na sinasabi ng isa niyang teammate. Che-check niya raw kung legit ba na masarap.

Kaya iyon, pumayag na ako.

Iyon nga lang, no'ng inaabot ko na sa kaniya iyong bayad, e, hindi niya tinanggap. Libre niya na raw. Syempre, umangal ako. Ako ang taya ngayong araw, e.

Pero lunch lang daw ang deal namin na ililibre ko siya. Since tapos na kaming mag-lunch, it's time na raw na siya na ang manlilibre. Napanganga na lang ako no'n. Ginamitan ako ng talino ni MVP!

Magsasalita pa sana ako pero natigilan ako nang bigla niyang guluhin iyong buhok ko saka ako nginitian.

Boom. Na-hypnotize agad ang Kaizen!

Hindi na ako nakaiwas. Hindi ko na rin magawang umiwas! Para bang may magnet iyong mga labi niya at doon agad napupunta ang mga mata ko. Kahit ilang beses kong sabihan ang sarili na sa mata dapat ni number eleven ang tingin.

Tapos susundan iyon ng malawak at borderline na sa pagiging makasalanan na imagination ng utak ko...

"It's okay, Kai," sabi pa niya.

Anong okay? Hindi ako okay!

Ramdam ko ulit ang lahat. Mula sa kaba... tapos sa kuryente na kumalat sa buong katawan ko nang guluhin niya iyong buhok ko... hanggang sa para ulit akong masusuka kasi nagkabuhol-buhol na naman ang mga laman loob ko.

Nakakapanghina sa totoo lang.

Napunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan kong pag-iwas sa ngiti niya buong araw. Isang ngiti lang, shit, magulo na ulit ang buong sistema ni Kaizen Reyes.

Kailan pa ba 'to nagsimula? Bakit hindi ko namalayan? O baka nandiyan na pero hindi ko lang pinapansin? Huli akong nagkaganito ay no'ng-

Nanlaki ang mga mata ko saka nilingon si number eleven na busy ngayon sa pagda-drive. At gusto ko na lang sapakin ang sarili nang umandar na naman ang makasalanang side ng imagination ko. Ano ba 'tong nangyayari?

Kasi bakit biglang kapansin-pansin na sa 'kin iyong mga ugat niya sa braso?!

Hindi ako palamura talaga pero... tangina.

"Yes, Kai?"

Napatagal na naman yata iyong tingin ko sa kaniya. Saglit niya akong nilingon na may maliit na ngiti. Napakurap ako saka lumingon sa harap.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now