Chapter 8

161 8 3
                                    

Val's POV

Otw na kami sa bangka na sasakyan namin para sa island hopping namin.

"Saya neto! Island Hopping!" Sigaw ni Jane.

"Kahapon ka pa weirdo." Inis ni Ash.

"To talaga kill joy!" Inis ni Jane.

Tinarayan lang siya ng nobya niya.

"Akin na yang mata mo dudukutin ko." Akmang dudukutin ito ni Jane.

"Tumigil nga kayo!" Saway ko.

Agad naman sila nakinig sakin.

"Ano ba kasi yang kinasasaya mo Jane?" Curious ko.

"You'll see." Sabay smirk.

Sinusundan lang namin si Jane dahil siya ang nakakaalam kung anong bangka ang sasakyan namin.

Maya maya lang huminto na siya sa isang bangka.

Obvious na para saamin yun dahil pineprepare na nila ito.

"Ms. Wave?!" Sigaw ni Jane.

Laking gulat ko dahil si Ari ang lumabas at bumaba sa bangka.

Hindi pa nakakalapit si Ari agad ko hinablot ang buhok ni Jane at hinila siya papalayo.

Sumunod naman samin ang mga kasama namin.

"Aray ko naman!" Sigaw ni Jane.

Agad ko naman siya binitawag.

Habang minamasahe niya ang bunbunan niya ay nakatingin lang ako sa kanya ng masama.

"Grabe naman yang reaksyon mo! Yun nga ang surprise eh!" Ani ni Jane.

Na pa cross arms ako sa sinabi niya.

"Surprise mo mukha mo! Dapat sinabi mo na agad para nakapag handa kami." Inis ko.

"Okay na yan atleast bonding bonding! At para sabihin na natin na pamilya niya kayo." Saad niya.

"Yan ang hindi natin pwedeng gawin." Singit ni Dr. Xy.

Lahat kami napalingon sakanya.

"Hindi natin alam ano magiging reaksyon ni Ari. Tandaan niyo stranger ang tingin niya satin. Kilalanin muna natin siya. Kung ano naging buhay niya dito. Sino ang kumupkop sakanya. Aware ba siya sa nangyari sakanya. Unahin natin malaman ang mga background niya" Explain ni Doctora.

Tumango tango kami as a sign na naintindihan namin.

Tinuon ni Dr. Xy ang attensyon niya kay Ran.

"Baby wag mo muna tawagin ng mama si Ari ah? Ate muna okay?" Utos niya.

"Opo sinabi na din po yan ni mama." Sagot ni Ran.

"Val landiin mo na agad mamaya." Ani ni Jane.

"Tarantado! Tara na nga! Mukhang naghihintay na oh!" Aya ko sa kanila habang tinuturo si Ari na nakapamewang na.

"Uy! Tara na! Alam naman natin na ayaw nun nahihintay." Aya ni Jane at dali dali kaming hinatak papalapit kay Ari.

"Sorry, Emergency meeting lang." Explain ni Jane.

Nginitian lang siya ni Ari at bigla bumaling ang tingin niya sakin.

'I missed those eyes.'

"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Ari.

"Hindi! Hindi ko nga alam bat yan nandito! Who you?" Pangbabara ni Jane.

Nakita ko na kinurot siya ni Ash.

Our PastWhere stories live. Discover now