Chapter 14

129 8 1
                                    

Val's POV

Tapos na ang activities namin dito sa siargao kaya na isipan namin maglakad lakad na lang dito sa labas tutal ay 4 palang ng hapon.

Papalabas na sana kami ng may bigla kumatok sa villa namin.

Pagbukas ni Ash si Ari pala.

"Bakit Wave?" Tanong ni Ash.

"Aalis kayo?" Tanong ni Ari.

"Oo iikot ikot lang sa dagat bakit?" Tanong ulit ni Ash.

"Aayain ko sana kayo sa catangnan bridge." Sagot niya.

"Tara!" Walang pagdadalawang isip ni Jane.

Lumapit siya kay Ari sabay inakbay dito at hinala papalabas.

Sumunod na lang kami sakanila.

"Baka busy na si kuya driver." Saad ni Ash.

"Nagpaalam na ako sakanya. Naghihintay na nga siya satin eh." Sagot ni Ari.

"Talagang prepared ka ah!" Ani ni Jane.

Tama nga naghihintay nga si kuya driver.

"Hoy Alona baka kidnap for ransom ang binabalak mo ah." Duda ni Jane.

Natawa na lang si Ari sa sinabi ni Jane.

Medjo matagal ang byahe kaya nakatulog kaming lahat.

"Gising na kayo. Papatikim ko yung pinakamasarap na barbequehan dito sa catangnan." Saad ni Ari.

Pungas pungas kaming bumaba ng Van.

Nandito kami ngayon sa Margo's BBQ House Catangnan BBQ.

Namili na kami ng mga kakainin namin.

"Ran ano gusto mo kainin?" Tanong ko sa anak ko.

"Hotdog and barbeque mommy." Pungas pungas niyang sagot.

Nagpaluto lang kami dahil sabi ni Ari dun na  lang daw namin kainin sa bridge.

Pagkatapos maluto bumalik na kami sa Van.

"Nangangamoy ng ihawan itong van." Ani ni Jane.

"Sus gutom ka lang." Pangangasar ko.

"Kainin ko to lahat eh." Banta ni Jane.

Hindi nagtagal nakarating na kami sa brigde.

Sakto naman at pasunset na kaya ang ganda.

"Ganda dito." Amaze ko.

"Diba? Kaya inaya ko na kayo baka kasi hindi na kayo makabalik. Obvious naman na busy kayo sa mga work niyo." Saad ni Ari.

"Dali mo din maattach no?" Pansin ko.

"Hindi naman. Pero may nararamdaman ako na malapit kayo sakin. Ewan ang gaan ng loob ko sainyo. Siguro dahil alam kong pure hearted kayo." Ani niya.

Napangiti na lang ako sa sagot niya.

Nandito kami sa likod ng van pinabukas namin ito kay kuya driver habang nanonood ng sunset.

Yung mga kasama naman namin ay busy sa pagpipicture dinamay pa si Ran.

"Huy! Tama na ang pagkain picture tayo." Aya samin ni Jane.

Tumayo naman agad kami at magpicture.

"Ang dedescente niyo tignan samantala ako dugyot." Natatawang sabi ni Ari.

"Sumama ka samin sa Manila puputi ka." Suggest ni Jane.

"Kung pwede lang eh." Ani ni Ari.

"Bakit hindi? Tara impake ka na!" Utos ni Jane.

Our PastWhere stories live. Discover now