Chapter 25

110 9 0
                                    

Val's POV

"Hoy!" Sigaw ni Jane habang nakaturo sa kamay namin na magkahawak.

Aalisin niya sana kamay niya pero lalo ko naman hinigpitan.

"Val!" Saway niya sakin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at hinila ko siya papalapit sakanila.

"Wag ka sana multuhin ni Ari." Pananakot ni Jane.

Kita naman ang reaction ni Wave na natakot siya.

'Ito ba yung sinasabi nila matakot ka sa sarili mong multo?'

Nagtawanan lang kami ni ate.

Samantala si Yanna tulala kala mo nasakluban ng langit at lupa.

"Wag ka matutulog sinasabi ko sayo! Baka pagmulat mo nakaupo na sa dibdib mo si Ari." Pananakot lalo ni Jane.

'Kahit kelan talaga to.'

Nagtaka kami dahil bigla tumingin sa langit si Wave.

"Maam Ari wag niyo po ko dadalawin. Aalagaan ko si Val promise! Lalo na si Ran." Saad niya.

Natawa na lang kami sa ginawa niya.

Nahawa na siya sa humor ni Jane.

"Baliw bakit dyan ka nakatingin! Wala naman siya dyan! Dapat payuko kasi dimunyita yun! Pinalitan na nga ata niya si Lucifer." Wika ni Jane.

Natawa na lang kami sa kabaliwan ng babaeng to.

"Puntahan natin puntod niya soon ah?" Bulong ni Wave.

"Ano pupuntahan niyo eh hindi nga nakita katawan nun." Sabat ni Jane.

'Talas talaga ng pandinig neto.'

"Wag ka nga makisali sa usapan ng iba! Bantayan mo yung isa mo pang best friend. Kung ayaw mo pati yan mawala sayo." Utos ko.

Nilingon namin si Yanna kung ano ginagawa.

Nasa inabaw siya ng bato nakaupo halata mo na malalim ang iniisip.

Dali dali naman siya nilapitan ni Jane.

"Kayo na ba?"

Napalingon ako kung sino yung nag tanong.

Si ate pala.

"Hindi pa ate." Sagot ni Wave.

"Pakabagal mo naman Wave! Maunahan ka ni Andrew niyan!" Inis ni ate.

"Ate! We will take things slow." Saad ko.

"Slow slow slow pa!" Giit niya.

"Ikaw nga wala ka na sa kalendaryo hindi ka pa nagkakapamilya." Rebat ko.

"Pake mo ba?" Pagtataray niya sabay alis.

Nagtawanan na lang kami ni Wave.

Inaya ko siya maglakad lakad sa tabing dagat.

Tahimik lang kami parehas habang naglalakad.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko.

"May iniisip lang." Sagot niya.

"Ano yun?" Curious ko.

"Kung bakit ako." Putol niya na sagot.

"Ikaw na?" Tanong ko.

"Ako ang pinili mo kaysa kay Andrew." Sagot niya.

"Why not?" Pagtataka ko.

Nginitian niya lang ako.

"Hindi ako tumitingin sa state ng isang tao Alona." Saad ko.

"Wag mo ko tawagin Alona. Angas angas ko tapos yun tatawag sakin." Inis niya.

"HAHAHAHA! Bakit ayaw mo? Ang cute kaya ng pangalan mo." Tawa ko.

"Basta." Saad niya.

Umupo kami sa may buhangin at tinignan ang dagat.

"Pwede mo ba ako kwentohan tungkol sakanya?" Tanong niya.

"Kanino? Kay Ari?" Paninigurado ko.

"Oo. Kung ano klase siyang tao. Kung paano ka niya tinatrato. Ganun." Sagot niya.

Dahil sa sinabi niya na yun nag flashback bigla sakin lahat ng sinabi at habilin samin ni Dr. Xy.

"Val. Wag na wag ka muna kwekwento about sa past niya. Lalo na yung aksidente na nangyari. Hindi natin alam kung bb magiging reaction niya o mangyayari."

"Natahimik ka ata? Hindi ka ba comfortable pag usapan siya?" Pag aalala ni Wave.

"Hindi naman. May na alala lang ako." Sagot ko.

"Ahh. Ganun ba?" Ani niya.

Nginitian ko lang siya sabay tingin sa dagat.

"Ari yung taong kailangan may maprove muna siya para maging worthy. Ilan years kami naging magkaibigan bago naging kami. Hinintay niya maging successful siya just to prove na worth it siya. Ginawa niya akong motivation." Sagot ko.

"Ang sarap mong pagmasdan habang kwinekwento mo siya. Nagtwitwingkle yung mga mata mo." Saad niya.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Nagtaka naman ako dahil bigla siya tumingin sa langit.

"Ari. Alam ko nandyan ka sa taas wala sa baba. Hindi ko naman papalitan yung pwesto mo sa puso ni Val. Pero pangako ko sayo. Aalagaan ko siya kagaya ng pag aalaga mo o mas higit pa dun." Saad niya.

Tinititigan ko lang siya habang ginagawa niya yun.

Bumaling naman ulit ang tingin niya sakin.

"Bigla ko siya naging motivation. Tama nga si Ari. Kailangan may maprove ka muna sa taong mahal mo para worthy ka." Realization niya.

Tumango tango ako sign na sang ayon ako.

"Bakit ano ba plano mo?" Curious ko.

"Iipunin ko yung sahod na binibigay sakin ni Jane at magtatayo ako ng business dito." Sagot niya.

"Magandang plano yan susupportahan kita." Saad ko sabay yakap sa braso niya.

'Makausap nga si Jane para mas lakihan sahod niya.'

Nagulat na lang kami dahil nasa harapan na namin si Ran.

Nakatitig siya samin.

"Mama na kita ulit?" Tanong ni Ran kay Wave.

Napakagat labi ako sa tanong ni Ran.

"Lika dito baby." Utos ni Wave sakanya.

Umupo naman siya sa lap ni Wave.

"Hindi pa. Pero balang araw pwede na." Sagot ni Wave.

"Ehh gusto ko mama na kita." Pamimilit ni Ran.

"Soon baby." Sabat ko.

"Oy!!! Walang gagalaw ah!" Sigaw ni Jane.

Bigla siya tumakbo sa harap namin at tinutok ang Camera.

"Tingin dito!" Utos niya.

Ngumiti naman kami.

"Yan!!" Sigaw niya.

Pag alis ni Jane tumayo na rin kami kasi magdidilim na.

Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya.

Tinitigan niya to ng ilan segundo bago niya ibigay ang kamay niya.

Nginitian ko siya at naglakad na kami habang buhat niya si Ran.

Our PastWhere stories live. Discover now