Chapter 17

168 7 2
                                    

Val's POV

Pinagbigyan ko na ang kagustuhan nilang gumala na lang dito.

Sa kadahilanang uuwi na din naman sila Jane at Yanna bukas.

Dadalhin daw kami ngayon ni Ari sa Magpupungko beach.

Maganda raw kasi ngayon dito bukod daw sa walang tao ngayon dahil weekdays ay tanghaling tapat pa kitang kita namin ang ilalim.

Hahang na sa byahe tinatanong ko si Wave kung may alam siyang nagbebenta ng lupa.

"Ay papagawa ka bahay dito?" Gulat ni Ari.

Tumungo tungo ako.

"Gagawin namin resort." Sagot ko.

"Maganda yan." Ani ni Wave.

"Baka may alam kang lupa na binebenta dito Wave." Sabat ni Jane na nag ddrive.

Katabi naman ni Jane si Yanna.

Samantala katabi ko si ate Cal.

Si Ran ay nasa likod kasama si Ari.

Mukhang na miss niya makabonding.

"Dapat yung lupa ay nakatapat sa east para pwede magsurf. Maganda ang beach view hindi puro bato. Malapit sa main road, malapit sa mga resto, malapit sa sakayan, malapit sa-"

"Ang dami mo naman gusto ate Cal!" Reklamo ni Jane.

"Aba natural! Para tangkilikin ang resort na gagawin! Para marami magpabook!" Sagot ni ate Cal.

"Marami naman po siguro dyan. Samahan ko na lang po kayo." Nahihiyang saad ni Ari.

Pagkarating namin sa destination agad agad sila bumaba.

'Bakasyon lang talaga gusto ng mga to.'

Nauna na maglakad si Jane at ate Cal.

Kasabay ko si Yanna na buhat buhat si Ran at si Wave.

"Val siya ba yung asawa mo?" Tanong ni Wave sabay turo kay Yanna.

"Hah?!" Gulat namin.

Bigla kami nagkatingnan ni Yanna at bakas sa mga mukha namin ang pagkagulat.

"May resemblance kasi sila ni baby Ran." Explain ni Ari.

"Baliw." Giit ni Yanna at iniwan nila kami ni Ran.

Tinignan ko naman si Wave na puno ng pagtataka ang mukha.

"Hindi siya yun. Diba nga kwento ko nawala siya sa dagat." Paalala ko sakanya.

"Ay! Oo nga pala." Saad niya.

Natawa na lang ako sa reaction niya.

Pagkarating namin sakanila nag sswimming na pala.

"Wave ang ganda dito bakit ngayon mo lang kami dinala!" Saad ni Jane.

"Marami pang mas magandang beach dito." Pagmamalaki ni Ari.

"Sa susunod puntahan natin ah! Bukas kasi babalik na rin kami ng Manila." Malungkot na sabi ni Jane.

"Agad?" Gulat ni Wave.

"Oo! Kami lang naman ni Yanna dahil madami kailangan gawin sa Airline." Explain ni Jane.

"Kayo ang maiiwan dito?" Tanong ni Wave samin ni ate.

"Oo siguro mga 2 weeks or more kami dito." Sagot ko.

Tumango tango na lang si Wave.

Nagsimula na kami enjoyin ang lugar.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon