Chapter 27

130 7 0
                                    

Val's POV

Nagising ako dahil nagriring ang phone ko.

Pagtingin ko sa tumatawag pala si Wave.

"Hello?" I said using my sleepy voice.

"Ay! Antok ka pa? Sige mamaya na lang." Saad ni Wave.

"No, Bakit ano kailangan mo?" Tanong ko.

"Nasa labas ako ng villa niyo. May bibigay ako." Masaya niyang sabi.

"Sige tayo na ko." Giit ko at pinatay ko na yung tawag.

Nag stretching muna ako bago ako pumunta sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto laking gulat ko dahil napaka laking bouquet of flowers ang tumambad sakin.

"Para sayo." Masaya niyang sabi.

Napaiwas ng tingin at kagat labi ako sa ginawa niya.

'What did I do to deserve this woman.'

Hindi ko napigilan sarili ko nayakapin siya.

"Thank you Alona." Bulong ko.

Pagkakalas ko sa yakap agad ko rin naman inabot.

"Pasok ka muna sa loob mag aayos lang ako." Saad ko.

Tumalikod na ko sakanya at masayang hawak hawak ang bulaklak.

"Nagustuhan niya Chase. Thank you." Narinig kong sabi niya.

Agad ko napalingon sakanya.

"Sino si Chase?" Tanong ko.

"Sakanya ko pinabili yung bulaklak. Kaibigan ko rin hindi kasi ako kinakausap ni Tanya." Sagot niya.

"Ahh. Okayy!" Saad ko sabay talikod ko.

Binilisan ko na ang pag aayos dahil nakakahiya naman kay Wave.

Aalis kasi kami ngayon inaya niya ako kagabi.

Sa falls niya ata ako dadalhin.

Walang Jane at Yanna na kasama dahil bumalik na sila sa Manila.

Kaya solo kami na namin ni Wave ang isa't isa.

Sa tuwing may gala kala kasi kami ni Wave it's either sasama sila or susunod!

1 week na pala silang wala.

So 1 week na rin po tahimik ang buhay namin dito sa Siargao.

Pero sa 1 week na yun naging busy ako dahil ang daming documents na inaayos para sa resort na aayusin.

"Tara na?" Aya ko kay Wave pagkatapos ko mag ayos.

Nakikipaglaro pala siya kay Ran na kakagising lang.

"Ay! Sige! Ran alis lang kami ah." Paalam niya kay Ran sabay bitaw sa hawak na laruan.

Nagkiss samin si Ran bago kami tuluyan umalis.

Holding hands habang naglalakad patungo sa motor niya.

Mahaba ang byahe namin dahil malayo ito.

Sa may Northern area kasi siya.

Malapit siya sa resort na ginagawa namin.

Sawa na raw kasi siya sa tubig alat kaya tubig tabang naman.

"Ang ganda!" Bungad ko nung nakita ko ang waterfalls.

"Mas maganda ka." Singit ni Wave.

Sinamaan ko siya ng tingin sabay sundot sa tagiliran niya.

"Lakas mangbola." Wika ko.

Tumawa lang siya sabay tingin sa kapaligiran.

Wala halos tao dito dahil maaga pa.

"Ano swimming na tayo?" Aya niya.

Hindi pa man ako nakakasagot hinihila na niya ko.

"Teka Wave! Malalim oh hindi ba malunod ako dyan?" Pagdadalawang isip ko.

"Flight attendant ka diba? Hindi ka marunong lumangoy?" Pagtataka niya.

Parang na judge pa ako sa tanong niya.

"Floating lang alam ko." Nahihiya kong sagot.

Bakas sa mukha niya na nagpipigil siya ng tawa.

"Halika na. Hindi ko naman hahayaan malunod ka no." Saad niya.

Nagdadalawang isip pa ako pero wala akong choice.

"Ang lalim Wave!" Taranta ko nung hindi ko na mahawakan yung ilalim.

"Dito ka sa likod ko." Utos niya.

Hindi ako nag dalawang isip na sumunod sakanya.

Ewan ko at kung anong pumasok sa isip ko at siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Nakikiliti ako Val! Malunod tayo!" Wika niya.

Lalo ko pa sinubsob ang mukha ko sa leeg niya.

"Val!" Saway niya.

Tinawanan ko lang siya.

Dinala niya ako sa mismo ilalim ng falls.

Pero bumalik kami agad dahil masyado malalim.

Umupo muna kami sa mga bato at inappropriate ang ganda ng falls.

Nagpicture picture lang din kami.

Maya maya lang napagdesisyunan namin umalis at mag breakfast na.

Pumili lang kami ng cafe na malapit lang kasi na gugutom na talaga ako.

Pagkarating namin agad din naman ako umorder.

"Ganda ng vibe dito." Manghang mangha si Wave.

Natawa na lang ako sa inaasta niya habang umiinom ng hot choco.

"Kung magkakabusiness ako gusto ko ganto." Wika niya.

"Gusto mo?" Paninigurado ko.

"Oo. Kaso kulang pa pera ko. Need ko pa mag ipon." Wika niya.

"Tulungan kita." Presinta ko.

"Nako! Hindi na Val! Kaya ko naman." Tanggi niya.

'This woman! Ayaw talaga magpatalo.'

Tinarayan ko na lang siya.

Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa Pacifico Beach para mag surf.

Marunong na ako kala niyo ah!

Magaling nagtuturo sakin eh.

"Ang itim mo na! Mukha ka na rin lokal dito HAHAHAHHAA!" Pangangasar niya.

Tinaas ko yung middle finger ko sakanya at hingal hingal na umupo sa buhangin.

"Sana dito na lang kayo." Saad niya.

"Nandito naman kami ah?" Pagtataka ko.

"Oo nga. Pero yung buhay niyo nasa Manila. Babalik at babalik kayong Manila." Ani niya.

"Yeahh our lives is in Manila. Pero may rason na ko kung bakit gusto ko bumalik ng bumalik dito sa Siargao. And the reason is you." Saad ko.

Nginitian niya at anispread niya ang kamay niya indicate na nagpapayakap siya sakin.

Lumapit naman ako para yakapin siya.

"Don't overthink too much. Kaya ko iwan lahat sa Manila para sayo." Saad ko.

"Hindi ko kailangan gawin yun. Pero salamat at dumating ka sa buhay ko." Wika niya.

Our PastWo Geschichten leben. Entdecke jetzt