Chapter 19

131 8 2
                                    

Val's POV

Nandito kami ngayon sa tapat ng dagat.

Hinihintay namin si Wave na busy mag surfing.

Nakalimutan na niya ata na aalis kami.

"Ang galing ni ate Wave oh!" Puri ni Ran.

"Saan siya? Turo mo." Utos ni Ate.

"Ayun oh!" Sabay turo sa kay Wave.

Pinanood na lang din namin si Wave.

Magaling siya ah.

Nababalance niya talaga sarili niya sa dagat.

'Bagay bagay ang pangalan na Alona.'

"Ano kaya magiging reaction niya pag nalaman niya na anak niya si Ran." Saad ni ate.

"We'll never know. Basta sa ngayon kukunin ko ang loob niya." Ani ko.

"Mukha naman na kuha niyo na eh. The way alagaan niya si Ran. Willing pa siya tulungan tayo. Kahit siguro hindi magbigay si Jane ng 20k tutulong siya." Saad niya.

"Mabait naman talaga si Ari kahit dati pa." Giit ko.

"Sabagay. Naalala mo yung kwinento ko? Halos mahulog na siya dahil tinutulungan niya ko makapasok. Parehas pa kaming madaming dala kasi Arki student kami." Natatawang kwento ni ate.

Maya maya lang dumating na si Wave.

Yayakapin sana siya ni Ran pero pinigilan namin kasi basa si Ari.

"Bihis muna ako ah!" Paalam niya samin.

"Sige. Dun lang kami sa may payong." Saad ko.

Nagthumbs up lang siya at naglakad na.

Hindi pa man siya nakakalayo may bigla tumawag sakanya.

"Uy! Wave! Aahon ka na?" Giit nung babae habang papalapit kay Wave.

"Oo sasamahan ko pa sila." Sabay turo samin.

"Sino ba sila?" Tanong nung babae.

Pagkakaalala ko Tanya pangalan neto.

"Sila yung tinutour ko nung nakaraan bumalik ulit." Sagot ni Wave.

"Luhh!! Aalis ka na ulit?" Tampo nung babae.

'Nguso nguso ka pa dyan! Hilahin ko yan.'

Kita namin ang mga mukha dito dahil nakatagilid sila samin.

Tumawa naman si Ari sa ginawa nung Tanya.

"Babawi ako sa susunod lilibre kita." Pangako niya habang ginugulo yung buhok.

"Sabi mo yan ah!" Saad nung Tanya.

"Oo! Kailan ako hindi tumupad ah? Sige na maliligo na ko." Paalam ni Wave at naglakad na.

"Oy! Sabay tayo!" Sigaw ni Tanya.

Hindi niya nilingon si Tanya pero tinaas niya ang middle finger.

Tumawa lang siya at bumalik na sa dagat.

"Aww!! May girlfriend na ata." Pangangasar ni ate.

"Hindi niya daw girlfriend. Sinabi niya samin nung huling punta namin dito." Saad ko.

"Sus. Kung paano niya ngitian yung babae ganun na ganun ka niya ngitian noon." Giit ni ate.

Tingin agad ako sakanya sa sinabi niya.

"Hindi ka nakakatuwa." Inis ko.

"Ay! Kala mo nagbibiro ako." Ani ni ate.

Hindi ko na lang siya pinapansin masisira lang araw ko.

Our PastWhere stories live. Discover now