Chapter 20

185 9 4
                                    

Jane's POV

'Tangina para akong teenager na kinikilig dito!'

Tuwang tuwa kaming lahat dito habang pinapanood ang performance ni Ari at Val.

"Heart really never forget no." Saad ni Yanna.

Hindi ko siya pinansin dahil busy talaga ako sa panonood sa dalawa.

Si ate Cal naman ay nasa harapan vinivideohan sila.

Parang kanina lang hindi sila nagpapansinan.

Inutusan ko talaga si Wave na kantahan niya si Val para hindi na magalit.

Laking gulat ko naman na duet pala sila.

Napansin ko na paubos na pala ang iniinom namin.

Kaya nilibot ko ang mga mata ko para makahanap ng waiter.

Kaso may nakita akong babaeng pamilyar.

Tinititigan ko lang siya kasi iniisip ko kung sino siya.

Kita sa mukha niya ang selos at halos maiyak na siya habang pinapanood ang dalawa.

'Puta si Tanya!'

"Hoy! May girlfriend ka na! Titingin pa sa babae eh!" Saway sakin ni Yanna.

"Tanga hindi! Si Tanya yan! Hindi ko sure kung kaibigan ba sila ni Wave or mas higit pa." Saad ko.

Tinignan naman siya ni Yanna ng maigi.

"Gagu pre. Naiyak ata." Giit ni Yanna.

"Feel ko gusto neto si Wave pero manhid si gaga." Ani ko.

Nawala ang atensyon namin dun sa babae dahil may waiter na lumapit samin.

Maya maya lang bumalik na sa table si Val dahil tapos na ang performance nila.

"Nasan si Wave?" Tanong ko kay Val pagkarating niya.

"Mag ccr lang daw siya." Sagot ni Val.

"Jane kunin mo nga Vape ko sa van naiwan ko." Utos sakin ni Yanna.

"Pakakapal ng mukha para ako utusan mo." Reklamo ko.

Pero ginawa ko pa rin mahirap na at masampolan ako ng Airforce.

Pagkalabas ko ng bar nakita ko agad si Ari kausap si Tanya.

Hindi ko alam kung bakit bigla ako nagtago at nakinig sa usap nila.

"Sino yung kasama mo kanina sa stage?" Tanong nung Tanya.

"Si Val." Maikling sagot ni Wave.

"Bet mo?" Tanong ulit ni Tanya.

"Hah?" Pagtataka ni Wave.

"Gusto mo ba siya?" Paglilinaw ni Tanya.

Bakas na din boses niya ang irita.

"Si Val?" Tanong ni Wave.

"Oo." Sagot ni Tanya.

"Mabait naman siya. Maganda, matalino, maalaga kay Ran." Pagdescribe ni Wave.

"Tangina sagutin mo na lang!" Irita ni Tanya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" Naiinis na rin si Wave.

"Bakit hindi mo sagutin tanong ko? Pakasimple lang naman?" Sigaw ni Tanya.

"Ano ba kasi yun?" Sigaw rin ni Wave.

"Gusto mo na no?" Tanong ni Tanya.

Bakas din sa boses niya na parang nasasaktan siya.

"Hindi naman malabo. Sabihin na nating hinahangaan. Ganun." Sagot ni Wave.

Sa point na to gusto ko sumigaw sa kilig.

'Tangina mo Val lakas mo talaga kay Ari! Kahit sa pangalawang buhay nagawa mong pahulugin si tanga!'

"Paano ako?" Tanong ni Tanya.

Ayun lang! May nasasaktan.

"Anong paano ka? Bestfriend pa rin naman kita! Halika yakapin kita babawi ako soon." Lambing ni Wave.

'Ayun lang na friendzone.'

Ikaw ba naman magmahal ng manhid eh.

Nagpaalam na si Tanya na uuwi na at pabalik na si Wave sa loob kaya dali dali ako nagtago para hindi niya ko makita.

Pagkapasok ni Wave sa bar dali dali ako pumunta sa Van at kinuha ang Vape ni Yanna.

"Bakit napakatagal mo?" Reklamo ni Yanna.

"Nag CR pa kasi ako." Pagdadahilan ko.

Sinamaan lang ako ng tingin ni Yanna.

Hindi ko na lang siya pinansin ako tinignan yung dalawa.

'Aba dumadamove ang Alona.'

Val's POV

"Tagal mo naman ata sa CR." Bungad ko sakanya pagkarating.

"Hindi! Ano. Kinausap ako ni Tanya saglit pero umuwi na siya." Sagot niya.

Umupo siya tabi ko at nakicheers ng alak sakin.

"Kaano ano mo Tanya?" Curious ko.

"Bestfriend ko siya." Sagot niya.

'Aguy! Jane! Baka madepress ka pagnalaman mo to!'

"Wehh??" Duda ko.

"Hahaha! Oo nga! May nagugustuhan na rin naman ako." Saad niya.

Halos mabuga ko ang iniinom na alak dahil sa sinabi niya.

'Harap harapan talaga ah! Sa mismong asawa mo pa!'

"Sino naman yan? Mind to share?" Tanong ko.

"Saka ko na sasabihin sayo." Sagot niya.

Nginitian ko na lang siya tyaka ko inubos ang laman ng baso ko.

"Kaso mukhang malabo siya makamit." Saad niya.

"Bakit naman?" Tanong ko habang naglalagay ng alak sa baso ko.

"Masyado siyang out of the league sakin." Sagot ni Wave.

"Paano?" Tataka ko.

"Maganda siya matalino responsible lahat na ata pwede mo madescribe sakanya. Samantala ako ito. Rumaraket lang para mabuhay." Explain niya.

"Wala naman yan sa ganyan. As long as you're being yourself at sincere ka." Sagot ko.

Ngumiti lang siya sabay inom ng alak.

Nilibot ko ang tingin ko sa mga kasama namin.

Si Yanna kausap si ate Cal.

At itong putanginang Jane nakangiti ng nakakaloko.

"Wave!" Pukaw niya sa atensyon ni Wave.

Agad naman siya tumingin kay Jane.

Nginitian niya lang ito na parang tanga sabay tawa ng malakas.

"Wag mo na siya pansinin lasing na yan." Saad ko.

"Parang hindi naman. Parang normal na siya yan." Giit niya.

Nagtawanan kami sa sinabi niya

Nakatingin ako sakanya habang inuubos niya ang laman ng baso niya.

"Kung sino man yung taong na gugustuhan mo napaka swerte niya." Saad ko.

"Bakit naman?" Taka ni Wave.

"Syempre! Ikaw na yan oh! Kung ako yan pagsisigawan kita sa buong mundo." Natatawa kong sagot.

Natawa na lang din siya sa sinabi ko.

'Hayy ako na lang sana.'

Author's Note:

Kung Hei Fat Choi Everyone! May isa pa akong ongoing story freenbecky fanfic pa rin siya pero short story sana basahin niyo rin!! Thanks in advance! CHAWWW!

Our PastWhere stories live. Discover now