Chapter 34

163 8 1
                                    

Wave's POV

Bigla na lang ako tumayo at umalis.

"Hoy! Saan ka pupunta!?" Sigaw ni Chase.

Hindi ko siya sinagot derederetso lang ako palabas.

Namalayan ko na lang nasa harap na ko ng bahay ng magulang ko.

'Magulang ko nga ba?'

Walang paapaalam na pumasok sa loob.

"Bakit hindi niyo sinabi sakin!?" Sigaw ko sa kinilala kong tatay.

Nandito siya sa sala nanonood.

"Anong pinagsasabi mo?! Bakit ka nandito dito!?" Gulat niya.

"Hindi importante yan! Sagutin mo tanong ko! Bakit mo nilihim pagkatao ko!?" Sigaw ko.

Una nagulat siya pero bigla na lang ito na palitan ng tawa.

"Oh alam mo na? Malinaw na sayo bakit ganyan ang trato namin sayo?" Natatawang pahayag niya.

"Sagutin mo ang tanong ko!" Mas lalo ko pa nilakasan ang boses ko.

"Dahil sa pera!" Deretsahang niyang sagot.

Napaatras ako sa sinagot niya.

"Alam naming sa mayaman pamilya ka nanggaling kaya tinago ka namin! Pero wala kami na pala! Walang kwenta yang pamilya mo dahil hindi ka nila hinanap! Maswerte ka pa nga at kinupkop ka namin! Siguro yang pamilya mo na yan nagpapakasaya na sa kayamanan mo!" Patuloy niya.

"Kinuha niyo lang ako dahil lang sa pera?" Mahina kong tanong.

"Aba syempre! Umaasa kami na magbibigay sila ng premyo kung sino makakakita sayo! Pero wala kami na pala! Nagsayang lang kami ng pera't oras sayo!" Sagot niya.

"Mga hayop kayo! Wala kayong puso!" Sigaw ko.

Papaalis na ko ng makita ko ang tinuring kong nanay na nasa pinto.

Tinignan ko na lang siya at dumeretso umalis.

'Tanginang pera yan!'

Sumakay na ko sa motor ko kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nagulat na lang ako at nasa harap na ko ng bar na pinagtratrabahuhan ko dati.

7pm naman na kaya bukas na to.

"Oh! Wave! Long time no see ah." Bati sakin ng bartender.

Nginitian ko lang siya at inabot niya sakin yung palagi ko inoorder dito.

Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko na namamalayan nakailan bote na pala ako.

"Oy pre sigurado ka ba?" Paninigurado ng bartender nung humingi pa ko ng isa.

"Bakit?" Taka ko.

"Lupaypay ka na oh." Pag aalala niya.

"Hayaan mo. Isa pa!" Utos ko.

Wala siya na gawa at binigyan na lang niya ako.

Iinumin ko na sana ng may pumigil sakin.

"Tama na yan." Sambit niya sabay kuha sa boteng hawak ko.

Pagtingin ko kung sino yun si Tanya pala.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Malamang dito ako nagtratrabaho." Sagot niya.

Kukunin ko sana ulit yung boteng kinuha niya sakin pero nilayo niya.

"Wave ano bang problema mo? Lasing na lasing ka na oh!" Tanong niya.

Our PastWhere stories live. Discover now