Chapter 22

189 8 9
                                    

Val's POV

Ito na siguro ang pinaka mapayapang dagat na napuntahan ko.

"Ganda dito no?" Saad niya habang nakatingin sa dagat.

'Hindi mo lang kami maalala pero ikaw pa rin yan.'

The way na dinadala ako sa mga ganitong lugar.

Is very you.

"Kanina ka pa tahimik. May bumabagabag ba sayo?" Pag aalala niya.

"May na alala lang ako." Sagot ko.

"Yung wife mo ba?" Tanong niya.

Tumango lang ako sabay tingin sa dagat.

"Kwentohan mo ko about sakanya. Gusto ko siya makilala." Saad niya.

"Si Ari?" Tanong ko.

Tumango tango lang siya.

"Matalino, masipag, mabait. Talented din yun kagaya mo." Saad ko.

"Wala nga ako katalent talent." Angal niya.

Natawa na lang ako at napailing iling.

"Napakasaya namin back then. Wala kaming matinding away dahil alam niya paano imanage. Kaso kinuha naman siya sakin." Kwento ko.

'But thank God bumalik ka sakin.'

Natahimik siya saglit at napapaisip.

"Si Ran? Adopted ba siya?" Curious niya.

"No. Galing siya samin parehas." Sagot ko.

Kita sa pag mukukha niya ang pagtataka.

"Eggs siya ni Ari pero ako ang nag buntis sakanya. Trinansfer sakin yung eggs." Explain ko.

Parang na gets naman niya ang sinasabi ko.

"Ikaw naman. Puro sakin eh." Pagbaling ng attensyon sa kanya.

"Ano makwekwento ko sayo? Eh wala nga ako maalala nung naaksidente ako!" Protesta niya.

"Edi after ng aksidente mo. About sa mga magulang mo ganun." Sagot ko.

"Magulang ko?" Pag ulit niya.

Natahimik siya saglit.

"Pagkatapos nangyari ang aksidente. Nung una ang bait nila alagang alaga ako. Hindi nila ako pinapalabas basta basta dahil daw baka mangyari na naman ulit. Pero sa isang iglap hindi ko alam bakit nag bago lahat. Hindi na sila yung una ko nakilala pagtapos ng aksidente. Hanggang sa pinalayas nila ako. Kaya ito. Namumuhay ako ng independent." Kwento niya.

At this point parang gusto ko pumatay ng tao.

'Mga hayop! Putangina!'

"Sorry." Saad ko.

"Nako wag ka mag sorry wala na yun sakin. Masaya na ko." Wika niya.

'Sorry hindi ka namin agad na hanap.'

"Si Tanya? Girlfriend mo ba siya?" Tanong ko.

Alam ko naman na hindi pero wala lang gusto ko lang ulitin.

"Hindi ko girlfriend yun. At wala akong balak. Diba nga sabi ko may na gugustohan ako! Kababata ko raw siya. Siya ang tumutulong at nagbibigay sakin ng raket nung nag independent ako. Naging manager ko siya kumbaga." Explain niya.

Tumango tango na lang ako.

Nagulat ako ng bigla siya tumayo.

"Tara! Magtatanghalian na umiinit na rin may pupuntahan tayo." Aya niya.

Hinila niya ako patayo.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"Mahilig ka ba sa aso?" Tanong niya.

"Oo naman! Isang damakmak ang aso namin sa bahay." Sagot ko.

Natawa na lang siya at nagtungo na kami pabalik ng motor.

Dinala ako ni Wave sa isang cafe.

Hindi lang pala basta cafe.

Cafe na napaka daming corgi!!!

Pagpasok namin mas madami pa atang aso kaysa tao sa loob.

Pagkatapos namin umorder tyaka kami nakipaglaro sa mga aso.

"Pangarap ko talaga magkaaso kaso sarili ko nga hindi ko na maalagaan eh." Natatawang saad ni Wave.

'Nako napaka dami mong aso! Kung alam mo lang!'

Natatawa ako habang vinivideohan siya na binababy yung Isla Corgi.

Medjo nagtagal din kami dito sa Isla Corgis kaya na pag desisyonan namin ni Wave na umalis na at pumunta sa General Luna para kumain.

Dito kami kumain sa Kurvada.

Isa siyang karinderya style na kainan.

Very unusual sakin dahil hindi ako sanay na inaaya ako ni Ari sa mga gantong lugar kasi ako ang nag aaya sakanya.

Pero hindi nga pala ito si Ari.

Tahimik lang kami ni Wave habang na kain.

Halatang mga gutom na anong oras na rin kasi kami kumain 3:30 na ng hapon.

"Tara surfing tayo." Aya niya.

Binigyan ko siya ng magandang ngiti dahil gusto ko ang idea na yan.

Pagkarating namin sa Cloud 9 nagpalit lang ako ng swimming gear.

Buti at sumunod kami sa sinabi ni Wave na dito na kami magbook.

Pagkatapos ko magbihis dali dali na rin ako pumunta sa beach area.

Aayain ko sana sila mama na tumambay muna sa tapat ng dagat pero wala sila.

Pagkarating ko nandun na si Wave may hawak hawak na dalawang surf board.

Nung napansin niya ako agad kami nag umpisa mag surfing.

Dahil hindi ako kasing adventurous kagaya niya pahulog hulog ako surf board ko.

Siya naman tawang tawa sakin.

"Porket pro ka na!" Saad ko.

"HAHAHAHA! Kailangan mo kumain ng madaming balut ang hina ng tuhod mo." Pangangasar niya.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at nagmatuloy na mag surf.

Habang siya binabantayan niya ako.

Kapag kasi alam niya lalanding katawan ko sa gilid ng board agad niya nilalayo sakin.

Nung na pagod na kami bumalik na kami sa pangpang para magpahinga.

Sakto rin at pa sunset na.

"Ganda ng sunset no." Wika ko.

"Mas maganda ka! Wag ka papatalo."  Side comment netong isa.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako ng malaki.

"First time ko maging comfortable sa tao ng ganto ka bilis. Parang bang kilalang kilala na kita dati pa." Saad niya.

"Talaga?" Pangangasar ko.

"Oo nga!" Sigaw niya.

"Paano kung sabihin ko sayo magkakilala tayo dati?" Giit ko.

"Hah!?" Gulat niya.

Bigla ako humagalpak ng tawa dahil sa reaction niya.

"Lakas talaga mang asar!" Inis niya sabay sundot sa tagiliran ko.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko.

Hindi ko alam kung dahil kinikilig ba ako o natatawa pa rin ako sa naging reaction niya.

Pero nasa point na ko na sasabihin ko na sana sakanya ang totoo pinigilan ko lang.

Natatakot pa rin kasi ako malaman ang magiging reaksyon niya pag na laman niya ang totoo.

Lalo na at nalaman ko pa yung nangyari sa pagitan ng kinikilala niyang magulang at siya.

Our PastWhere stories live. Discover now