2. Serves You Right

43 3 0
                                    

Kevin's POV

So, continuation muna 'to ng "A Little Flashback" ko pero mukha atang masyado nang mahaba para sa 'a little flashback?' Haha!

Anyways, siempre kailangan ko 'tong part 2 dahil hindi ko matatanggap na hindi ako makakabawi sa kupal na 'yon. Sobra na akong nanggagalaiti sa mga oras na 'to at desperado na akong bugbugin siya kasama ng mga tropa ko.

Oo, aamin ko, cute siya pero, hindi cute ang dating niya sa akin. He thinks he can fool me forever? Well, nagkakamali siya. A boy like me, there's no place for him in this world. Gusto ko siyang mawala!

May 23, Year 2020.

Pauwi na ako ngayon dahil anong oras na din. Nalate ako ng uwi sa kadahilanang may mga inasikaso lang sa guidance office… Haha! Oo, yes! Naguidance kami kasama ng mga tropa ko dahil sa ginawa naming riot kanina sa kabilang section.

Dito ako dumaan sa madilim na eskinita papunta sa amin dahil wanted ako sa kabilang eskinita, haha! Sobrang dilim at walang halos makita buti nalang may phone ako at may pang flashlight ako.

Medyo malayo pa ang lalakarin ko papunta sa amin dahil malayo talaga kapag dito sa eskinitang ito dadaan. Ngunit, nakarinig ako ng mga taong mukhang nag-aaway. So sinundan ko ang ingay kung saan ito nagmumula. Nang makarating ako ay nagtago muna ako dahil ayaw ko muna ng gulo, haha.

Sinilip ko kung anong nangyayari at pagkakita ko- si Boy Dura!

Si Boy Dura, binubugbog ng mga lalaking tambay sa kanto. Nako! Mukhang napagtripan si mokong ah, haha! Apat silang lalaki na bumubugbog sa kaniya at tila nagsasalit-salitan sila ng pangbubugbog. Naririnig ko na masasaya sila sa ginagawa nila kaya napangisi ako.

Well, he deserves that. Okay na 'ko, at least parang nakabawi ako. Indirect nga lang.

Biglang tumingin sa akin si Boy Dura kaya kinabahan ako ng kaunti dahil baka sabihin niyang nandirito ako at madamay pa ako! Pero, lumihis siya ng tingin at sumisigal siya ng tulong at iniinda ang mga suntok at hampas ng apat na lalaking 'to.

Hindi niya ako sinumbong? Bakit?

Muli, tumingin siya sa akin at nagtitigan kami. Tila ngayon ay sumesenyas siya na umalis na ako dahil ang ulo niya ay iginagalaw niya na parang pinapaalis niya ako para hindi na ako madamay dito. Nakikita ko rin sa mga mata niya an sobra siyang nahihirapan sa mga pinag-gagagawa sa kanya.

Hindi niya ako sinumbong, at ngayon pinapaalis niya ako? Kahit na naging masama ako sa kanya noong una, ang pinapakita niya sa akin ngayon ay hindi ko inakala at parang sinasabi niyang hindi niya deserve ang lahat ng ito.

"Haha! Ang tapang mo ah, sige. Tignan natin kung hanggang saan aabot tapang at hiya mo!" sigaw ng isang lalaki at doon ay tila ay huhubaran niya si Boy Dura.

"Hindi na 'to pwede. Sobrang-sobra ng 'to." saad ko nalamang sa aking isip at doon ay lumabas ako.

Nagulantang ang apat dahil sa paglabas ko. Ang akala ko ay matatakot sila dahil sa paglabas ko na nanggagalaiti sa galit, pero-

"Ano, gusto mong sumali at matikman itong napaka-kinis na lalaking 'to?" saad ng lalaking nanghuhubad sa kay Boy Dura habang tumatawa.

"Mukang jackpot tayo, Boss, ah! Haha! Matikman nga!" saad ko at lumapit ako sa kanila. Nakita ko sa mukha ni Boy Dura na tila ay natakot ito at nadismaya.

The Other Side Of The World (Book 1 of T.O.S.O.T.W)Where stories live. Discover now