15. The Other Side

15 3 0
                                    

Kevin's POV

December 10, year 2021.
8:00 a.m.


Isang sulat para sayo, Seph.

Hello, Love! Happy first anniversary sa atin! Hala, sobrang excited ako ngayon araw na 'to! Gusto kitang makasama buong araw kaso grounded ka. But, siempre, gagawa at gagawa tayo ng paraan para magkasama, 'di ba? Haha! Alam na kasi nila dad and mom mo na ngayon ang anniversary natin kaya hindi ka nila palalabasin pero siempre makakalabasan ka pa rin. The best of the best kaya ako pag dating sa mga ganito, sa pagtakas. Pero, Love, the reason why I wrote this letter is because I wanted to thank you, and express how much I love you everyday. One year na since naging tayo, and I would like to say that I love you more than yesterday and I will love you more tomorrow. My love for you is 3 times faster to expand than the expansion of the universe. You are my universe. You are my world. If ever, one day, pag-gising ko nasa kabilang side ka na ng mundong 'to, tandaan mong hinding-hindi kita kalilimutan at mamahalin kita ever and evermore! Tandaan mo 'yan, Love.

Naalala mo noong tinanong mo ako na if ever na mamatay ka ng unexpected ngayon or bukas o sa susunod pang mga araw, at anong gagawin ko? Hmm, siguro… Hindi ko pa kasi napag-iisipan ng mabuti eh! Binigla mo kasi ako haha! Pero ang tanging alam ko lang na kapag nawala ka nalang isang araw, hahanapin kita. Oo, promise! Hahanapin kita kahit saan, kahit pa sa kabilang buhay. Ikaw at ikaw, at sayong sayo pa rin ako mag-wawakas. Maybe, sa kabilang buhay ang happy ending natin? Who knows 'di ba?

Alam mo ba, Love, kagabi, napaisip ako if ever na one day magkaanak tayo, ano kayang ipapangalan natin sa kaniya? Hmm, tas naisip ko na pagsamahin ang name nating dalawa, kaya nakabuo ako ng name. Hulaan mo kung ano. Clue, number. Haha! Ang pangalan ay, Seven. Kasi Seph ang name mo and Kevin naman sa akin. Ang pangit naman kung Sevin 'di ba? So, ginawa ko nalang Seven. Pero alam kong makakalimutan ko rin 'tong name na ginawa ko, pero it's a good thing na sinulat ko para maalala ko.

Hala, masyado pala akong nakafocus sa anniversary natin! Sorry! Hala, birthday mo din pala today! Kaya pala may gut ako na kailangan nating makita kasi birthday mo haha! Sorry, Love. Bawi ako now. I love you!

Love, Kevin.

At dahil anniversary namin ni Seph plus, ang kaniyang birthday… Hmm… surprise ko kaya siya? Kaso kasi baka sa surprise surprise nanaman na 'yan mahuli kami. Haha!

Story time muna ako. Noong nakaraang monthsary namin which is yung eleventh montsainamin, muntikan na kaming mahuli! Whahahahaha! Paano ba naman itong si Cara, tinawagan daw yung dating friend ni Seph, and hindi nila sinabi ang pangalan bala daw mag-selos ako kasi mas pogi daw sa akin?!!!!

How dare them! Haha, pero ito na nga. Tinawagan niya, eh sobrang lasing na sila nila Yna noong mga time na 'yun. Actually, si Yna nga dapat sisihin! Hays.

Noong pagkatawag niyang ganyan, sinagot naman agad noong dating friend ni Seph.

Ganito pa yun eh,

Cara: Hello?

Friend ni Seph: Hello? Cara?

Cara: So, ito na nga may friend kasi akong gusto makipagkilala sayo and ang sabi niya, if ever, pwede mo daw ba siyang yayain mag-date?

The Other Side Of The World (Book 1 of T.O.S.O.T.W)Where stories live. Discover now