11. Two Flying Birds

18 3 0
                                    

Kevin's POV

September 26, year 2023.
1:00 a.m.

Naidala naman namin si Seph sa clinic kagabi, at ang sabi ng nurse doon ay okay naman na daw siya.

May mga nagawa lang siyang hindi dapat, and sign daw 'yun ng sakit niyang leukemia.

Pero nag-aalala pa rin ako kay after kahit na uuwi na kami sa nirent niyang room sa hotel. Siempre pinilit ko si Seph na magstay muna kami sa clinic magdamag just in case.

Dahil sa malapit lang ang clinic sa hotel kung saan kami tumutuloy ni Seph ay nilakad lamang namin ito.

Nang makapasok kami sa lobby at pa-akyat na nang hagdanan, biglang may tumawag sa amin ni Seph kaya napalingon kami kung saan nagmula ang sigawan, at tilian ng mga impaktang babae.

"Hoyyyyyyyyyyy! Seph, Kevin!"

Paglingon namin ay nakita namin sina Violet, Cara, at Yna na may bitbit na mabigat na bag.

Lumapit sila sa amin habang si Yna na nahuli dahil sa bigat ng binibitbit niya.

"Hello!" masayang bati ni Seph sa kanila.

"Kayo ha! Hmp! Tago-tago pa kayo, makikita din namna namin kayo!" sambit ni Cara, "Ikaw, Seph! Pinag-alala mo ako."

"Nako Seph, hays! Kahit ako hindi ko na ang gagawin ko noong nalaman kong nawawala ka. Akala ko mapagbibintangan ako huhuhuhu!" naiiyak na sambit ni Violet.

Napatawa nalang si Seph ng mahina.

"Ponyeta, Cara, tulong!" sambit ni Yna na hanggang ngayon ay hindi pa nakakarating sa pwesto namin.

"Hahahahaha, bahala ka d'yan. Kanina hindi mo ko tinulungan." sambit naman ni Cara.

"Reto kita kay Stephen, pogi 'yun! Basta tulungan mo lang ako." saad ni Yna at biglang pumunta sa kanya si Cara para tulungan.

"Basta lalaki talaga. Hahahahaha!" natatawang sambit ni Seph ngunit magpasahanggang ngayon ay maputla pa rin siya, at nagkakaroon na siya ng parang pula pula sa katawan.

Parang mas naging matamlay pa siya ngayon kayasa kagabi. Pero hindi. Hindi dapat ako matakot at mag-alala dahil kaya ni Seph 'to. Bumili na rin ako ng mga gamot na kailangan niya, at alam ko na rin ang mga dapat gawin para maalagaan siya.

"Paano niyo nalaman kung nasaan kami?" tanong ko kay Violet dahil nag-alala ako bigla na baka nalaman na din ng parents ni Seph at paghiwalayin ukit kaming dalawa.

"Kami pa! Haha! Pero, don't worry, sinigurado naming wala nang iba pang naka-alam about dito sa lugar na 'to. Sobrang na mimiss na talaga namin kayong dalawa!" sagot ni Violet. Nagluluha na ang mata niya ngunit pinupunasan niya ito dahil ayaw niyang umiyak na parang tanga. Hahaha!

"Thank you sa inyo, Violet. Kahit na iniwanan ko kayo, gumawa pa rin kayo ng paraan para sa akin, sa amin ni Kevin." saad ni Seph na tuluyang nag-paiyak kay Violet.

"Seph naman! Alam mo namang mahal na mahal kita..."

"Anong mahal na mahal? Walang pwedeng mag-mahal sa baby ko, ako lang. Ako at ako at ako lang!" pabiro kong sambit at nag-galit galitan ako haha.

The Other Side Of The World (Book 1 of T.O.S.O.T.W)Where stories live. Discover now