5. Very First Night

18 3 0
                                    

Kevin's POV

September 13, year 2023.


Nasa store ako right now at naka-upo ako ngayon sa isang maliit na upuan sa counter dahil kanina pa ako nakatayo at ngawit na ngawit na ako. Itong Ren kasi na 'to hindi ako pinapaupo! Good thing na tinawag siya ni Ms. Cassandra para kausapan sa loob ng staff room kaya nakaupo na ako, ha!

Three days na din ang nakalipas since yung encounter namin ni Ren sa bar. Marami kaming pinag-usapan ni Ren about sa mga problema niya at ako naman ay naging dakilang taga pag-payo muhahaha.

Tatlong araw na din kami ni Seph na hindi nagkikita dahil palaging nandoon ang mama niya at hindi umaalis sa tabi niya. Kaya wala kaming magawang dalawa.

Pero siempre, hindi naman namin matitiis 'yun kaya tulad na dati, nag-uusap ulit kami ng patago.

Biglang bumukas ang pinto at lumabas na si Ren, at pagkatapos ay pinapaalis niya na ako.

Lintik na! Kakaupon ko palang eh. Wala pa ngang 5 minutes.

"No, hindi. Ayoko. Kakaupo ko lang." sambit ko habang umiiling-iling.

"Tawag ka ni Ms. Cassandra!" saad niya at pilit niya akong pinapaalis sa pamamagitan ng pagtulak ng katawan ko.

"Hindi mo ako ma-uuto, haha! Natututo na ako sa 'yo." sambit ko habang natatawa dahil feeling ko ay napaka-talino ko dahil nafigure out ko na kung pano nagwowork yung mga pang-uuto niya.

"Bahala ka sa buhay mo." sambit niya at saka pumunta sa tapat ng computer dahil may kapapasok pa lang na costumer. Hinihintay ko siyang batiim niya ito ngunit hindi siya nagsalita.

Pinanood ko lang si Ren na nakatayo sa harap ng computer at parang nagbago nanaman ang expresyon niya, at yung lalaking costumer na kapapasok lang habang kumukuha ng malalaking chitchirya ay ngumingiti-ngiti.

Pagkatapos mamili ng lalaki ay pumunta na rin siya sa counter at pagkatapos ay inilapag na niya ang mga pinamili niyang chitchirya.

Hindi ko sila naririnig mag-usap at si Ren ay parang naiinis. Nahalata ko ring tumitingin-tingin sa akin yung lalaki. Moreno siya, matangos ang ilong, makapal ang mga kilay nito, at siguro mga 5'3 ang height niya.

Mukang magkakilala sila ah? Nagbubulungan lang silang dalawa at hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Kitang-kita ko na sobrang inis na inis si Ren sa lalaki.

Biglang lumabas ng staff room si Ms. Cassandra at tinawag ako, "Oh, Kevin, bakit hindi ka pa pumupinta dito? Kanina pa kita tinatawag." sambit niya at pumasok na ulit.

Napatingin ako kay Ren at tumingin din siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay at doon ay nanlilisik ang mga mata niya.

Hindi pala siya nag-sisinungaling Whahahahaha!

Tumayo na ako nang bigla akong tinawag ng lalaki.

"Kevin!"

Nilingon ko siya at ngumiti ako. Baka kasi kakilala ko siya noon at hindi ko lang matandaan.

"How's Ren as a co-worker?" tanong niya sa akin habang tumitingin kay Ren.

The Other Side Of The World (Book 1 of T.O.S.O.T.W)Where stories live. Discover now