8. The Great War

22 3 0
                                    

Kevin's POV


Pagkatapos sabihin sa akin ni Lolo Naziel 'yun at agad akong nagpaalam dito upang tumungo sa bahay nila Seph.

Gusto ko siyang ipaglaban at ayokong mahuli ang lahat para sa aming dalawa.

Kung pareho kaming walang gagawin, guguho kaming dalawa. Kailangan kong patunayan sa kanila na kaya kong alagaan ni Seph. Na kaya ko siyang ipagtanggol kahit kanino. Na kaya ko siyang protektahan kahit saan. Dahil walang sinuman ang nakaka-alam sa mga mangyayari. Like what Taylor said, You don't know what you got until it's gone.

Kaya kailangan ngayon pa lang ay hindi na ako nagsasayang ng oras. Gusto ko siyang makasama habang buhay. Hintayin mo 'ko Seph. Ipaglalaban kita!

"Lolo Naziel, mauuna na po muna ako. Kailangan ko pong ipaglaban ang taong mahal ko!" sambit ko at tumayos sa upuan ko.

"Sige, Kevin. Mag-iingat ka." sambit ni Lolo Naziel.

Paalis na sana ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. Napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at pagkatapos-

"Kung kailangan mo ng tulong ko, tawagin mo lang ang pangalan ko." sambit niya.

Tumango na lamang ako because I'm running out of time.

Binitawan na niya ako at doon ay tumakbo ako palabas ng bar.

Tinatakbo ko ngayon ang 3 kilometers upang makapunta sa bahay nila Seph.

Sorry, Lolo Naziel, pero hindi ko kailangan ng tulong ng ibang tao. Hindi ko po sinasabing wala kayong matutulong pero, gusto kong gawin 'to ng mag-isa ng walang tulong. Dahil magmumukha lang na umaasa ako sa iba kapag nagpatulong ako.

Pero, Lolo Naziel, thank you po for enlightening me tonight. Hinding-hindi ko po kayo kakalimutan. Ever! Pangako!


9:30 p.m.


Nakakalahati ko na ang daan papunta kila Seph at mayroon pa akong 1.5 kilometers na tatakbuhin.

Hingal na hingal na ako at uhaw na uhaw, pero kailangan kong tiisin 'to dahil ayokong mahuli ang lahat.

Biglang may sumabay sa aking itim na kotse at napatingin ako dito.

Tuloy pa din ako sa pagtakbo habang ang kotse naman ay nasa gilid ko at sinasabayan ako.

Hmm, kidnapper ba siya? Kung kidnapper siya edi sana kinuha na niya ako.

Biglang bumukas ang bintana ng itim na kotse na sumasabay sa akin at nakita ko si Ren na may pagtataka sa muka.

"Kevin! Pawis na pawis ka na! Saan ka ba pupunta?" tanong ni Ren sa akin.

"Kay Seph, boyfriend ko. Ayokong mahuli ang lahat, Ren!" sagot ko dito at tumingin na ako ng diretso sa daan.

"Gabi na, Kevin, baka mapano ka pa! Halika na, sumakay ka. Iuuwi kita sa inyo." sambit niya at patuloy pa pa rin asa pagtakbo.

"Hindi na, Ren. Ayos lang ako. Salamat." sambit ko at mas binilisan ko pa ang takbo.

Ngunit dahil nakakotse siya ay madali niya nalang akong sabayan.

The Other Side Of The World (Book 1 of T.O.S.O.T.W)Место, где живут истории. Откройте их для себя