7. Sort Of Affairs

27 3 0
                                    

Third-Person's POV

September 14, year 2023.
7:58 a.m.

Nang mag-message si Seph kay Kevin ng 7:58 a.m. kay Kevin dahil gusto nitong mamasyal kasama siya.

Seph: Magkita tayo mamaya sa Plaza, 7:00 p.m. 😁😁

Biglang may kumatok sa pintuan nito kaya naman ay binaba niya ang kaniyang phone sa kamaya niua at pagkatapos ay binuksan niya ang kaniyang pinto. Bumungad sa kaniya si Violet kasama ang kaniyang mama, si Vanessa.

Nanlaki ang mga mata ni Seph at hindi siya makatingin dito. "Good morning po, Ma, at Violet." bati ni Seph.

Nginitian siya ng kaniyang Mama habang si Violet naman ay kinakabahan.

Sumenyas si Violet kung nandito pa ba si Kevin, kaya naman ay umiling ng palihim si Seph.

Nang makapasok na sina Violet at mama ni Seph ay tinanong siya nito kung kumusta ang unang beses na natulog siya ulit sa kwarto niya kagabi.

"O-okay naman po, Ma." sagot ni Seph nang mapansin niya ang kanyang phone na nasa kama niya.

Naalala niyang hindi niya ito in-off. Dali-dali siyang pumunta sa kama niya na hindi siya napapansing parang may pinatago, at kinuha niya ang kaniyang phone.

Ngunit, napansin ito ng kaniyang mama. Magsasalita na sana siya nang biglang nagsalita si Violet.

"Seph, oras na ulit para inumin ang gamot mo." sambit ni Violet at lumapit siya dito at saka inabot ang isang baso ng tubig.

Nagtitigan lamang silang dalawa at para silang nag-uusap sa mga isip lamang nila kaya naman ay hindi malabong mapansin ito ng mama ni Seph kahit na pilit nila itong hindi ipinapahalata.

"Can I have your phone, Seph?" sambit ng mama niya.

Nanlaki pareho ang mga mata nina Vioet at Seph dahil sa sinabi ng mama nito. Napalunok na lamang si Seph at hindi niya alam ang susunod niyang gagawin.

"Seph?"

"Ahhh… sige po, Ma. Just one sec." sagot ni Seph at binuksan niya ang kaniyang phone ngunit hindi napansin ni Seph na nakalapit na pala ang Mama niya at hinablot ito sa kanya, "Ma!"

"Why? Is there something that I don't know?" nakangiting sambit ng Mama ni Seph.

"No, mom! I just- I'm ju--"

"Because, if there's not, you won't be like this." nanliit anf mga mata ng Mama ni Seph at naging seryoso ang mukha nito, "Alam ko ang lahat, Seph. Naguusap pa rin kayong dalawa at sinusuway mo ako. Dahil d'yan sa ginagawa niyong 'yan, mas lalong maaapektuhan 'yang basura mong boyfriend."

"Anong gagawin niyo sa kanya?" nagaalalang sambit ni Seph.

"From now on, hinding-hindi ka na makakalabas ng bahay, at hinding-hindi na kayo magkakausap ni Kevin."

"You can't, mom." unti-unti nang nagkakaroon ng luha sa mga mata ni Seph dahil alam niyang gagawin at gagawin ito ng mom niya.

The Other Side Of The World (Book 1 of T.O.S.O.T.W)Where stories live. Discover now