12. Acceptance Of Truth

15 3 0
                                    

Seph's POV

Nang marinig ko kina Violet, Cara, at Yna ang balita tungkol sa nag-aalala na ang pamilya ko sa akin, doon ko lang narealize kung ano yung ginawa ko.

Hindi ko manlang inisip ang maramdaman nila mama at papa, pati na rin sina kuya Tristan at Sophie. Kaya agad akong naginitiate nang bumalik sa tunay naming mundo ni Kevin.

Ngunit, hindi ko pinagsisihan na lunayas at magtago kasama si Seph. In fact, I am so so happy na kahit sa maikling panahon, naramdaman ko ulit yung pakiramdam nang hindi natatakot at walang problema kahit na kaunting oras nalang ang natitira.

Hindi ko alam kung hanggang saan at hanggang kailan nalang ang itatagal ng mga bagay dito sa mundo, ngunit ang tanging alam ko lang ay malapit na.

Ayaw ko mang mawala lahat ng meron ako, pero tadhana na talaga ang nagsasabi na sa umpisa palang, talo na kami.

Nagdidrive ngayon si Kevin dahil pauwi na kami sa amin. I feel excited about this knowing na okay na lahat para sa amin ni Kevin. Also, yung about kay Lolo Naziel, gusto ko na siyang makilala at maging lolo na rin since matagal nang wala si Lolo Carter.

Malayo pa kami sa Manila kaya napakaboring pa ng view since puro palay! Haha.

"Seph, matagal ko na palang gustong itanong 'to pero nakakalimutan ko kasi agad eh!" sambit bigla ni Kevin.

"Ano 'yun?"

"About kay Ren, matagal mo na ba siyang kilala?" tanong niya habang nakafocus pa rin sa pagdadrive.

"Oo. Siya lang yung tanging ka-close at kaibigan ko sa grupo namin. His father is also my Dad's partner sa negosyo kaya ayun." sagot ko.

"Gaano katagal na?" dagdag na tanong niya.

"Matagal na rin, since grade 7. Napakamahiyain kong tao noon at wala talaga akong kaibigan. But Ren convinced me na sumali sa grupo nila ng mga makaibigan niya para daw hindi lang yung mag-isa ako. Hanggang sa ayun na nga, nagkakaroon na ako ng mga kaibigan but Ren si something special to me. Parang kuya ko na siya that made him different to my other friends. Basta kapag down na down ako, palaging nasa tabi ko lang siya." sagot ko.

"Bakit hindi mo siya nakwento sa akin kahit minsan?"

Napatigil nalang ako at hindi ko alam ang isasagot ko. Ayokong sabihin kay Kevin ang totoo kung bakit dahil ayokong sisihin niya ang sarili niya.

"Nakita mo na kaya siya non!" saad ko.

"Huh? Saan?" tanong niya at napaisip bigla. Alam kong hindi niya yun matatandaan kasi mabilis lang siyang makalimot.

"Yung napaso ako sa talampakan? Remember that night? Umepal ka nalang bigla. Si Ren yung nang-gagamot sa akin." saad ko.

"Ah! Oo! Kaya pala pamilyar muka ni Ren at noong una ko siuang nakita nainis agad ako sa kanya! Hahahaha! Siya pala 'yun! Ang galing!" natatawang sambit ni Kevin.

Ayokong sabihin kay Kevin na siya ang dahilan kung bakit ngayon ay hindi na kami magkaibigan ni Ren kaya hindi ko na siya kailanman nakwento kay Kevin.

. . . . . . . . . . . . . . .

Nasa tapat na kami ng bahay at agad na sinalubong kami ni Mama. Paglabas ko ng kotse na ipinahiram daw kay Kevin ni Lolo Naziel, agad akong niyakap ni Mama kasama si Sophie na umiiyak.

"Kuya, I miss you so much! Pinag-alala mo kami!" naiiyak na sambit ni Sophie habang nakahakap siya sa akin ng mahigpit na para bang hindi na niya ako pinapaalis sa pwesto ko.

The Other Side Of The World (Book 1 of T.O.S.O.T.W)Where stories live. Discover now