14. The Last Supper

15 3 0
                                    

Third-Person's POV

October 1st, year 2023.
9:00 p.m.

Ingay dito, ingay doon. Hiyawan dito, hiyawan doon. Inom dito, inom doon. Tawanan dito, tawanan doon.

Ilan lamang yan sa mga ginagawa ng lahat ng tao ngayon sa ginaganap na partnership celebration nina Mr. Alfredo Naziel Fahr at Mr. Christopher Acosta.

Hindi maaalis sa bawat guest ang tuwa at saya sa kanilang mga mata. Tila sinusulit nila ang gabi dahil minsan na lamang nila ito maranasan.

Ang lahat ng guest na nandirito ngayon ay galing lamang sa iba't ibang departamento ng mga kompanya nila Mr. Christopher at Alfredo, dahil ang gusto nila ay mag-reunite silang lahat bago gawing official ang kanilang partnership.

As far as I can tell, nagkakamabutihan ang lahat and it seems that they're all having fun together.

"You are our biggest enemy when it comes to businesses, Mr. Alfredo!" natatawang sambit ng isa sa mga matataas na empleyado ni Mr. Christopher.

"And so are you, Mr. Warren." sambit naman ni Mr. Alfredo habang nasa iisang table lang sila kasama sina Mr. Christopher at iba pang mga employees na umiinom ng alak.

"That's true, Alfredo. Guess what, yung anak ni Warren ay nagtatrabaho sa 'yo! Haha!" sambit naman ni Christopher.

"Really? How so? Haha!" natatawang tanong ni Alredo at tumagay muli ng alak.

"Nagtatrabaho siya sa 7/11 mo, Mr. Alfredo. I tried to convince him dahil kalaban ka naming company noon, pero wala eh!" napapailing na sambit ni Warren.

"Oh come on, Warren. Alam mo naman si Ren! Masyadong malaro at pasaway! Haha! Pero maaasahan siya pagdating sa ibang bagay." saad ni Mr. Christopher.

"All right, guys! Since we're already having fun, why don't we play games? Haha!" sambit ni Nics, ang host.

"Yes, partner! Mukhang mas magiging masaya 'to!" naeexcite na sambit ng co-host ni Nics na si Penny.

"Magiging masaya po ang gabing ito mga kaibigan dahil mas pasasayahin pa natin ito dahil sa laro na ating gagawin!" malakas na sambit ni Nics.

Napunta ang atensyon ng lahat kina Nics at Penny habang si Seph naman ay nakaupo lang sa tabi ni Kevin.

Walang gana si Seph at tila may bumabagabag sa kaniya. Si Kevin naman ay kain nang kain. Ilang beses na niyang inalok si Seph dahil hindi pa ito kumakain ngunit tumatanggi ito kaya siya na lamang ang kumain ng lahat.

Katable din nilang dalawa sina Violet, Cara, Yna, Ren, Sophie, at Tristan.

"Huy, Kevin! Kain ka nang kain! Kakain pa tayo mamaya huy! Nukaba!" pagbabawal sa kaniya ni Yna.

"Oo nga Kevin. Baka mamaya hindi ka na makakain niyan!" dagdag ni Cara.

"Hahahaha! Kuya Kevin, ang dungis mo na kakakain ng abodo." natatawang sambit naman ni Sophie.

Kinuha ni Seph ang panyo niya at pinunasan niya ang paligid ng labi ni Kevin.

"Ahhhhhhh!"

The Other Side Of The World (Book 1 of T.O.S.O.T.W)Where stories live. Discover now