6. A Cruel Day

25 3 0
                                    

Kevin's POV

September 14, year 2023
2:45 a.m.

Nagising ako dahil sa napakagandang boses ng isang lalaking kumakanta sa tabi ko at sinasabayan ang music na tumutugtog sa phone. Minulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko. Pagkamulat ko ay ang una kong nasilayan ang maamong muka ni Seph na nakatingin.

Pareho kaming naka-side na nakahiga at magkaharapan kami.

Napaka-lamig ng boses niya habang kinakanta ang kanta ni Taylor Swift na Untouchable.

Untouchable like a distant diamond sky
I'm reaching out and I just can't tell you why
I'm caught up in you, I'm caught up in you

Untouchable burning brighter than the sun
And when you're close, I feel like coming undone

Author's Note: Kung gusto niyong pakinggan yung song ni mother from her album, Fearless (Taylor's Version). You may listen to this para maramdaman niyo si Seph habang kumakanta sa harap ni Kevin haha!

Ngumiti ako habang kumakanta siya at pinatuloy ko lang siyang pinakinggan dahil ang sarap sa pandinig at pakiramdam ng kinakantahan ka ng taong sobrang mahal mo at ayaw mong mawala sa 'yo. Kinakantaham niya ako na parang ito na ang huling mga oras na ganito kami.

In the middle of the night, when I'm in this dream
It's like a million little stars spelling out your name
You gotta come on, come on
Say that we'll be together
Come on, come on
Little taste of heaven

"Seph…" pagtawag ko sa kanya habang inaantok pa ang boses at saka ko hinawakan ang kamay niyang nasa bewang ko at hinalikan ko ito habang magkahawak ang kamy namin.

Pagkatapos ay inilagay ko sa ilalim ng ulo ko at ginawa ko itong unan.

"Hmm?"

"Nakatulog ka ba?" tanong ko sa kanya habang nakapikit ako at dinadama ko ang init ng kamay niya.

"Hindi." sagot niya at napakalambing ng pagkakasabi niya.

"Bakit hindi ka nakatulog…" dahan-dahan kong minulat muli ang mga mata ko ng 50% dahil inantok ako sa boses ni Seph.

"Magdamag ko lang tinitigan 'yung napaka-gwapo mong muka. Hindi na ako natulog dahil gusto kong titigan ka lang magdamag kasi namiss kita." sambit niya at lumapit siya ng kaunti.

Hinalikan ko siya sa noo at pagkatapos ay niyakap ko siya.

"Okay na, Seph. Matulog ka na. Tulog na tayo ulit." saad ko at niyakap ko siya para naman maging comportable siya.

"Opo…" pumikit na si Seph at doon ay nakatulog kaming dalawa.

--

--

--

Alarm Ringing.

The Other Side Of The World (Book 1 of T.O.S.O.T.W)Where stories live. Discover now