4. Long Story Short

26 3 0
                                    

Kevin's POV

Matapos akong iligtas ni Ren kasama ng mga tropa niya ay niyaya niya ako sa isang convenience na nagbubukas rin ng 24/7. Sarado ang pinagtatrabahuan namin ni Ren dahil nga sa naganap ng gulo kanina.

Nasa labas ako ng convenience store at nakaupo sa isang bench na nasa harap ng store na pwedeng pagtambayan. Si Ren naman ay nasa loob habang bumibili ng yelo, at natatanaw ko siya mula dito sa labas.

Paglabas niya ay iniabot na niya sa akin ang yelo at umupo siya isang bench na nasa harap naming dalawa. Kinuha ko ang yelo at sinumulan ko nang idampi-dampi ito sa mga nakuha kong pasa.

Inilapag na niya ang beer ng binili niya at ino-offer niya ito sa akin. Binuksan na niya ang sa kanya at uminom dito. Huminga siya ng malalim at saka siya nagsalita ngunit inunahan ko na muna ito.

"Salamat… Ren." nagulat siya sa sinabi ko at uminom siyang muli ng beer at saka ako muli nagsalita, "And… Sorry nga pala kanina sa-"

"It's okay. In fact, ako nga dapat ang mag-sorry sayo since ako naman talaga ang nauna, at ako din ang dapat magthank you dahil iniligtas mo ako kanina sa nangholdap sa store at ibinalik ko lang 'yung ginawa mo sa akin." sambit niya.

"Hindi, Ren. Ako dapat!" pagkukunwari ko dahil masaya ako na siya na ang umako ng kamalian at dapat siya ang magpasalamat, kaya sasabihin niya ulit na siya ang may mali! Hehehehe. Talino ko talaga! Hindi pwedeng ako ang natatapakan at napagsasamantalahan!

"Okay." saad niya at lumagok ulit ng isang beer.

Nainis ako dahil sa sinabi niya at hindi umayon sa gusto ko. Nakakainis talaga!

"Anong ginagawa mo sa bar kanina?" tanong niya sa akin, "Mukhang may pinagdadaanan ka ah." dagdag nito.

Bakit ko sasabihin sa 'yo? Close ba tayo? Baka isa pa spy ka ng kung sino at gamitin mo 'yom against me, at mas malala pa kung laban sa pagmamahalan namin ni Seph…

Pero hindi naman siguro? Kahit na, at least nag-iingat lang.

"Wala." maikling sagot ko.

Pero hindi na siya nagsalita pa kaya ako anman ang nagtanong sa kanya.

"Ikaw, anong ginawa mo kanina sa bar?" tanong ko.

"Wala rin." sagot niya, kaya dahil doon ay nainis ako. Ang bilis ko talagang mainis lalo na sa mga taong karulad nitong tukmol na 'to!

"Anong wala? So, ginagago mo ba ako dito ha!" naiinis kong saad, "Pupunta sa isang lugar pero hindi alam kung anong purpose bakit siya nandoon."

"Wow, ha, ikaw pa talaga nagsabi niya. O sige, ikaw, anong purpose mo sa bar?" saad niya at tumingin siya sa mga mata ko. Kaya naman ay tinignan ko rin siya sa mga mata niya at nanatili kaming ganon ng matagal.

Hindi nagtagal ay sumuko siya at inirapan ako.

"Nagkaproblema kasi sa bahay." bigla niyang sinabi at bigla siyang nalungkot.

Hala! Haha! Iyakim pala 'to eh.

"Ginagawa ko naman lahat pero 'yon lang talaga ang kaya ko. So, to make the long story short, hindi sila proud sa akin at sa mga nakamit ko." sambit niya at saka siya ngumiti at kitang-kita mong pilit lang ito dahil makikita mo sa mga mata niya na sobrang lungkot ng pinagdadaanan niya.

So, I have no choice but to comfort him. Kahit na where not in good terms right now, hindi naman ako masamang tao para i-comfort si Ren.

"Ganyan kasi ang ibang parents, Ren. Akala mo hindi sila proud sa 'yo kasi yung ang iniisip mo…" saad ko.

The Other Side Of The World (Book 1 of T.O.S.O.T.W)Where stories live. Discover now