9. Run And Hide

20 3 0
                                    

Kevin's POV

May naririnig akong nag-uusap sa tabi ko. Hindi ko maintindihan. Ang labo. Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Unti-unting lumilinaw ang pag-uusap ng mga tao sa paligid ko. Mga pamilyar ang boses nila.

Nang tuluyan kong mamulat ang mga mata ko. Nakatingin ako sa kisame. Kulay puti. Maraming ilaw.

Napansin kong maraming tao at hospital bed.

Nasa hospital ako? Ano bang nangyari kagabi?

Napatingin ako sa kaliwa ko at doon ay nakita ko sina Cara at Yna.

"Titig ka nang titig kasi kay kuya pogi kanina! 'Yan tuloy, umalis!" naiinis na sambit ni Cara kay Yna at napapa-eye roll na lamang siya kay Yna.

"Teh, ikaw nga 'tong titig nang titig sa kanya! Mahiya ka naman sa 'kin, ako unang nakakita sa kanya. First come, first serve!" sambit naman ni Yna at nakapamewang siya habang tinataasan ng kilay si Cara.

Biglang napatikom ng bibig si Cara at parang kinilig ito.

Ganun din si Yna at napatakip ng bibig. At sabay silang tumili.

Ewan ko ba sa dalawang 'to. Palagi silang nag-tatalo sa lahat ng oras, tapos maya-maya nag-wawala na sila sa sobrang kilig! Mga abno ata 'tong mga 'to eh.

"Shet, first COME, first serveeeee!" pasigaw na sambit ni Cara at diniin pa talaga ang "come" ah? Haha!

Napatingin silang dalawa sa paligid at pinagtitinginan sila ng mga tao. Kaya naman ay napatakip silang dalawa ng muka ni sa sobrang hiya.

Hindi nagtagal ay napansin na nila akong nakatitig sa kanila kaya naman ay nagmadali silang lumapit sa akin.

At pinag-aawayan yung nag-iisang upuan na nasa tabi ng higaan ko.

"Ano ba, umalis ka dyaaaaaaan!" saad ni Yna habang tinutulak si Cara sa upuan.

"Not a chance! Haha! Nauna ako sa 'yo." sambit namna ni Cara at nakakapit siya sa upuan ng todo.

Ito talagang dalawa na 'to, kapag nagsama, guguho talaga ang mundo! Jusko!

"Ako kaya naunang nakakita kay Kevin. Kaya lumayas ka d'yan!" sigaw ni Yna.

"Ako kaya unang dumating dito sa hospital. At nauna ako sa'yo dito 'no!"

"Ako ang kaibigan, Aber. So, go go go!"

"Halika nalang dito, kandong ka…"

"Bakit, daks ka ba?" pabirong sambit ni Yna at sabay nanaman silang napatili at nagwala.

Hays. Sobrang gulo niyong dalawa. Napatawa nalang din ako sa sinabi ni Yna.

"Ehem." bigla akong may narinig sa kanan ko na nag-"ehem" kaya naman ay napatingin ako dito.

Si Lolo Naziel!

"Lo?"

"Okay ka na ba, iho?" tanong nito sa akin.

"Okay naman na po." sagot ko.

"Omg, hindi ko alam na matatanda na pala ang tipo ni Kevin!" bulong ni Yna kay Cara, ngunit narinig ko ito.

"Shet, mukhang pagkakakitan 'to ng bata natin ah?" sambit naman ni Cara.

"Hoy, tumigil nga kayo! Hindi ko type si Lolo Naziel!" pagbabawal ko sa kanila dahil nakakahiya kay Lolo Naziel.

The Other Side Of The World (Book 1 of T.O.S.O.T.W)Where stories live. Discover now