Chapter 11

473 14 0
                                    

Wala akong ideya kung ano ang iniisip niya sakin. Ayokong tinititigan niya ako na parang malaki ang kasalanan ko sa kanya dahil wala akong ginagawang masama. Single mother nga ako at ano bang ineexpect niya sakin, na dalaga ako?

He scratched his brow and then he inhaled and exhaled before accelerating his fingers on his hair to brush it off.

"I'm sorry I'm just surprised that you're already a... mother. I thought you're still..."

"Single?" Ako na ang nagkabit sa dapat niyang sasabihin na salita patungkol sakin.

He slowly moved his chest up and down, breathing delicately before nodding his head.

Inayos ko ang pagkakarga kay Nillie. "Hindi ko rin sinabi sayo agad. Pasensya na." hingi ko ng tawad.

Napaisip ako. Bakit ako humihingi ng tawad sa kanya? Hindi naman kasalanan ang maging ina. Alam ko ang pagkakamali ko pero hindi na yun mauulit pa.

"Pasensya narin dahil nagulat ako. I have no idea that you already have a kid."

"Actually dalawa na ang mga anak ko. Hindi ko lang nasabi sayo dahil akala ko ay nakaintindi ka kung bakit hindi ako nagtatagal sa mga lakad o di kaya ay pili lang ng oras ang pagkikita natin kung niyayaya mo akong kumain." I stated.

Doon ay nakita ko ang pagbago ng kanyang mukha. Parang naunawaan niya kung bakit kailangan kong umuwi at hindi magtagal sa kung saang lugar ako pumunta.

Hindi na siya makapagsalita at yumuko na lamang. Matinik ang sikat ng araw kaya hinagod ko ang braso ni Nillie dahil natatamaan siya ng araw. Umatras ako sa may dingding ng shop para makasilong dahil sa init.

"May trabaho ka ba ngayon? Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?" he suggested.

Sumilip muna ako sa loob ng shop mula sa salamin na dingding. May kanya-kanyang trabaho ang mga emplayado ko. Nakita nila ako siguro mula sa labas pero ayos lang sakin kung minsan ay huminto-hinto sila sa ginagawa nila kasi nakakapagod din ang pagtatahi, basta hindi nila makalimutan yung mga sunod-sunod na ginagawa kasi ayokong may customer na may magreklamo dahil matagal nilang kinukuha ang kanilang pinapatahi.

Binalik ko ang atensyon kay Oxford na matagal naring nakatingin sakin. "Kung hindi nakakaabala sayo." sabi ko.

"Okay lang. Napadaan din naman ako dito." sagot niya.

Tumango ako sa kanya at nagpaalam saglit na papasok lang ako sa shop. Pagpasok ko ay binati ako nina Sandy. Pinasok ko muna saglit si Nillie sa maliit kong opisina at binaba sa isang couch. Naglagay lang ako ng upuan na panangga para hindi siya mahulog. Chineck ko muna ang kita ng shop at kinolekta ang tig-isang libo at limang daan sa kaha. Iniwan ko ay ang panukli. Nasa loob lang yun ng opisina ko inilalagay ang pera pero may taguan ako na hindi makikita agad kung hindi ibalibag ang lahat ng gamit sa loob.

Tinext ko si Nanay kung pwede ay ihatid sa shop ko si Kamp dahil uuwi na kami pero ang sabi niya sakin ay hindi lang muna pinapauwi nina Safara at Santi dahil nandun daw ang dalawang magkapatid sa restaurant. Si Nanay naman ang bahala kay Kamp kaya hindi ko na siya dadalhin pauwi.

Paglabas ko ulit ng shop, bitbit parin ang mga pinamili ko ay lumabas ako na karga si Nillie. Nahihirapan akong kargahin siya dahil ang bigat na niya. Nakita ko si Oxford sa tapat ng isang kapehan na katabi lang sa Threads. Mula sa pagkakasandal niya sa kotse ay napaayos siya ng tayo.

"Pasensya na at pinaghintay kita, may inayos pa kasi ako sa loob ng shop bago lumabas."

"Ayos lang. Hindi naman ako busy." Kibit-balikat nitong sagot saka tinignan si Nillie bago umikot sa kabilang side para pagbuksan ako ng pinto.

Oxford Where stories live. Discover now