Chapter 25

453 19 2
                                    

Ginalaw ko ang aking pisngi. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nagmamaneho si Oxford. Hindi manlang niya ako ginising para sabihin sakin kung nakarating na kami sa restaurant na pupuntahan namin.

Paggalaw ko ulit ng mukha ko ay hindi na yung malamig at matigas na bintana ang sinasandalan ko kundi isang malambot na bagay. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong hindi ako nasa loob ng kotse kundi nasa loob ako ng kwarto.

Realization hit me.

Napabangon ako mula sa malambot na kama.

Dinala ako sa hotel ni Oxford?

Napakurap ako. Pinakalma ko ang sarili para hindi ako mataranta. Napalingon ako sa kabuuan ng kwarto. The room was huge and it  screamed elegant. Nahanap ng mga mata ko ang aking bag. Agad akong tumayo para kunin yun.

Hindi ko alam kung saang hotel ako dinala ni Oxford pero kailangan kong tawagin si Nanay o si Sack para mahanap nila ako. Kinabahan agad ako. I didn't want to repeat the same thing I made with him from the past.

Kinalikot ko ang bag ko pero wala akong cellphone na nakita. I swore that I just put it there. Wala akong kinuha mula sa bag nang nasa kotse pa ako ni Oxford at imposible na mahulog yun dahil walang butas ang bag ko. Tanging wallet ko lang ang nasa loob ng bag ko. May kunting cash lang ang laman dahil hindi ko dinala ang debit card ko.

Nanghihina akong umupo sa silya at naibaba ko ang bag ko sa pagkadismaya. Hindi ko alam kung anong pakay sakin ni Oxford. Sana ay hindi nalang ako sumama sa kanya. Tumingin ako sa orasan na nasa dingding.

Alas dos na.

Ilang oras na pala akong nakatulog at hindi manlang ako nagising. Kasalanan ko rin ito dahil nakatulog ako. Yumuko ako at pumikit. Minasahe ang noo ko. Sa ganung posisyon ay kumalam ang sikmura ko. Right, I hadn't had my lunch yet because of him.

Papatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang mga yapak sa labas ng kwarto. Napaayos ako ng upo. Pagpihit ng seradura para bumukas ay inabangan ko kung sino ang pumasok. Pumasok si Oxford. Napatayo ako at agad na lumapit sa kanya.

"Saan mo ako dinala? At bakit mo kinuha ang cellphone ko?" Agad kong tanong sa kanya.

He hung his hands to stop me. "Hey, relax. Don't worry you're in my house." Kalmado niyang sagot.

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Bahay? At bakit mo ako dinala sa bahay mo? Akala ko ba sa restaurant mo ako dadalhin?"

"Hindi ko sinabing sa restaurant kita dadalhin. Ang sabi ko lang sayo ay yayayain kitang kumain at para narin makapag-usap ng masinsinan."

"Pero bakit mo kinuha ang cellphone ko?"

"Let's just talk about it after you get your lunch. Kumain ka muna bago tayo mag-usap."

"Oxford sagutin mo muna ang tanong ko, bakit mo kinuha ang cellphone ko?"

Hinawakan ko ang balikat niya at nandilat na ang mga mata ko sa inis dahil hindi niya ako makausap ng maayos. Parang may balak siyang masama sakin at kahit takot ako ay hindi ko parin pinakita sa kanya yun dahil ayokong makita niyang mahina ako.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko na nasa balikat niya. "I confiscated your phone because I don't want you to call your friends to tell them that you're here in my manor. If you want to call your mother just tell me but don't say I kidnap you. Kapag sinabi mo yun ay hindi kita papalabasin sa kwarto na'to na hindi ka nakikinig sa mga paliwanag ko."

Nairita ako sa sinabi niya. Kumulo ang dugo at nangangalaiti ang ngipin ko sa galit. "Tinatakot mo ba ako Oxford? Masama itong ginawa mo na kinukulong mo ako dito sa bahay mo, alam mo bang pwede kong ilayo sayo si Kamp kung sakaling may gawin ka sakin ng masama dahil hindi ka magiging mabuti sa kanya."

Oxford Where stories live. Discover now