Chapter 22

474 19 3
                                    

Dahan-dahan kaming bumaba ni Kamp mula sa magarang kotse ni Oxford. Iba naman ang dala niyang kotse. It's McLaren this time and my son loved it. He was dazed during the ride, kung hindi ko siya kinalabit ay hindi siya matitinag.

Binuksan ko ang gate para papasukin si Kamp at patakbo siyang pumasok at iniwan kami sa kalsada. I faced Oxford with a sorry smile because of my kid's action.

"Salamat sa paghatid Oxford at sa pag-akay kay Kamp. Pakisabi nalang kay Easton na sorry ulit dahil tinawag siyang Papa ng bata."

"It's not a big deal, Billie. And Easton doesn't put a deal into it too, he likes kids." he said.

That's a relief.

Tumahimik ang buong kapaligaran.

Napakamot ako sa batok at nahiya sa harap niya. Nahiya ako sa ginawa ni Kamp. Really. Hindi ko rin inaasahan na tutulungan niya ako.

I heard him exhaled deeply so I darted my eyes again onto him.

"It's getting colder outside, you should get inside before you catch a cold, Billie. It's not good if you get cold, you have kids."

Tumango ako pero agad na naging bato ang ngiti ko nang may maalala. "Shoot! Sorry nakalimutan ko nga pala ang relo mo—kukunin ko sa loob ng apartment—"

Patalikod na ako pero nahawakan niya ang daliri ko. I stopped as my heart beat me. His hand crawled to cup my whole hand. He's warm and he got a rough hand despite of being man with a golden spoon.

"Just keep it for a little while for me, will you? Give it to me some other time, not tonight because it's getting colder. Aalis na rin ako para umuwi."

His voice was so soft. Parang bata ako na kinakausap niya kagaya ng mahinahon niyang pagtugon kanina kay Kamp.

Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kamay na hawak niya. Binaba din niya ang tingin niya pero hindi siya nailang. He caressed my knuckle with his thumb and with his eyes that were looking at me with pure gentleness.

My heart kept beating me up. I couldn't help it.

I was certain I already developed a huge crush on Oxford because I couldn't help but to think of him during the night in my bed and he's starting visiting my dream.

Natitigan ko ang kanyang mga kuko. Mas maganda ito kaysa sakin. Yung kuko ay hindi mahaba dahil palagi ko itong pinuputulan, it's unhygienic for me to let nails grow. Pero yung sa kanya ay medyo mahaba at hindi nakakadireng tignan.

His nails were too fabulous to stare at. It's pink and there's no pointed tiniest dirt shrouding in it.

"Mama! Tawag ka ni lola!"

Nagitla ako sa pagtawag ni Kamp mula sa pinto ng apartment at agad kong binawi ang kamay ko mula kay Oxford.

Napaiwas ng tingin si Oxford sakin.

"Oh sige papasok na." sagot ko sa bata bago ulit humarap kay Oxford. "Sige Oxford, bukas ko nalang ibibigay sayo ang relo mo kung pumunta ka sa Lopez. Hihintayin kita doon."

He smiled. "Make sure you wait for me Billie." sagot niya bago siya tumalikod papunta sa kotse niya at sumakay.

Hinintay ko siyang umalis bago pumihit paharap sa apartment ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Nanay sa kusina at naghahanda para kumain sila. "Nay tapos na po kaming kumain ni Kamp. Kayo nalang ho."

"Naku sayang ang dami kong nasaing na bigas. Di bale, isasangag nalang ito bukas." sagot niya.

Nilock ko ang pinto at naglakad ako papunta sa kwarto ko. Binaba ko ang gamit ko sa lamesa. Hinanda ko ang susuotin ko na pantulog pati pantulog ng mga bata. Paglabas ko ng kwarto ay tinawag ko si Kamp para linisin yung katawan niya at para makapagbihis.

Oxford Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora