Chapter 36

465 19 1
                                    

Hindi iniwas ni Oxford ang kanyang tingin sakin hanggang sa nasa harap na namin siya. Doon niya lang binati ang bisita niya pagkatapos niyang tignan ng may kahulugan ang nanay niya. Napayuko nalang ako para wala akong makitang kahit anong reaksyon sa kanila.

Pero napatingin ako kay Oxford nang kunin niya ang kamay ko at hinila papunta sa kanya. Pagtingin ko sa kanya ay tinanguan ako saka inilipat ang tingin kay Cassidy.

"Hey Cassidy, I assume you already know Billie."

Tumikhim si Cassidy at inisang tingin ang Nanay ni Oxford bago pekeng ngumiti sa kanya. "Yeah, tita already introduced me to her. She's quite... simple, you know."

"Well she may be looked so simple but that's where the true elegance occured." Pagbara ni tita Olga sabay ngumiti ng hilaw.

Hindi naman sumagot si Cassidy sa kanya pero naabutan kong napatingin si Oxford sa nanay niya at tinignan na parang may ibig sabihin.

"Well..."

The two other women looked at him when he started to talk.

"Cassidy, hello, can you please stay outside for a minute? I just need to talk to Billie for a moment before we talk." he said.

"That's fine with me. I'm just going to wait outside." Cassidy replied with a venomous smile.

Napatango naman si Oxford. "Thanks. And Mom? Please." sabi pa ni Oxford sa nanay niya bago ako bahagyang kinaladkad papunta sa isang pasilyo.

Habang naglalakad kami ay napuna ko yung pagmamadali niya. Parang importante ang pag-uusapan nila ni Cassidy Reyes.

"Ano bang pag-uusapan niyo?" tanong ko sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

"Some kind of business." he just replied.

"Maaari ko bang malaman kung ano yun?" sabi ko pa.

Huminto kami sa tapat ng isang pinto papasok na sa dining area. Lumingon siya sakin at tipid na ngiti ang unang natanggap ko mula sa kanya.

"It's actually about some thing important. But I can't tell it to you right now. She asked me not to tell anyone about it." he stated.

Kumirot ang dibdib ko. Parang iba ang naramdaman ko sa importanteng bagay na yan.

"Oxford."

"Not now please. I really don't want to share it right now with anybody because I made a promise. Malalaman no nalang yan kapag sabihin ko sayo." sabi niya na may halong lamig ang kanyang tono.

Tinikom ko ang aking bibig saka hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Mas importante ba yun kaysa sa buhay naming dalawa? Kung ano man yun na hindi pwedeng sabihin sa ibang tao ay sana hindi makasira kung ano ang sinusubukan naming itatag.

"Mauna ka muna sa pagkain sa loob. Susunod ako kapag matapos ang pag-uusap namin ni Cassidy. Hindi ko alam na pupunta siya dito pero dahil nandito siya ay wala na akong magagawa. Can you do that for me?" he asked.

I shrugged then started to slowly nod. Wala akong magagawa kung yun ang gusto niya. Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago nagpaalam na lalabas muna siya.

Napansin ko na mahigpit na nakakuyom pala ang cellphone na hawak ko.

Marahan akong naglakad papasok sa dining area. Binati ako ng isang kasambahay at sinabing pwede na daw akong mag-almusal. Maraming nakahandang pagkain pero ako lang mag-isa ang kakain dahil wala ang ibang tao.

Kumuha ako ng isang tinapay at pinalamanan ng strawberry jam. Yun lang ang pinili kong kainin. Bumalik din sa loob ng dining room ang kasambahay at tinanong kung ano ang gusto kong inumin. I asked for warm milk instead.

Oxford Where stories live. Discover now