Chapter 40

516 23 2
                                    

Sa sobrang tahimik sa loob ng kotse lalo na sa basement ay pati mga hininga namin ay nagkakarinigan na. Napamasahe ako sa noo. Inisip ko dati na walang mali pero bakit nang maayos na ang buhay ko ay may dumating naman na problema.

"I'm sorry on behalf of Cassidy."

"At bakit ka magsosorry para sa kanya." asik ko. "Hindi naman ikaw ang nagbigay ng twenty million kay Mariza para lang ilayo si Nillie." dagdag ko.

"Hindi nga pero gusto ko lang humingi ng sorry." Mahinahon na niyang sagot.

"Alam mo hindi ko na alam ang gagawin ko kapag mawala si Nillie sakin Oxford. Bakit ba kasi gusto niyang makita ang bata? Ano kukunin niya talaga sakin?"

"Hindi ako papayag." Mabilis niyang sagot. "You have me Billie, I won't let her get Nillie from you."

"At paano ako makakasiguro na tutulungan mo ako. Hindi ako marunong magtiwala ng basta-basta, Oxford."

Gumapang ang kamay niya para ipatong sa kamay ko na nakakandong sa hita. "Trust me. Hindi niya makukuha si Nillie. I'm going to talk to her about the child's welfare. Kapag may gawin siyang hindi maganda laban sayo ay ako ang makakalaban niya. Pinalagpas ko lang ang ginawa niya sayo kanina pero kapag may gawin ulit siyang masama sayo ay hindi ko na yun papalampasin pa." May halong pagbabanta niyang sagot.

Nagbabanta ang mga luhang bumagsak mula sa aking mga mata. I didn't want them to have Nillie. Paano kaya kapag malaman ni Nanay na ganito ang kahihinatnan ng ginawa nila Cassidy at Mariza.

Tinanggal ni Oxford ang kanyang seatbelt at umusog siya papunta sa akin para yakapin ako. Kinabig niya ako sa kanyang bisig at hinalikan ang gilid ng aking noo.

Bumagsak na ang mga luhang nagtangkang bumagsak mula sa aking mga mata. Hindi ko na kinaya. Ang sabi ko ay hindi ko gustong umiyak sa harap ng ibang tao pero umiiyak ako palagi kapag ganito kalungkot at galit ang naramdaman ko.

"Shh, you don't have to worry over it. I'm here and I won't leave you." alo niya.

Sinandal ko ang aking mukha sa kanya habang tahimik na umiiyak. Nabasa ko ng bahagya ang kanyang suot na coat pero wala siyang pakialam na nabasa yun.

Umaalog ang dibdib ko kasabay ang balikat ko dahil sa pinong hikbi na lumabas mula sa aking bibig. Hinimas niya ang likod ko at marahang inaalo. Inilabas ko lang ang sama ng loob ko. Ayokong humarap sa mga bata lalo na kay Nillie. Hindi ko kaya.

Nang huminto na ako sa pag-iyak ay pinunasan ni Oxford ang pisngi ko na nabasa ng luha. Hindi niya tinigilan ang mukha ko hanggang hindi natuyo. He used his handkerchief since they're no tissue paper inside of his car.

"You feel better now?" he asked, clipping his fingers upon my chin to check closely my face.

I just shrugged my shoulders.

I didn't know, really. My heart was still heavy and I was still thinking about Nillie.

"Will you listen to me now? I can explain everything about what happened." he started again once I laid my back against the seat.

Nang makitang maayos akong nakasandal sa upuan ay inipit niya ang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga.

Inayos ko din ang aking mukha para maayos ang sarili ko.

Pinagkrus ko ang aking mga braso.

Bumuntong-hininga siya at sinabit ang isang kamay sa manibela. Nakatingin din siya sa harap.

"Do you remember the favor she asked me?" he said between silence.

Hindi ako sumagot pero naalala ko yung sinabi niya noong araw na nasa bahay ng parents niya kami.

Oxford Where stories live. Discover now