Chapter 28

454 18 3
                                    

Paghinto ng kotse sa harap ng apartment ay narinig ko ang paghinga ng malalim ni Oxford. Nasa pinto na ang kamay ko at handa na akong lumabas pero hindi agad ako kumilos dahil hinintay ko siya na maging maayos bago pa man sumenyas na lumabas na kami.

Binuksan ko ang pinto, sabay din na lumabas si Oxford sakin. Yumuko siya at pinalabas si Ares mula sa likod. Binuksan ko ang gate at naglikha ng matinis na ingay ang bakal. Pagbukas ko ay humakbang ako papasok.

"Pasok kayo." Marahan kong sabi sa dalawang lalaking kasama ko.

Hinawakan ni Oxford sa balikat si Ares at pinauna itong pumasok. Hindi nakaligtas sakin ang mukha ni Oxford na mukhang kabado.

Sinarado ko muna ang gate bago kami tuluyang naglakad papunta mismo sa tapat ng pinto. Pagdating namin sa harap ay kumatok ako.

"Nay!" tawag ko mula sa labas.

Hindi ko man tinapat ang tenga ko sa pinto para marinig kung ano ang nangyari sa loob ay alam ko ng hindi pa natutulog si Nanay dahil bukas ang TV. Bukas din ang ilaw sa loob kaya alam kong gising pa siya.

Narinig kong humakbang siya papunta sa pinto at narinig ko yung pagkalansing ng susi para mabuksan ang pinto.

"Nay." sabi ko na agad siyang nakita.

"Mabuti at nakauwi ka. Diyos ko hindi pa nakakatulog si Kamp." Marahang reklamo niya.

"Nasaan ba siya?" tanong ko.

"Nasa sala, binuksan ko ang TV para makalimutan ka na wala dito sa apartment pero ayun, sige sa pag-iyak."

Huminga lang ako ng malalim sa sinabi niya. Lumingon ako sa dalawa kong kasama na tahimik na naghihintay. Napatingin din si Nanay sa mga kasama ko at bahagyang nagulat.

"Oh... may mga kasama ka pala." sambit niya.

Tumango ako at may pag-alinlangan akong ngumiti sa kanya. "Kasama ko po si Oxford 'nay pati ang kanyang inaanak." sabi ko. Lumingon ako kay Oxford na tahimik paring pinagmamasdan kami ni Nanay. "Oxford, ito yung Nanay ko." Pakilala ko.

Tinanguan naman ni Oxford si Nanay at ngumiti ng tipid. "We actually met earlier to ask her kung okay lang na nasa bahay ka."

"Pumunta ka dito sa apartment?" gulat kong tanong.

Sumabat si Nanay. Tinapik niya ang balikat ko. "Oo pumunta siya dito pero saglit lang para magpaalam na kung pupwede ay sa bahay ka lang muna niya ngayon pero ito nga, hindi ko mapatigil si Kamp sa kakaiyak."

"Okay lang 'nay dahil nandito naman ho ako." sabi ko.

Papapasukin na sana kami ni Nanay nang biglang narinig namin ang malakas na pagtawag ni Kamp sakin. Pumasok na ako para magpakita sa bata. Ngumiti ako sa kanya pero yung puso ko ay nadurog nang makitang basa ang mukha niya sa luha.

Naglakad ako papunta sa kanya pero inunahan niya ako. Tumakbo siya palapit sakin. Kinarga ko siya nang makalapit sakin.

Bumuntong-hininga ako. "Bakit ka naman umiyak anak? Uuwi naman si Mama eh." Pagtahan ko.

Umiling lang siya saka umiyak. Huminga ako at naglakad papunta sa sala para umupo.

"Tignan mo, basa na ang damit mo dahil sa luha sa kakapunas. Nakakahiya tuloy kay Papa, anak. Nandito si Papa." bulong ko sa bata.

Umiling lang siya. "I want Mama." he only said.

Hindi ko alam kung narinig yun ni Oxford pero ako yung napiga dahil sa sinabi ni Kamp. Pero siguro ay inaantok lang ang bata kaya niya yun nasabi. Pinunasan ko ang kanyang mukha para hindi matuyo ng luha yung pisngi niya.

Oxford Where stories live. Discover now