Chapter 32

469 22 2
                                    

Hindi ako makatulog agad ng gumabi na dahil sa kakaisip sa nalaman kong balita. Hindi yun peke lang dahil may ebidensya na magkasama silang dalawa ni Cassidy Reyes. Pero hanggang doon lang ang kaya ng mga paparazzi na kunan ng larawan ang dalawa.

Bumuntong-hininga ako at iniligpit nalang ang aking mga damit na natuyo na nang isampay ko sa labas kahapon. Tinupi ko ng maayos pagkatapos ay isinilid sa loob ng closet para hindi magkalat.

I locked the closet too before I ran off some errands. Baka din pumasok ang mga bata sa loob ng aparador at malock at hindi makahinga sa loob.

Isang beses ng mangyari yun kay Kamp dahil naglalaro sila ni Nillie ng taguan. And the poor boy had accidentally locked himself inside of the closet. Buti nalang ay napansin agad ni Nanay kundi ay baka hindi nakahinga ng maayos ang bata.

Lumakad ulit ako palabas ng kwarto namin dala ang laptop para doon nalang sa sala balak gawin yung accounting ko.

"Mama bad si Kuya! Kinuha niya ang gummy bear ko!" Narinig kong reklamo ni Nillie pagdating ko sa sala.

"Kamp, ano na naman yan?"

Sumagot din si Kamp at nagreklamo. "But she threw my car!"

"Because you're making car noises! I don't like it!" sagot naman ni Nillie.

"Because that's how I play with my cars, you donkey!"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. "Kamp! Don't say that!" I said. Tumingin din ako kay Nillie. "And you little miss, stop throwing your brother's toys."

Kamp frowned and Nillie pouted. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. I never thought that news could thresh my brain out. Mabuti at hindi ko sinigawan ang mga bata. At least nakontrol ko ang sarili ko na hindi sila sigawan.

"Huwag kayong mag-away. Play nice to your sister too, Kamp." sabi ko sa kanilang dalawa.

They nodded.

Tumingin ako sa kanila bago ako tumalikod para buksan ang laptop ko. Sumilip ako sa kanila sandali bago nagpokus sa laptop ko nang may kumatok sa pinto. Wala si Nanay sa apartment dahil nagsisimba ito. Maaga pa siyang nakaalis para sa makaabot sa ikalawang misa sa umaga.

I decided to close my laptop for awhile. Binilin ko pa sa mga bata na huwag silang maingay. Pagsilip ko sa bintana ay may namataan akong babaeng naghihintay sa labas ng pinto. Hindi ko siya kilala dahil pagkakakita ko palang sa kanya.

And besides, ngayon ko lang siya nakita kaya hindi ko alam kung sino siya. I took a couple of steps to the front door. Huminga muna ako ng malalim bago hinawakan ang seradura. Wala naman akong masamang pakiramdam na dinaramdam.

Marahan kong pinihit pabukas ang pinto para mabati ko ang babaeng nasa labas. Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang may halong nerbyos at taas-noong ngiti. She smiled at me so I answered a thin smile too.

"Magandang umaga po, may kailangan ho ba kayo?" Diretso kong tanong na hindi na inabala pa yung pagtataka.

The woman looked stunned but it was just a peak of second. Para sakin ay may edad na siya. She must be on her fifties or sixties liked my mother, hindi lang halata sa kanya na may edad na dahil siguro sa karangyaan kaya maganda parin ang kanyang kutis.

"Hi. Ikaw ba si... Billie Areizaga?" tanong niya na may kasamang ngiti.

Nalilito parin akong nakatingin sa kanya. "Ako nga ho." sagot ko sabay tango.

Napabuntong-hininga siya nang banggitin ko ang pangalan ko. "Mabuti nalang at nahanap agad kita. Pleased to meet you, Billie. I'm Olga Bullecer-Oxy's mother."

Oxford Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz