Chapter 12

475 13 1
                                    

For the first time, I hadn't felt ashamed in my entire life as I'd entered in a fancy restaurant that only people with a lot of money could afford to dine in. Simpleng wide leg denim pants at t-shirt lang ang suot ko pero may suot akong sandals para ibagay sa suot ko. Yung suot kong sandals ay two inches lang ang takong at may straps siya kaya hindi mahirap dalhin.

At hindi rin ako nagsuot ng mataas na takong dahil baka masapawan ko si Oxford sa tangkad ko. Natural na akong matangkad at kapag magsuot na ako heels ay magiging kasing tangkad ko na si Oxford.

At kaya hindi ako nahiya nang pumasok kaming dalawa sa pasta restaurant na pinagdalhan niya sakin dahil simple lang din ang suot niya. Yung hapit na hapit niyang suot na charcoal t-shirt ay naging rason kung bakit dinudumog na siya ng mga ligaw na mata. Ang daming napatingin sa kanya lalo na't sumilip ang kanyang tatu sa sleeves ng kanyang t-shirt.

His t-shirt had a V neckline and I could see the plain sun kissed skin of him. Oxford had a sun skin complexion. His skin wasn't too dark and neither too white. Sakto lang ang kulay ng balat niya, kumbaga, moreno. Pero ang kinis ng kanyang balat, mas makinis pa sakin.

Napagtanto ko na sa magkabila niyang braso ay mayroon siyang tatu. Hindi ko alam kung saan pang parte ng katawan niya ang may tatu. The tattoo on his right bicep had a leaf ink but I didn't know if it's just only one or there's more leaves on that part but on his left bicep, it looked like a tail of a tailed character. Parang dragon yata o hindi kaya ay ibang hayop.

"Here's the menu, sir, ma'am."

Lumapit ang waitress at binigay samin ang menu. Hindi nakaligtas sakin ang malagkit na tingin ng waitress kay Oxford—na walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya. Tumikhim lang ako para umiwas ng tingin ang waitress kay Oxford pero mukhang hindi umepekto kaya mas nilakasan ko yun kaya pati si Oxford ay nag-angat ng tingin sakin.

"Are you okay?" he asked worriedly.

Tumikhim ulit ako pero mahina na. "Makati lang ang lalamunan ko." sagot ko habang nakatingin sa menu. May napili agad ako kahit isang tingin lang ng menu. Agad akong nag-angat ng tingin sa waitress na nakasimangot na ang tingin. Tipid akong ngumiti sa kanya at sinabi ang order ko. "Beef Stroganoff for me miss."

"Make it two—and a large glass of water for her and a big glass of coke for me."

Maarteng sumagot ang waitress. "Malamig ho ba—"

"Absolutely not." Agad niyang sagot.

Sinara ko ang menu na tinaas ang tingin sa kanya pero wrong move dahil sakin nakadikit ang kanyang tingin.

"No cold water for you, Billie." Then his eyes turned to the poor woman for a sec before closing the menu. "And please make it quick, I don't want my date to have a sore throat before we start to eat." seryoso nitong usad. Napalunok nalang ang babae saka agad na umalis.

Nang malawa na ang babae saka lang ako nagsalita agad. Napangisi ako sa uri ng pagsalita ni Oxford sa waitress, daig pa ang amo nito.

"What's funny?"

Tinakpan ko ang bibig ko saka umiling. Nakangisi parin ako.

"Seriously?" he added.

I cleared my throat once again but it's not intentional. "Napansin ko sayo na ang intimidating mo sa ibang tao pero sakin hindi, talagang sa ibang tao ka lang ba ganyan o baka naman hindi mo pa pinapakita sakin ngayon yang katigasan ng attitude mo."

"Wala akong ibang ipapakita sayong ugali dahil ganito na talaga ako. I may be looked intimidating for someone else but you're different, Billie."

"How different?"

Oxford Where stories live. Discover now