CHAPTER 1

2 1 0
                                    

          Nasa gitna ako ng pagsubo sa hawak kung waffle ng tawagin ako ng pinsan ko. " Hoy Gianna!. Ikaw na susunod " sigaw nito. Inayos ko naman ang sarili ko at tumayo. " Andyan na! " sigaw ko pabalik hindi alintana ang matang nakatingin saakin.

Nang makalapit sa kanya ay kaagad nitong tinapik ang pwetan ko sabay ngisi. " Galingan mo ha " nanggigil pa ito bago ako binitawan.Tumango nalang ako at kaagad na pumasok sa pinto na nasa harapan namin. Kaagad na bumungad saakin ang halos kulay puting kwartong ito. Infairness. Malinis tingnan.

Nilibot ko ang buong paningin sa kabuuan ng kwartong ito. Sobrang lapad at mas malaki pa ito sa kwarto ko sa inuupahan kung apartment. Ang ganda rin ng disenyo. Office ba talaga 'to?.

" Please take your sit " napatingin ako sa pinto ng may babaeng pumasok. Naka formal Attire ito at kapansin-pansin ang makapal na kilay nito na dumagdag sa istrikta nyang Awra. Sinunod ko ang utos nya ng mauna itong maupo saakin. Umupo ito sa swivel chair na kaharap ng table sa dulo.

" Magandang umaga ho , ma'am--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita ito ngunit wala naman ang tingin saakin. " Hindi makakapunta ngayon si Mr. Locan , so ako ang mag-a- assist sainyo. " Tapos ay tumingin ito saakin. Napilitan akong tumango. " Ano pang hinihintay mo..magpakilala kana, mauubos ang oras oh " Ani pa nito kaya nataranta ako. Umayos ako ng upo.

" Magandang umaga po , ma'am--"

" Hindi ko sinabing ulitin mo ang sinabi mo kanina " mataray nitong pagputol sa intro ng sasabihin ko sana. Ano ba naman yan.

" A-ah..Ako po si Gianna Magsandingan , nandito po ako para mag- apply bilang sekretarya " Ani ko. " Wala kang edad? Hindi kaba pinanganak? " pagtataray na naman nito. " A-ah..19 na po ako ". Muntikan ko ng maikot ang mata ko , buti nalang at napigilan ko. Ano bang nakain nito at sobrang strikta. Kaagad nyang kinuha ang hawak kong papeles para sa pag-a- apply ko. Binuksan nya ito at sinuri ng mabuti.

Kesa pagmasdan ang pagsusungit nya napagpasyahan ko nalang na suriing mabuti ang paligid. Nakakatakot kasi syang tumingin kaya dapat huwag ko na syang tingnan. Kaagad na napansin ng mata ko ang litrato na nasa dulo ng mesa. Litrato ito ng lalakeng nakaformal attire at wala manlang mabakas na ngiti sa labi nito may kasama itong batang lalake at babae na nakaupo sa tabi nito. Dito ko lng napansin ang pagka- familiar ng mukha nya.

Lumapit ako ng kaunti at pinagtitigang mabuti ang litrato. Saan ko ba sya Nakita?.

Laking gulat ko nang may biglang malakas na pumalo ng mesa na dahilan upang matumba ang litrato. Si Ms. Sungit pala.

" May pagnanasa kaba sa amo ko? " walang pasumbali nitong tanong. Kaagad naman akong napailing ng mabilis. " N-naku hindi ho , ma'am. Tiningnan ko lang--" at pinutol nya na naman ang sasabihin ko sana.

" Ayusin mo " Ani nito na ininguso ang nakatumbang litrato sa harapan namin. Kaagad ko naman itong inayos at napilitang ngumiti. Sungit.

" Bueno, tatawagan ka nalang namin " biglang pagsasalita nito matapos akong makaramdam ng tensyon sa paligid. " H-ho? " tanong ko. Yun na Yun?. Tapos na interview ko?. Bakit ang bilis naman yata. " Bingi? I see enough. You can go now, tatawagan ka nalang namin " pagtatapos nito at kaagad akong in-isnob. Ok?. Ackward akong tumayo at lumabas.

Pagbukas ng pinto kaagad na bumungad saakin ang nakangiting-asong pagmumukha ng pinsan ko.

" Ano ok naba? " kaagad na tanong nito.
" Ewan ko dun sa matandang nag- interview saakin. Apaka- sungit " Ani ko.
Sinabayan nya ako sa paglalakad palabas.

" Pasensya kana kay Ms. Gada , ganun talaga ugali nun. Pero mabait naman yun kapag nakilala mo na " paliwanag nito. Tumango nalang ako.

" May pupuntahan kapa ba? " tanong nito nang nasa harapan na kami ng guard sa labas. Napaisip naman ako.
" Sa tingin ko parang wala na.." sagot ko.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now