CHAPTER 10

0 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa masakit sa mata na sikat ng araw na nangggaling sa nakabukas na bintana. Bumangon ako at napaupo sa kama. Nakatulog ba ako?. Teka sandali!. Napatingin ulit ako sa labas ng bintana at doon nga bumungad saakin ang mataas nang sikat nga araw. Patay!. Umaga na!. Kaagad kung hinanap ang cellphone ko at nang mahanap ito ang bumungad kaagad saakin ay ang 26 missed call ng pinsan ko. Kaagad akong tumayo. Natataranta kung hinanap ang bag ko. Papalabas na sana ako ng kwarto ng mapatigil dahil ngayon ko lang napansin na nagiisa nalang ako dito. Nilibot ko ang paningin sa pagkalawak-lawak ng kwartong ito pero hindi ko manlang mahagilap ang mukha ng boss ko.

Asan na yun?. Hindi kaya iniwan na nya ako dito? Pero may sakit yun ah. Dali- Dali akong bumaba nang hagdan pero may kung anong nakakagutom na amoy ang nagpatigil saakin. Sininghot ko ito. Sheyt. Amoy bagong lutong bacon!. Sinong nagluluto ng bacon. Nagutom ako bigla. Tumuloy ako sa pagbaba at sinundan ang sobrang sarap sa ilong na amoy. Napadpad ako sa kusina at napatigil nang may lalakeng nakatalikod na humahalungkat ng kung ano sa ilalim ng lababo.

Kinabahan ako bigla at ang una kung naisip ay baka magnanakaw ito. Naka-itim pa naman. Ginawa kung armas ang hawak kung sling bag saka dahan-dahang lumapit sa lalakeng nakayuko parin at may kung anong hinahalungkat.

" Hoy! Gago ka ah! " sigaw ko at kaagad kung hinampas sa ulo nya ang bag ko. " Ouch! Ouch! Hey! Stop! " daing nito. " Gago ka! Magnanakaw ka!! " sigaw ko pero kaagad nyang nakuha ang bag ko at nasalo ang dalawa kung kamay.

" Ano bang problema mo? "

At ngayon kaharap ko ang lalakeng subrang kunot ang noo na inis na nakatingin saakin. " Ser? " gulat kung tanong. " Alam mo bang masakit yung ginawa mo? Ha? " inis nitong tanong bago binitawan ang kamay ko at Ibalik saakin ang bag ko. Ackward. Napakapit tuloy ako sa leeg ko sabay iwas ng tingin. " Masakit Yun ah " daing pa nito sabay hilot ng ulo. " Mukha ka kasing magnanakaw " bulong ko na kaagad naman nitong narinig dahil nanlilisik na mata kaagad ang pinukol nito saakin.

" Anong sabi mo? " tanong nito sabay taas pa ng Isang kilay.

" Wala..Sabi ko magaling kana pala.." Ani ko sabay tingin sa pagkaing nakahain sa mesa. Sheyt. Ang sasarap ng mga ito ah. " Oh..umm.. thank you nga pala.." nagulat ako sa sinabi nya. Ito? Itong hambog na 'to? Kayang mag thank you?. Wow ha. It's a miracle indeed. FYI sarcastic yun. Tsk. " Wanna eat with me? " bigla ay pagbasag nya sa katahimikan. Kaagad akong umiling sabay wasiwas pa ng kamay. " Ah..hindi na uuwi na ako total mukhang ok kana.."Sabi ko. Seryuso?. Pero nagugutom na talaga Ako!. Ano ba naman yan , Gianna!.

" You sure? " tanong pa nito. Tumango Ako. " Oo. Hindi pa naman ako gutom--" napatigil ako nang marinig naming dalawa ang pagkulo ng tyan ko. " A-ah...e-eh.." hindi ako makahagilap ng sasabihin. " Join me " Ani nalang nito saka nauna ng umupo. Wala na nga akong nagawa kundi ang umupo at saluhan sya. Hindi ko dapat tanggihan ang grasya lalo pa at ang sasarap ng niluto nya. Ay teka sya ba talaga ang nagluto nito? Marunong ba sya?. Hindi,baka in- order nya lang.

" Ako...ang nagluto nyan. Hindi ko in-order " biglang pagsasalita nya. Napabusangot naman ako kala mo kasi nababasa nya yung iniisip ko kung makasagot. Che!. Bigla itong tumikhim kaya napatingin ako ulit sa kanya. " Umm.. let's eat? Shall we? " nauna itong kumuha ng ulam saka kanin. Kanina pa ako nanlalaway sa ulam. Nakakatakam yung bacon at ano ba tawag dito?. Bakit puro gulay na..ano to?. " It's called vegetable salad " biglang Ani nito ng mapansin na nandoon ang atensyon ko. Hindi ko nalang ito pinansin.

Kumuha na ako ng ulam at kanin saka inumpisahan itong lantakan. Ang sarap talaga!. " Hey..about last night..I.. I'm sorry hindi ko.." hindi nito maituloy ang sasabihin. Kaagad ko namang na gets ang tinutukoy nya. " Wala yun. Wag mo nalang uulitin ay teka hindi na pala yun mauulit kasi hindi na kita babantayan , ok na pakiramdam mo diba? " tanong ko sa gitna ng pagnguya. " Kind of, but I'm ok now " sagot nito. Tumango naman ako saka nilunok ang kinakain. " Pwedeng magtanong? " tanong ko rito. " Sure " Sabi nya. Seryuso ko itong tiningnan na ikinataka nito. Hindi talaga ako kumurap.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now