CHAPTER 18

0 0 0
                                    

Hindi ko maiwasang mapangiti ng malaki sa naging kalabasan ng pinagpaguran namin buong hapon. At nakikita ko rin sa mga mata ng mga kasama ko na nagustuhan nila ang kinalabasan ng ginawa namin. Hindi bababa sa 150 employees ang nandito at masasabi kung pinaghandaan nga nila ang gabing ito. Dahil kitang- kita naman sa mgaa magagarang suot nila ngayon. Gusto naming ma feel na sa gitna ng trabahong ginagawa namin sa kompanyang ito ay may kaya rin naming sumaya kahit paminsan-minsan lang.

Kahit nga nasa ibat- ibang team sila ay nakikipag-salamuha parin sila para makilala Lalo ay isa't Isa. Dahil after all iisang kompanya lang naman ang ponagtratrabahuhan Namin. May mga nakikita rin akong mga iilang malalaking tao na nandito at ang ganda tingnan na nakikipag-salamuha sila sa mga nagtratrabaho dito. Ang sarap lang sa pakiramdam.

" Good job".

Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ang pamilyar na boses. Pagharap ko ay sumalubong saakin si Francis na naka- office attire at may hawak na wine sa kaliwang kamay. Labas ang ngipin itong nakangiti habang papalapit saakin. Bakit ang gwapo nya yata sa suot nya ngayong gabi?. Shit naman.

" You look gorgeous" Ani nya ng makalapit saakin sabay sipat ng kabuuan ko. Simple lang naman ang suot ko ngayong gabi. Naka-dress lang ako na above the knee na off shoulder. Kulay puti ito at sabi ng pinsan ko sinugurado nya raw na babagay sa damit ko ang make up ko para daw mas Lalo akong gumanda ngayon. At sa tingin ko naman ay maganda nga ang resulta.

Napayuko ako ng kaunti dahil hindi ko mapigilan ang pamumula ng pisngi. " Thanks" Ani ko nalang. Tumabi ito saakin saka inisa-isang sinipat ang paligid. " Ang ganda. I like it " komento nya na ikinagiti ko.

" You mean the venue? " tanong ko.

" I mean you " sagot nya na ikinatigil ko. Nakatingin ito saakin na hindi manlang kumukurap. Umiwas ako ng tingin.

" Ah excuse me lang no?. Hihiramin ko lang si Gianna, sir " biglang sulpot ng pinsan ko. Hindi paman nakakasagot si Francis ay hinila na ako nito. Akala ko kung saan nya ako dadalhin. Sa CR lang pala.

" Iihi ka lang magpapasama ka pa? " inis kung tanong. Binitawan nya ako sa may kinuha sa bag nyang dala. " Gaga , hindi. Aayusin natin yang make up mo. Harap nga dito " sinunod ko ang sinabi nya. Binuksan nito ang make up kit na hawak saka kung ano- ano ang pinandagdag sa mukha ko. " Alam mo kababae mong tao , hindi ka marunong magdala ng dress " komento nya pa matapos dagdagan ang lipstick sa labi ko.

" Bakit? Ok naman ah " humarap ako sa salamin. Ano bang pinagsasabi nya. " Anong ok. Para ka kayang siga maglakad kanina " sagot nito. Bumaba naman ang tingin ko sa high heels na suot ko. " Masakit kasi sa paa " Amin ko rito. " Tsaka ayusin mo nga yang buhok mo. Ginulo mo na naman eh , inayos ko na 'to kanina ah " reklamo nya pa na ikinatawa ko nalang. " Sorry na po " Ani ko sabay tawa ulit. " Ok na. Mauna na ako ah " Ani nya saka ibinalik sa bag yung mga inilabas nyang gamit.

" Sandali lang..hintayin mo ako " Ani ko pero nakalabas na ito ng pintuan. Napahinga ako ng malalim at humarap sa salamin. Inayos ko ng kaunti ang dress ko at akmang lalabas na ng may magsalita sa Isa sa mga cubicle dito.

" Hello? May tao ba dyan? " Ani ng boses. Naglakad ako ng dalawang beses saka pinakinggan kung tama ba yung narinig ko. " Hello? Kung may human dyan sa labas, I need your tulong here! " Ani pa nito. Tuluyan na nga akong lumapit sa harapan ng pintuan ng taong humihingi ng tulong. " Hello?. Ok ka lang ba? " tanong ko. " Hey..you there. I need your help. This is an emergency! " Ani nya pa. Kinabahan ako sa tuno ng boses nito kaya pumasok na ako sa loob. Medyo may kaliitan tong cubicle pero sapat naman para sa dalawang tao.

Pagpasok ko ang bumungad saakin ay sobrang gandang babae. Napatigil pa ako noong una. Para kasi itong amerikana na nagtatagalog.

" Hey? Hey! " Bumalik ako sa realidad ng sumigaw ito sa harapan ko. " Ok ka lang? " tanong ko. Bigla itong tumalikod saakin. " I need your help. Can you.. umm.." bigla nyang tinuro ang zipper ng suot nyang hindi pa naka-abot hanggang sa dulo ng dress nya. Naka- suot din ito ng dress kaso pula at may habang zipper sa likuran at hindi nya yata abot kaya tinulungan ko nalang na i- zipper ito papataas. Matapos nun ay umayos ito ng Tayo at nauna pang lumabas kesa saakin.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now