CHAPTER 7

0 0 0
                                    

Pagpasok ko sa office ni Mr. Locan nagulat ako sa nadatnan. Ang daming lalake sa office nya. Napalunok ako. Wag ka nang maghimasok pa Gianna!.

" Kape , sir " inabot ko sa kanya ang isang tasa ng black coffee , hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa lalakeng kanina pa nakatingin saakin. Nginitian ako nito. Sya Yun, yung kasama ng boss ko sa elevator. Patay.

" Kayo ba sir? Coffee? " tanong ko sa kanila. Tatlo palang lalake ang kasama ni Francis dito. Ngayon ko lang sila nakita dito. " No thank you. Hindi ako kuma-kape " ngiti noong lalake na nakatingin saakin. Medyo singkit ito at maputi rin. Ang ganda rin ng katawan. Napatingin naman ako sa dalawa pang lalake pero umiling lang rin sila. Napa-tango nalang ako saka umusog ng kaunti. Naghihintay sa iuutos ng boss ko.

" Ms. Magsandingan, right? " biglang tanong na naman ng lalakeng singkit. Napatingin ako kay Francis pero napainom lang ito ng kape nya. " Opo " maikli kung sagot. " Nice name. By the way, it's Carl " tumayo ito at naglahad ng kamay. " Carl Silvena " napatingin ako sa kamay nya pagkatapos ay tumingin sa boss ko , pero parang wala naman itong pake-alam kaya tinanggap ko nalang. Alam na alam ko na sya iyong Nakita Kong kasama ni Francis sa elevator. Boyfriend nya seguro ito. Napalunok ako sa naisip. 

" Nice to meet you po " Sabi ko nalang saka binitawan ng mabilis ang kamay nya na ipinagtaka nito pero binalewala nalang. " Sya pala ang bago mong secretary, L " biglang pagsasalita ng lalakeng nasa pinaka-dulong sofa. Mapapansin mo ang agwat ng edad nya kumpara saamin dito sa loob dahil pakiramdam ko mas matanda pa ito saakin ng ilang taon. Pero kahit ganun hindi makakaila ang taglay ng kakisigan.
Ang gwapo.

" Yes " maikling sagot ng boss ko.

" She's cute " Ani ulit nito. Kainis uminit yata pisngi ko. " Asher Lux Locan , older brother nitong gwapo mong boss " sabay lahad nito ng kamay. Older brother?. Ok. Pero bakit hindi sila magkahawig?. Tsaka sinong gwapo?. Tsk , eh hindi naman gwapo yang si Francis. Kesa i- question ang sinabi nya nakangiti ko nalang itong inabot ang kamay nya. Ang kinis ng kamay. Gwapo talaga. May pamilya palang anghel tong mala- demonyo kung boss. Ang gwapo pa ng Kuya nya.

" Hi , Jake Monsato " pakilala naman ng isa. Ay gwapo rin. Teka, sya ito yung tumulong saakin kanina ng Muntikan na akong madulas. Kaibigan pala sya ni Francis. Ang swerte nitong si Francis puro gwapo yung mga kaibigan nya lalo na itong Kuya nya. sheyt. Tumigil ka nga Gianna!. Hayst.

" Nice to meet you po " tingnan ko sila isa-isa. Jusko , anghel talaga na nalaglag sa langit..pero ng sumapo na ang tingin ko sa boss ko nawala ang ngiti ko. Maliban sa isang 'to. Tsk.

" Ms. Magsandingan " ramdam ko kaagad ang kabagutan sa boses ng boss ko. " Yes , sir? " lumapit ako. Nag-sign pa ito na lumapit pa raw ako sa kanya kaya ginawa ko hanggang sa halos magkadikit na ang mukha namin. Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ang hininga nito sa tenga ko.

" Get out " bulong nya. Saka tumayo at lumapit sa desk nya. Bwesit Akala ko kung ano na yung sasabihin nya. Sumasakit na naman sintido ko sa kanya. Napahinga ako ng malalim bago nagpaalam na lumabas. Tsk. Sa palagay ko mas mabait pa yung Kuya nya kesa sa kanya. Sama ng ugali.

Dalawang Araw ang lumipas ng halos hindi ako makapgpahinga sa trabaho. Nagka- problema kasi bigla ang kompanya kaya tambak ang trabaho ko at pag-a- assist sa mga gagawin. Panay rin ang pabalik-balik ko para sa mga kliyente na hindi minsan nakakapunta sa kompanya kaya ako nalang ang pumupunta sa mga bahay nila. Sobrang hirap ng trabaho ko pero nagpapasalamat parin ako kasi maganda ang sweldo.

" Ano kaya pa? " inabutan ako ng pinsan ko ng isang bottle mineral water na kaagad kung naubos. " Itanong mo sa sumasakit kung likod at paa " Sabi ko nalang. Namamaga minsan ang paa ko dahil sa pabalik-balik na paglalakad gamit itong sandalyas na suot ko. Kung pwede lang mag tsinelas ay ginawa ko na kaso baka hindi ako papasukin nung guard. Hindi pa naman kami close nun, may atraso pa yun saakin ng kinaladkad nila ako ng mag-apply ako dito. Ang sakit kaya ng braso ko paguwi ko nun.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now