CHAPTER 5

0 0 0
                                    

Gianna's Point of View

Sobrang sakit ng buong katawan ko nang sa wakas ay maka-upo ako sa pwesto ko. Panay asikaso ako sa bisita ni Mr. Locan dahil hindi ko ito mahagilap kung saan. Sabi ni Ms. Gada ay ako nalang muna ang bahala sa mga gagawin dahil kung hahanapin ko pa yung Francis nayun baka mainip na sa kakahintay yung bisita namin. Asan ba kasi pumunta yung lalakeng yun at hindi ko ma- contact. Nakapatay ang cellphone nito.

Nandito ako sa office nya at gusto kung magpahinga ng mahaba. Pagod na Pagod ako at sa pagkakataong ito wala akong paki-alam kung magalit sya dahil nakatiyaya ako ngayon sa sofa nya. Gustong umuwi at matulog pero hindi pa pwede dahil kailangan ko syang hintaying bumalik. Mag- a- alas- otso na nang gabi pero wala pa sya. Umuwi nalang kaya Ako?. Pero sabi kasi ni Ms. Gada babalik sya dito hintayin ko nalang daw. Pero kelan pa?.

Napapikit ako at prenteng inihiga ang katawan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal dito ang boss kung Ewan ko kung saang planeta nangggaling. Hindi ako nito napansin dahil nasa gilid ang sofang hinihigaan ko, at medyo madilim rin dito sa gawi ko. Pagpasok nya kumunot kaagad ang noo ko nang mapagtantong sobrang balisa nito at haggard yung porma. Hindi na naka-ayos ang necktie nito at gusot narin ang pulo. Anyare sa lalakeng 'to?.

Bumangon ako at umupo. Hindi muna ako lumapit at pinagpasyahang tingnan ang susunod nyang gagawin.

Mapapansin ang pagiging malungkot nito. Namamaga rin ang mata. Teka nga, umiyak ba'to?. Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa kalagayan nya ngayon. Eto? etong hambog na'to iiyak?. Bakit naman sya iiyak diba?. Oh baka naman heartbroken. Pero parang wala naman akong nalalaman na may girlfriend sya. Eh teka pake-alam ko ba.

Maya-maya pa ay naupo ito sa swivel chair nya. Hinubad nito ang necktie nya at pasimpleng niluwagan ang kwelyo nito para makahinga ng maayos. Ibinaba nya rin ang salamin na sinusuot nito. Kitang-kita ko rin kung paanong tumulo ang luha nya at kaagad na pinunasan nito nang maramdaman ang presensya ko.

" What are you still doing here? " biglang seryuso nyang tanong. Napangiwi ako. Obvious ba , malang hinihintay ka. Yun sana ang isasagot ko pero wag nalang kasi parang bad mood ito. " Pinapahintay ka kasi ni Ms. Gada , sir. Pinapapabigay nya yung pirma ng bisita kanina andyan sa table mo tsaka--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito.

" You can go now. Ako na ang bahala dito " Ani nito at napasandal sa upuan. Kaagad kong naamoy ang alak sa paligid. Naka-inom ba'to?. Napapikit ito at malalim ba huminga. Ganun- ganun lang yun matapos ko syang hintayin ng ilang Oras?. Ha!.

" What are you waiting for? " biglang pagsasalita nito nang mapansing hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

" Ok ka lang ba? " hindi ko alam kung saan nangggaling iyong tanong naiyon. Basta-basta nalang itong lumabas sa bibig ko. At ang walang hiya hindi manlang ako pinansin. Ok. Sabi ko nga.

" Aalis na nga.." Sabi ko sa sarili.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng marinig ko ang malakas na pagbagsak ng kung ano. Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita na ang boss ko ay nakasupaypay na sa sahig. Gulat na nilapitan ko ito.

" Sir! Sir! " ilang beses ko itong tinawag pero nakatulala lang ito sa kawalan. Tinapik ko pa ng ilang beses ang kanyang mukha pero parang namanhid ito. Anong nangyayari sa kanya?.

" Locan!. Woy! Anong nangyayari Sayo?!" Wala akong choice kundi ang ang sampalin sya ng malakas. Pero ganun nalang ang pagkabog ng dibdib ko ng bigla itong tumahimik at pawang nakatingin lang saakin. Mugto ang mata nito. " W-woy...ok ka lang? " tinapik ko ulit ang mukha nito. Pero ikinagulat ko ang sumunod na nangyari.

Bigla itong ngumawa na parang bata. Sobrang lakas ng iyak nito na halos aakalain mong bata syang pinagalitan ng nanay. Luh? anyare dito?. Bigla nya nalang akong niyakap ng sobrang higpit at panay iyak sa balikat ko.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now