CHAPTER 11

0 0 0
                                    

GIANNA'S POV

" Nagugutom na ako"

" Gutom na gutom na talaga ako"

" Hayst. Kanina pa ako nagugutom--" inis kung binalingan ang pinsan kung kanina ko pa naririnig na panay reklamong gutom na raw sya. " Ano ba! Kung gutom ka kumain ka , hindi yung binubwesit mo ako dito. Tabi nga " inis kung saad sabay kuha ng papel na chini-check ko na hawak nya. " Eh bakit kasi ang tagal mo. Kanina pa kaya yung lunch. Tara na kasi nagrereklamo na mga alaga ko sa tyan eh " reklamo nito ulit. "Sino ba kasing nagsabing hintayin mo ako , ha?. Marunong naman akong mag- lunch mag isa. Tsaka malapit na to ilalagay ko lang sa mga folder " Ani ko.

" Lahat Yan?. Eh sa tambak yan ah baka bumalik na mga Kasama natin hindi ka pa tapos dyan " Ani nito saka tumayo sa harapan ko. " Eh anong magagawa ko.I- Isa-isahin ko pa ito mamaya ilalagay ko lang muna sa mga lalagyan para hindi ako mahirapan mamaya " pagkatapos ay isa-isa ko itong nilagay sa mga folder. " Ano ba kasi yan..." kinuha nya saakin yung Isa at binasa. " Ha? Ano gagawin mo dito sa company fund na'to eh 2019 pato ah. 2023 na kaya girl " Ani pa nito sabay sipat ng iba pang mga papeles na nasa desk ko. " Basta. Akin na nga yan. Mauna kana dun susunod nalang ako" Sabi ko sabay agaw sa kanya ng kinuha nito.

" Ms. Magsandingan"

Sabay kaming napatingin ni Gael ng dumating si Francis sa harapan namin. " Oh ser? May kailangan kayo? " tanong ko. " Kumain kana ba? " tanong nito na ilang segundo yatang bumaon sa tenga ko. " Ako? Hindi pa bakit? " sabay turo ko sa sarili. " May ipapabili kaba sa baba? " dugtong ko. " Meet me downstairs" huli nitong sinabi bago kami iwan doon. Nagkatinginan kami ni Gael. " Anyare? Bakit bumait yata si boss ngayon?. Oy Gianna ha ano yan.." tukso ng pinsan ko. Napakibit-balikat nalang Ako. Inayos ko na ang ginagawa ko saka tumayo. " Ngayon lang Yan tingnan mo mamaya sesermonan na naman ako nyan " kinuha ko ang cellphone ko.

" Hoy sandali saan ka pupunta? " tanong ng pinsan ko. " Pupuntahan si Lucifer! " sigaw ko saka sumakay ng elevator. Pagkababa ko naabutan ko doon si Francis na simpleng naghihintay sa pintuan ng building. " Bakit ba ang tagal mo? " medyo inis nitong tanong. " Sorry naman. Ano ba kailangan mo ser?. I- te- treat mo ba ako ng lunch ser? " pilyo pa akong ngumisi. Baka lang naman makalusot. " Yes " ilang segundo yatang nabingi ako dun. Seryuso?. Di nga?. Anyayare dito? Bakit biglang bumait?. Pero seryuso talaga?. Bigla itong naglakad palabas. " Hoy Sandali! Totoo? " sigaw ko. Maya-maya pa ay may dumating na sasakyan sa harapan nya. Kaagad akong lumapit. " Sakay " Sabi nito ng makababa ang isang lalake na syang nagda- drive kanina. Tinuro ko  naman ang sarili ko. " Yes. You!. Faster! " inis nyang utos kaya pumasok naman ako at umupo sa backseat. " What are you doing? " Ani nito sabay sipat saakin sa rear view mirror ng sasakyan nya. " Bakit? Sabi mo sakay. Nakasakay na ako ah " sagot ko naman. " Gagawin mo akong driver mo?. Umalis ka dyan. Dito ka maupo " tapos ay itinuro nya ang katabi nyang upuan. Kaya lumabas ulit ako at naupo roon.

" Pero seryuso talaga manlilibre ka ngayon? " tanong ko.

" Kung ayaw mo labas " tumingin pa ito saakin ng seryuso. " Sungit. Anong nakain mo at mabait ka yata ngayon ser? No offense ah. Madalas kasi nambwe- bwesit ka Diba? " Ani ko. Malalim naman itong napahinga bago pinaandar ang sasakyan. " Ikaw ano bang pinakain sayo ng mga magulang mo at ganyan ka straight at walang ka preno- preno yang bibig mo " banat naman nito bigla. " Ewan ko. Hindi naman ako pinalaki ng mga magulang ko eh " sagot ko. Kitang-kita ko kung paanong nagbago ang mga mata nya habang tutok na tutok sa pagmamaneho. At ganun nalang ka bilis tumahimik ang buong paligid.

" Hey.. I'm sorry " pagsasalita nito matapos ng medyo mahabang pananahimik. " Gutom na ako. Pakibilisan nalang " Sabi ko nalang sabay tumagilid at napatulala sa daan. Hindi naman ako naaapektuhan ng sobra kapag mga magulang ko na ang pinaguusapan. Ganyan talaga seguro kung wala Kang memories na kasama sila medyo hindi ka naapektuhan kapag binabanggit sila. Walang saya , sakit oo meron kaunti pero ok na naman ako. Tanggap ko na naman na iniwan ako ng mga magulang ko sa Auntie at Lola ko na nagpalaki saakin. Ipinilig ko ang ulo ko at hindi nalang inisip ang mga bagay nayun.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now