CHAPTER 21

8 0 0
                                    

GIANNA'S POV

Napakunot Ang aking noo ng mapansing sobrang busy ang mga taong dinadaanan ko. Halos hindi sila magkalauga sa kakalabas pasok.

" Anong meron? " Tanong ko sa sarili.

" Birthday ngayon ni Mr. Locan" biglang sulpot ni Ms. Gada sa likuran ko na ikinagulat ko. " Ho? Birthday nya? " Naitanong ko nalang. Napaikot naman ito ng mata saakin. " Ay bakit hindi mo alam? Diba ubligasyon mo Yan kasi secretarya ka? " Sarkastiko nitong sagot saakin. Napilitan nalang akong ngumiti. Sabi ko nga.

Umalis na ito sa harapan ko pagkatapos ay ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad hanggang sa masalubong ko si Gael.

" You're late! How dare you! Unprofessional! " Galit na sigaw ng pinsan ko saakin na ikinagulat ko. " Problema mo? " Tanong ko rito. " Hehe ina-advance ko lang yung sasabihin ni sir Locan. Birthday nya kasi ngayon " makahulugan nitong ani. Napatigil naman ako sa paglalakad. Ano daw?.

" Ha? Eh ano naman ngayon kung birthday nya? " Tanong ko rito.

" Alam mo kasi pinsan..." Hinila ako nito papalapit sa kanya saka inagbayan. " Kapag sumapit ang birthday ni sir Locan, nagiging empyerno ang buong kompanya para saating mga empleyado. Embes kasi na dapat maging Masaya sya kasi birthday nya baliktad pa yung nangyayari. Alam mo bang birthday nya ang kinakakatakutan namin dito " nagulat ako sa sinabi nya. Lumayo ako rito saka hinarap sya.

" Ano? Hindi ko gets " Ani ko.

" Yun nga eh. Ang gulo nyang boss natin. Kapag birthday na nya nagiging ultra mega ang pagiging suplado nito. Kapag may Makita syang Hindi nya magustuhan ay magagalit agad ito. Noong past year nga tatlong employee yung na tanggal kasi ang mabagal daw sila magtrabaho " litanya nya. Hindi ko maiwasang maguluhan sa sinabi nito. Sino ba naman kasing tao yung galit sa mismong Araw ng birthday nya?. At tsaka bakit naman sya magagalit eh birthday nga nya Diba?.

" Speaking of the devil" Ani ni Gael at napatingin naman ako sa unahan namin. Awtomatikong tumahimik ang paligid ng dumaan ito. Ako lang ba o pakiramdam ko naging madilim ang atmosphere ng paligid.

" Una na ako... goodluck" bulong saakin ng pinsan ko saka madaling umalis. Hindi ko alam kung bakit napalunok ako ng magtama ang paningin naming dalawa. Totoo ba talaga yung kwento ni Gael?.

" Good morning sir " bati ko rito pero wala manlang itong reaksyon pabalik saakin. Nakaramdam tuloy ako ng mga tingin sa paligid tila binabantayan ang galaw at reaksyon ko. " Come with me " sagot nalang nito dahilan upang sa kanya mapunta ang atensyon ko. Walang sabi-sabing nauna itong naglakad saakin. Napalunok ako bago sumunod sa kanya.

Naging tahimik ang paligid ng makarating kami sa office. Pumunta naman ako sa table ko saka chineck kung ano ang appointment ngayon. Ng makuha ko na lahat ay lumapit ako rito.

" Sir , may meeting kayo with Mr. Jerome today,9:00 am. Then pinapatanong pala ni sir Ryan kung kelan kayo bibisita sa Cebu--" pinutol nito ang sasabihin ko.

" Cancel all of my appointment today " Ani nya na wala saakin ang atensyon.

" Pero sir yung meeting mamaya urgent--"

" I said what I said , Gianna. Just do it " Ani nito ulit. Hindi nya manlang ako nagawang tingnan ng sabihin nya iyon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kurot sa dibdib. Ito ba yung sinasabi ng pinsan ko?. Bakit ang sakit naman yata.

" Yes , sir " sagot ko nalang.

" And also..." Doon na ito tumingin saakin. " Kapag may maghanap saakin sabihin mong busy ako and I don't want any distractions...do you understand? " Ani nito. Napalunok ako sa naging reaksyon ng mga mata nito. Sobrang lamig ng reaksyon nito.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now