CHAPTER 20

2 1 0
                                    

GAEL'S POV

Kaka-uwi ko lang galing sa trabaho at naisipan kung tumbay muna sa bakery ni manong Kaloy. Sobrang sarap ng pandesal nila dito, kaya lagi akong tumatambay dito eh. Pumasok na ako at pumila para maka-bili. Yayain ko kayang kumain dito si Gianna. Total parang hindi na kami lumalabas na magkasama. Pano ba naman kasi sobrang busy. Halos nga hindi na kami sabay umuwi kasi minsan nahuhuli na sya ng labas.

Pero ang pinagtataka ko talaga eh kung bakit sya sinundo ni sir Locan gamit ang sasakyan nito noong anniversary ng kompanya. Akala ko talaga ihahatid lang sya pauwi , pero sabi ng mga kasama nya sa apartment ay hindi na raw ito umuwi. Nagtataka tuloy ako kung saan sila pumunta.

Nararamdaman ko talagang may inililihim yang babaeng Yan saakin eh.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng may kumalabit saakin. Bumaba bigla ang tingin ko sa batang babae na kumalabit saakin. Tumaas ang kilay ko ng mapamilyaran ito. Saan ko nga nakita itong batang 'to?.

" Can you move aside? " Utos nya. Ay ,sana all Englisira. Seguro mayaman yung mga magulang nito.
" Are you bingi ba? " Dugtong nya pa. Teka ano raw. " Ha? " Naitanong ko nalang. Tumaas naman ang kilay nito saka may tinuro sa harapan ko. Paglingon ko doon ay kanina pa pala nakatitig saakin at naghihintay ng bibilhin ko ang tauhan ni manong Kaloy. Napilitan naman akong ngumiti saka mabilis na nag-paumanhin.

Umurong Ako paalis para makadaan yung batang babae. Ikinagulat ko pa ng nagsimula na itong pumili saka itinuro iyon sa nagtitinda. Maya-maya pa ay dumukot ito ng pero sa maliit nyang bulsa sa pants na suot nito. Ay wow, iba na. Ang dami ng pera ng batang ito. Matapos makapag-bayad at kunin ang binili nito ay kaagad syang umalis. Pero hindi pa man ito nakaka-abot ng pinto ay biglang may humila sa braso nyang isang batang lalake. Mas matangkad ito sa kanya ng kaunti.

Baka kapatid nya. Hawig kasi sila. Bakit parang sobrang pamilyar nilang dalawa?. Saan ko ba kasi sila nakita?.

" What are you doing here? I've been looking for you " biglang inis na Ani ng batang lalake. Ang cute nilang tingnan. Hindi ko tuloy ma-alis ang tingin sa kanilang dalawa. " I'm buying you foods. You said your hungry diba? " Sagot naman ng batang babae.

" Fine. Let's go na , baka hinahanap na tayo ng daddy "

Sabay silang lumabas ng pinto hanggang sa maglaho na sila sa paningin ko.

Bumalik nalang ako sa pagbili ng isang slice ng cake at soft drinks. Matapos nun ay Doon ako umupo sa may mesa sa labas ng bakery.

Sarap na sarap ako sa kinakain ng mapamilyaran ko ang lalakeng nagmamadaling pumasok sa bakery. Sinilip ko ito at parang natataranta ito at may hinahanap. Nagtanong pa sya sa tindera saka nagpasyang lumabas. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ito.

" Sir Carl?! " Gulat kung bungad sa kanya ng lumabas na ito ng pinto ng bakery. Kaagad naman itong lumingon saakin saka nagmamadaling lumapit.

" May Nakita ka bang dalawang bata? Lalake at babae? Mga ganito yung taas nila.." sinukat nito sa ere ang taas na tinutukoy nya. " Bata? " Napa-isip naman ako bigla saka ko biglang naalala yung dalawang bata na nanggaling dito kanina.

" Ay! Oo..may dalawang batang bumili dito kanina. Englisira pa yung Isa--"

" Sila nga. Saan sila pumunta matapos bumili dito? " Putol nya sa sasabihin ko.

" Ano..." Humarap ako sa daan. " Hindi ko alam eh. Basta Doon sila dumaan " turo ko. Pero wala pa ngang isang segundo ng umalis si sir Carl sa harapan ko. Nagmamadali itong naglakad papunta sa tinuro ko. Dali- dali ko namang inubos ang soft drinks ko saka sinundan ito.

" Teka lang sir! Hintay! " Sigaw ko pero hindi manlang ako nito pinansin. Bakit ba parang natataranta sya. Ano ba nya yung dalawang batang 'yun?. Kapatid nya ba?. Kung kapatid nya edi kailangan nya ng tulong ko para mahanap sila.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now