CHAPTER 3

0 0 0
                                    

First day ko palang pero tinambakan nya kaagad ako ng sandamakmak na trabaho. Halos pabalik- balik ako para galing sa first floor hanggang sa office nya na nasa 30th floor , para lang pagtimplahan sya ng kape. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang trabahong ito , hindi ako magtitiis na maging boss yung manyak na'yun. Akala nya dahil ginagawa ko ang mga utos nya ay nakalimutan ko na ang ginawa nya?. Hindi!.

" You need to familiarize them , alamin mo kung sino- sino sila dahil next week sila ang makakasama natin sa meeting" Ani nito habang ang atensyon ay nasa laptop nya. Humakbang ako ng dalawang beses para lang abutin ang folder na ibinigay nya. Dahil hindi talaga sya nagjo-joke starting today talaga may one- meter rule sya. Hanep!.

" Yes , sir " ani ko. Hindi manlang ako nito nilingon. Maya- maya pa ay humigop ito ng kape pero mukhang wala nang laman kaya tumingin ito saakin at itinulak ng bahagya ang tasa pinahihiwatig na kailangan ko ulit bumaba sa first floor. Ok lang sana kung madali at malapit pero hindi, ayaw nya kasing magkaroon ng coffee maker dito sa office nya. Tsk. Ako tuloy nahihirapan.

" Pero sir , pang-apat na tasa mo na'yan" Ani ko. Hindi sa nagrereklamo ako pero totoo naman kasi. At ayun na naman ang pamatay nyang titig. " Rule number 2--" magsasalita na naman sana ito nang putulin ko.

" Rule number 2 ,you don't allowed to talk back unless i said so. I know sir , I know " halos i- irap ko ang mga mata. Natahimik naman ito at napa-tango. " Good " mahina nyang sambit.

Nang hindi kaagad ako kumilos agad nitong tinaas ang paningin saakin.
" Ano pang hinihintay mo? " masungit nitong tanong. Nairap nalang ako sa kawalan. " Eto na nga oh " Ani ko saka umalis.

Pagbaba ko nakita ko agad si Ms. Gada.
" Ibigay mo 'to kay Mr. Locan , pirma nya nalang ang kulang dyan " pagkatapos ay inabot nya saakin ang isang puting folder. " Segi po " sagot ko nalang. Kaagad akong nag-timpla ng kape para sa boss kung masungit. Pagsakay ko sa elevator nakasabayan ko si Gael.

" Oh kamusta first day? " tanong nito habang pumipindot ng floor kung saan sya at ako pupunta. " Eto malas " Sabi ko saka inayos ang karton na nilagyan ko nang kape. " Ano yan? " tanong nya matapos magsara ang elevator. " Kape para sa kapre " walang gana kung sagot.
" Para kay sir? " tanong ulit nito at napa-tango nalang ako. " Ha? edi malamig na'yan kapag nakarating sa office nya , bakit ba kasi dito kapa nag - timpla " Ani nito. Naiinis na napatingin ako sa kanya. " Itanong mo sa kanya na walang balak magkaroon ng coffee maker sa office nya " sagot ko.

" Gaga! Pwede kang mag- timpla ng kape sa next room malapit sa office ni Mr. Locan , tsaka doon naman talaga sya nagpapatimpla ng kape "

" Ano?! " halos ikalaglag ng panga ko ang sinabi ng pinsan ko. Walang hiya! Pinahirapan nya talaga ako. Eh pwede naman palang doon mag-timpla tapos ako at eto nagbabalik-balik mula first floor. Ramdam ko kaagad ang pag-akyat ng dugo ko. Nanggigil ako na halos masira ang hawak kung karton ng kape.
Humanda talaga saakin yang Locan na'yan.

Nang makarating ako sa 30th floor dali-dali kung nilakad ang pasilyo papuntang office ng boss ko.

Naabutan ko itong naka-tayo malapit sa sobrang laking bintana dito sa office nya. May kausap ito sa phone at naka-pamulsa pa ang kamay. Bwesit na'to tumatawa-tawa pa habang nakatalikod saakin. Anong nakakatawa.

Hinintay kung magbaba ito ng cellphone saka ito humarap saakin. Agad akong lumapit at nanggigil na inilapag ang kape sa mesa nya. " Here's your coffee, 'sir' " gigil ko. Tumango lang ito saka hinigop ang kape. " Malabnaw " ani nito. Napapikit ako. " Pasensya na po ah , may nag-utos kasi saakin na pumunta ng first floor para mag-timpla ng kape kahit na pwede namang mag-timpla sa kabilang room. Kaya for sure malabnaw na'yan kapag naka-abot dito sa 30th floor. Opo , 30th floor. Mula kasi yan sa first floor eh " sarkastiko kung sagot. Pinakukulo nya talaga ang dugo ko.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now