CHAPTER 6

0 0 0
                                    

" Aray Naman.." pinagpasyahan kung maupo muna sa hagdanan nang hindi ko na nakayanan ang sakit ng paa ko. Hinubad ko ang suot kung sandalyas at bumungad saakin ang namamaga kung hinliliit sa kanaang paa. Sumasakit narin ang paa ko sa sandalyas na suot ko. Wala pa naman akong bandaid sa bag. Umagang-umaga eh , ganito na agad bumungad saakin. Tapos umuulan pa sa labas. Kainis. Tinukon ko ang dala kung payong at saka itinayo ang sarili pero dahil mabasa ito at pati na ang hagdanan nadulas pako.

Na- imagine ko na kaagad ang sakit kapag bumagsak ang katawan ko sa malamig na semento nasa ikalimang palapag kasi ako ng hagdanan kaya alam kung masakit kapag bumagsak ako hanggang dulo. Pero wala, wala akong maramdamang sakit. Pakiramdam ko nga nakalutang ako sa ere. Bigla akong napamulat. At sheyt, nasa langit naba ako?. Pakiramdam ko nakakita ako ng anghel na ubod ng gwapo. Ang ganda ng brown nyang mga mata. Oh my gulay! Ngayon ko lang napagtantong hawak - hawak nya ako.

Dahil sa matindinding hiya bigla akong bumangon at umatras ng kaunti.

" Sorry..tsaka S-salamat " Sabi ko. Bakit ba ako nauutal?. Ngumiti ito at pramis sobrang gwapo nya. Ack!.

" Ok kana ba? " tanong nya. Ay akala ko mag- e- English sya Pinoy rin pala 'to. Akala ko foreigner. Mukha kasing foreigner. Tumango ako. Bigla ay tumunog ang cellphone nya, sinagot nya ito na nakatingin saakin. Sheyt.

" Yes , Bro? " tanong nya sa kausap. Hindi ko masyadong marinig ang usapan nila pero parang naiinis na yung kausap nya. Para kasing sumisigaw.

" Papunta na..ano bang minamadali mo? Miss mo na kaagad ako? " tawa pa nito. Ay. May girlfriend na pala. Sayang. Matapos ang tawag na iyon tumingin sya ulit saakin. Teka , bakit pa ba ako nandito?. Dapat kanina pa ako umalis. Gwapo kasi eh.

" Dito kaba nagtratrabaho? " tanong nya na halos ikaikot ng mata ko. Obvious naman seguro noh? dahil naka uniform ako at may logo pa ng companya?. Gusto ko sanang itanong yan kaso wag nalang pala. " Oo " sagot ko nalang. " Sabay na Tayo? " tanong nya.

" Ha? "

" Sasakay ka ng elevator Diba? or gagamitin mo yung hagdan? well para--"

" Ah oo, mag-e- elevator ako " putol ko sa sinasabi nya.

" Tara? " nauna na ito saakin. Kaagad kung binuhat ang mga dala ko saka isinuot an sandalyas na hinubad ko saka nagmadaling sumunod sa kanya. Nang makarating kami ng elevator at makasakay naging ackward ang pakiramdam ko. Sino ba sya? kung nagtratrabaho rin sya dito parang hindi ko naman sya nakita at wala syang I.D. Or baka naman bisita ulit ni Mr. Locan. Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng mag-ring ang cellphone ko. At syempre bumungad saakin ang pangalan ng boss kung isip bata kapag nalasing. Hindi ko parin talaga malilimutan ang gabing 'yon. Epic.

" Oh ser? good morning " kunwaring masaya ako na kausapin sya.

" Where are you? " tanong nito sa bagot na boses. Problema nito?. Aga- aga eh.
" Naka- sakay na po sa elevator " sabi ko. Inilagay ko ang cellphone sa tenga ko at sinuportahan ng balikat ko para hindi ito malaglag habang tinutupi ang payong ko. " Aware ka naman seguro na late kana diba? " Ani pa nito. Napaikot ako ng mata.

" 5 minutes lang naman eh " sagot ko.

" Time is gold, Ms. Magsandingan "

" Oo na. Eto na , wait lang ha " sarkastiko kung sagot na ikinatawa ng katabi ko. Muntik ko nang nakalimutan na nandito pala si pogi. Sheyt nakakahiya yung pagiging maldita ko.

" Babye na ser "

" Ms--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito ng patayin ko ang tawag. Panira ng araw. Sakto namang bumukas ang pinto saka ako lumabas. Tudo reklamo pa ako sa daan papunta sa office ni Mr. Locan dahil sa sakit ng paa ko. Kailangan ko na talagang lagyan 'to ng bandaid. Pagbukas ko ng pinto bumungad saakin ang nagkakapeng si Francis.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now