CHAPTER 9

0 0 0
                                    

Kakabalik ko lang sa trabaho at tinambakan na kaagad ako ng mga gagawin. Pakiramdam ko natulog lang ako ng limang minuto tapos pagkagising ko lunes na kaagad. Walang pinagkaiba noong mga panahong nagaaral pa ako. At ngayon sakay ng jeep at dala-dala ang blueprint na kailangan kung I- pa check sa boss kung may sakit daw kaya hindi makakapasok sa office, kaya eto ako ngayon. Ako na mag-a- adjust. Syempre pupuntahan ko sya kung saang planeta man yun nakatira. At walangya mukhang nagsisisi yata ako na hinanap ko pa ang Bahay nya. Sobrang layo Pala at dalawang sasakyan pa ang pinarahan at sinakyan ko bago ako naka- rating sa subdivision nila. Yung guard na matandang lalake kaagad ang bumungad saakin.

" May kailangan po ba kayo, miss? " tanong nito. Sumilip naman ako sa may gate, nagbabakasakaling Makita ko man lang si Francis pero wala eh kaya lumapit na ako Kay manong guard at nagtanong. " Ah dito diba nakatira si Francis Locan? " Tanong ko sabay silip ulit. " Ah si ser Francis. Bakit anong kailangan mo sa kanya? may appointment kaba? " tanong ulit nito. " Ah secretary nya po kasi ako, tapos may sakit daw sya ngayon kaya hindi nakapasok eh pinadadala nya ito saakin " ipinakita ko ang mga papel na Dala ko.

" Sandali lang ha tatawagan ko lang si, ser " Ani nito saka kumalikot na sa telepono. Ilang sandali pa ng tuluyan na ngang bumukas ang malaking gate. " Pwede na raw kayong pumasok " Ani saakin ng guard. " Ay Teka gusto mo bang i-hatid na kita Doon? " presenta pa nito na kaagad ko namang sinang-ayunan. Dahil sa laki ng Lugar na ito baka pihong maligaw nga Ako kaya mabuti na itong i-hatid Ako roon. Sa pagdaan Namin sa kabahayan , nambubungad kaagad ang salitang "magara" sa paligid. Sobrang Ang lalaki ng mga Bahay dito.

" Andito na tayo. Pindutin mo nalang yung doorbell miss. Una na ako" paalam ng guard matapos kung magpasalamat. Inayos ko muna ang dala ko bago pinindot ang doorbell. Nakailang tunog na ito pero Wala namang bumubukas ng gate. Wala bang tao?. Asan na naman kaya yung Francis nayun. Nang masagi ko bigla ang gate , laking pagtataka ko pa ng unti-unti itong bumukas. Ok? Bakit Hindi ito naka- lock?. Kesa magtanong naisipan ko nalang na tumuloy.

At ganun nalang ang pagkamangha ko sa nasaksihan. Sobrang lapad ng Hardin ng bahay na'to at halos puro made of glass Ang bawat sulok ng second floor yata ng bahay. Kitang- kita ko tuloy yung Ganda ng loob noon kahit nasa baba palang ako. Ay naks naman, sana all yayamanin. Nang makarating ako sa pagkalaking pinto , kumatok ako pero bigla nalang itong bumukas.

" Ser? " tawag ko ng makapasok. Sobrang laki ng living room. Grabe tapos Isa lang syang nakatira dito?. Sana all talaga sa hambog nayun. " Ser Locan? " tawag ko pa ulit pero walang sumasagot. " Ser asan ka? Nandito na yung pinapadala mo " dugtong ko pero wala parin. Asan ba kasi Yun?. Kainis naman.

" Hey..."

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng maramdaman ang init ng hininga ng kung sino sa batok ko. Sheyt. Biglang nanindig ang balahibo ko ng ipatong ito ang ulo sa balikat ko. Dahan-dahan ko itong nilingon at ganun nalang ang tili ko ng mapagtantong Ang boss ko Pala ito at sobrang pula ng mukha nya. Sa gulat bigla akong napalayo dahilan upang Muntikan na itong matumba buti nalang at naka-kapit ito sa mesa.

" Ser ok ka--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana ng dumapo ang tingin ko sa nakahubad nitong katawan. May shorts naman ito pero walang pan-itaas na damit. Walangya naman oh!. Dali-dali akong tumalikod. Hindi ko alam kung bakit nagiinit ang mukha ko sa Nakita.

" Ano kaba naman! K-kita mong darating Ako ganyan suot mo?! " nauutal na may halong inis na bulyaw ko sa kanya habang nakatalikod. " Pwede bang manahimik ka nalang. I need your help " sobrang Hina noon at halos Wala ng lakas ang pagkakasabi. " A-ah..ano gagawin ko? " alangan kung tanong. Pero ikinagulat ko ng bigla akong nakarinig ng malakas na kalabog. Paglingon ko nakahandusay na si Francis sa sahig na namumutla na ang mukha.

Kaagad akong na-alaram , nagaalangan pa ako kung lalapitan ko ba ito pero nilapitan ko rin naman. Hindi ko alam kung yuyugyugin ko ba sya para gisingin eh ayaw kung hawakan ang walang saplot nyang katawan.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now