CHAPTER 2

0 0 0
                                    

" Gianna! Gianna! Hoy babae gising! "

Nangunot ang noo ko nang magising ako dahil sa malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko. " Hoy! " sigaw ng pinsan ko galing sa kabilang banda. Napapadyak ako sa inis at agad na binato ng unan ang pinto kahit nakasara naman ito. Kaaga-aga kasi nambubulabog sya.

" Ano ba Gianna!? " naiinis na ang tuno nito kaya wala akong nagawa kundi ang bumangon at pagbuksan ito. Bagot na mukha ang bungad ko sa kanya.

" Kailangan mo? " tanong ko. Hindi nito ako pinansin at pumasok nalang sa loob. Naupo ito sa maliit na sofa na malapit sa kama ko. " Hingian mo nga ako ng kape sa baba " utos nito saakin.

" Wala kang kamay? " inis kung tanong. Naglakad ako papunta sa may salamin at sinuklay tapos pinungos ang mahaba kung buhok. " Sungit. Segi ka , may good news pa naman ako sayo " nakangisi nitong sabi. Tiningnan ko sya ng nagtatanong gamit ang repleksyon sa salamin. " Ano? " tanong ko.

" Kape ko muna? " naglahad ito ng kamay sa harapan ko. " Pagbaba natin titimplahan kita " sagot ko nalang. Hindi pa kasi nagkape sa bahay nila eh dito pa manghihingi. Tsk.

" Sabi mo yan ah "

" Oonga. Ano ba yun? " naiinis ko na namang tanong. " Good news , tanggap kana.." ani nito. Napaharap naman ako sa kanya ng mabilis. " Ang sinasabi mo ba ay yung sa Golden Scenery? " pagklaklaro ko. " Eh ano pa ba " sagot nito. Halos lumuwa ako sa nalaman. Kaagad ko itong tinabihan na may hanggang langit na ngiti.

" As in? Hindi joke? " tanong ko pa.

" Mukhang 'to? " turo nya sa sarili. " Nagjo-joke? " dugtong nito sabay irap.

" Oh my ghad! " natili ako sa sinabi nya. So, may trabaho na ako?. Oh my ghad!. Sobrang saya ko na halos pigain ko na sya sa pagkakayakap.


" Next day na ang start mo ha " Saad ng pinsan ko nang makababa kami." Segi " sagot ko sa pinsan ko.  Sumalubong kaagad saakin ang mga kasama ko dito sa apartment na inuupahan namin.

" Oy Gian-girl kakain na! " bungad ni Jasmin saamin , sya yung pinaka-matanda sa lahat ng naguupa dito. Apat kami dito at puro mga babae. Katunayan lahat ng naguupa dito ay mga estudyante.

Dumeristo kami ng pinsan kung si Gael sa kusina. Doon bumungad saamin ang agahan.

" Andito ka na naman, Babae? " Biro ni Cattleya kay Gael na tinarayan lang ito.
Nang magsidatingan na ang lahat kasama narin ang may-ari ng apartment namin nag-umpisa na kaming kumain.

Matapos kumain sinamahan ko si Gael sa sakayan ng jeep, uuwi na raw kasi sya dahil busog na. Ganyan naman talaga lagi yan pupuntahan lang ako sa apartment kung may kailangan.

Nang makasakay ito saka ako umuwi. Medyo malayo ang apartment namin sa sakayan kaya malayo rin ang nilakad ko. Napamura nalang ako bigla ng kumulog at naghahamon na naman ang ulan.

" Wag muna malayo pa ako " Sabi ko at inumpisahan ang pagtakbo. Sa pagkakamadali ko may nabangga ako at pareho kaming napatumba sa daan.

" Sorry--" naputol ang sasabihin ko nang makilala kung sino ito. Kung sini-swerte ka nga naman oh. Kaagad akong tumayo at hinarap ito. Napataas ang kilay ko at napakunot ng malalim ang noo. Ito naman ay nagpapagpag ng pantalon saka tumingin saakin na parang ngayon lang kami nagkita.

" Ha! " Singhal ko. " Small world nga naman. Seguro naman at natatandaan mo ang pagmumukhang 'to? " turo ko sa sarili. " Sorry? " English pa ang tanong nito. Hambog!. " Sorry? " panggagaya ko sa kanya. Naasiwa ako sa pagmumukha nya. " Ah so matapos mo akong pagnakawan at bastusin sa jeep , biglang hindi mo na ako matandaan? "inis kung saad. At ang walang hiya hindi manlang ako pinansin sa halip ay busy ito kakatingin sa cellphone nya. Hayop, kainis!.

MY SECRETARY HATES ME... [2024]Where stories live. Discover now