Prologue

74 7 32
                                    

"Huwag pabagal-bagal! Trabaho! Trabaho!" Malakas na sigaw ng Boss namin dito sa pabrika ng mga karne. Kahit napakainit ng panahon, at kahit napakainit dito sa loob ng pabrika ay tinitiis namin ni Kuya Primo para lang magkapera lalo na't walang-wala kami sa buhay at tanging kaming dalawa lang ni Kuya ang nagtutulungan.

"Ilagay niyo pa do'n! Huwag diyan!" Kung sana ay madali lang ang buhay ay baka masarap na ang pamumuhay namin ni Kuya Primo. Kung siguro hindi lang ganito kalupit ang panahon sa amin ay baka sana namumuhay kami ng matiwasay katulad ng mga mayayamang pamilya dito sa Everland.

"Ayos ka lang ba Tivo? Sabihin mo sa'kin at nang si Kuya na ang magbubuhat para sa'yo." Ngumiti ako kay Kuya Primo at sabay iling. Walang problema sa akin ang magtrabaho ng magtrabaho dahil alam na alam ko sa sarili ko na kayang-kaya ko. Hindi naman agad ako napapagod dahil sa malakas ang resistensiya ko sa katawan, malalakas din ang mga buto sa katawan ko at marami akong ipong lakas sa katawan.

"Kaya ko naman Kuya, huwag kang mag-alala." Sagot ko rito, tinignan pa niya ako sa mga mata na siyang ikinahagikhik ko na lang.

Magkamukhang-magkamukha kami ni Kuya Primo at 'yon na ata ang pinakagusto kong nangyari sa buhay ko. Mas matanda nga lang siya sa akin ng limang taon pero masasabi kong hindi nalalayo ang itsura namin. Naka-graduate ako ng college dahil sa tulong ni Kuya kahit ang pag-aaral niya naman ang nahinto. Wala na rin siyang balak pang pumasok lalo na't mahirap na mahirap na ang buhay namin.

"Sorry Kuya ah? Ilang beses na akong nag-take ng exam pero wala parin." Nasabi ko na lang na siyang ikinatigil niya sa pagbubuhat ng mga karne ng baboy. Tumingin ulit siya sa akin at sabay hingang malalim.

Mahal ko si Kuya Primo at siya na lang ang natitirang pamilya ko dito sa Everland. Namatay sina Mama at Papa sa aksidente kung saan nawalan ng kontrol ang piloto ng eroplano kaya bumagsak ito sa mataas na bundok ng lugar namin. Walang ibang tumutulong sa amin kundi ang mga sarili na lang namin, tulung-tulongan na lang kami ni Kuya lalo na't hindi ganoon kalaki ang suweldo dito sa lungsod na 'to.

Kaya minsan nalulungkot ako kapag nabibigo ko si Kuya.

"Bunso, huwag kang mag-alala dahil makakapasa ka rin! Aralin mo lang palagi para sa susunod na take mo ng exam ay makapasa ka na at nang maging isang guro ka na ng tunay." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Kuya, na kahit gusto ko mang umiyak sa harapan niya ay hindi ko na lang ginawa dahil sa mga taong nakabantay sa amin.

Napakalupit pa naman nila sa mahihirap.

Napakabait ni Kuya Primo kaya hindi ko hahayaang masaktan siya. Ayoko siyang mapagod kaya kung kinakailangan ay tinutulungan ko rin siya sa mabibigat na bagay. Siya lang ang sandigan ko at wala ng iba kaya gusto ko siyang tulungan sa mga bagay na alam kong nahihirapan siya. Na kahit sa simpleng tulong ko lang ay maipakita ko na hindi sayang ang mga perang iwinaldas niya para lang makatapos ako sa pag-aaral.

Ilang minuto pa kaming nagtrabaho hanggang sa nag-break time na kami. Kaming dalawa ang nagtatrabaho ni Kuya sa pabrika kaya laking tuwa ko talaga dahil at least sa pamamaraan na 'to ay makakatulong ako sa tustusin naming dalawa. Hindi lang ako umaasa palagi sa kaniya!

"Magandang hapon mga manunuod! Pasensiya na sa mga kumakain ngayon ngunit balitang-balita na may kumakalat na matinding sakit sa karatig isla ng ating probinsiya. Hindi pa natutukoy kung anong klase itong sakit pero base sa aming nasagap ay nagagawa nitong sirain ang pag-iisip ng utak ng isang tao! Ang unang sintomas nito ay ang matinding pagkagutom at ang panlalamig ng buong katawan." Nakatutok ako sa balita nang marinig ang sinabi ng reporter. Napakunot ang noo ko dahil sa imahe na ipinalabas sa T.V. na hindi man lang tinabunan ng kung anong puwedeng itakip! Kitang-kita ang kawawang mukha ng isang babae na dilat na dilat ang mga mapupulang mata habang naglalaway ang bibig!

"Tangina! Ang pangit naman ng babaeng 'yan!" Sigaw ng kung sino pero hindi na ako lumingon pa dahil sa naka-focus lang talaga ang mga mata ko sa telebisyon.

"Sa kasalukuyan ay may dalawa ng biktima ang naisugod sa hospital sa bayan ng Soland dahil sa matindi nitong pagkabaliw! Habang may pito pang inoobserbahan sa loob ng isolation at pinag-aarala—"

Hindi na natapos ng reporter ang sasabihin niya sana nang pinatay na ng Boss namin ang telebisyon.

"Trabaho na! Psh, huwag kayong maniwala diyan! Gumagawa na lang 'yan ng issue lalo na't walang silbi ang Gobernador sa isla nila. Tapos sasabihin na tutulong ang gobyerno pero ang totoo, pagkukunwari lang ang lahat!" Sigaw nito na siyang ikinapikit ko dahil sa lakas ng boses niya na nag-echo talaga sa loob ng pabrika.

Napailing na lang ako dahil sa parehas lang naman ang isla nila lalo na't ang lungsod nilang Soland dito sa Everland na walang mga silbi ang politiko. Ewan ko na lang sa buong rehiyon lalo na't wala namang pag-unlad ang nangyayari. Maliit ang suweldo ng mga trabahador dahil sa pagiging corrupt nila, ang mga mahihirap pa ang nagtatrabaho para mas yumaman pa ang mga mayayaman at tiyaka kulang na kulang ang mga gamot sa parehong isla!

At tiyaka, hindi dapat binabaliwala ang mga gano'ng klaseng balita lalo na't seryoso 'to. Sabihin man nating pagkukunyari ang lahat pero mas mabuti kung maghanda na lamang kung sakaling may kakaibang sakit ang kumakalat sa kapitbahay namin na isla.

"Maghanda na tayo at magsimulang mag-ipon ng mga pagkain, hindi maganda ang kutob ko sa balitang 'yon." Halos mapatalon ako dahil sa biglaang salita ni Kuya Primo sa likuran ko. Tumingin ako sa mga seryoso niyang mata at masasabi kong seryoso rin siya sa sinabi niya.

Kagaya ko, hindi rin pinapalagpas ni Kuya ang mga ganitong bagay. Sa kaniya talaga ako nagmana dahil hindi namin ginagawang biro ang mga ganitong klaseng sitwasiyon.

"Primo! Primitivo! Kayong magkapatid kayo, gusto niyo ba kaltasan ko mga suweldo niyo?" Naalerto agad kami ni Kuya nang marinig namin ang malakas na boses ng Boss namin.

Ganito sa amin. Kawawa ang mga mahihirap dahil nagpupursige silang magtrabaho ng maigi at maayos para mas payamanin pa ang mga taong nasa itaas na walang ibang ginawa kundi ang magsaya at magwaldas ng pera!


Sana maapektuhan sila ng kumakalat na sakit!

Epidemic's Last Medicine (BL)Where stories live. Discover now